CHAPTER 12

1.7K 44 2
                                    

Chapter 12: Stitch

SEANZO'S POV

Walang chukie. Walang chocolate. Whaaa! Hindi 'to pwede. Pinagbawalan kasi ako ni Pappa, hays. Wait si Stitch ko asan na 'yon?

"Stitch? Asan kana? 'Wag kang magtago, magtatampo talaga ako sa'yo. Hmp! Sige ka" Kainis ang asul na 'yon saan kaya nagpunta 'yon. Hinanap ko sa ilalim nang unan ko wala. Hinanap ko sa cabinets ko wala pa rin. Nakakaiyak na. Last na talaga 'to. Baka na bintana ang asul na 'yon. Kaya pumunta ako do'n. Hehe lagot ka sa 'king asul ka. Whahaha. Pumunta nga ako sa bintana ko at tiningnan ko kung nando si Stitch pero. . . Wala!?

"Stitch naman eh! Hindi ka nakakatuwa. Wala na nga akong chuckie, wala na nga akong chocolates. Pati ba naman ikaw? Uwaaaaa!" Nakakainis. Nakakaiyak. Asan na ba talaga 'yung asul na 'yon. Bad. Pagnakita ko talaga 'yon hindi ko siya papansinin.

Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan ko. Bahala sila d'yan. Ayokong kumain pagwala si Stitch. Bumukas lang 'yon.

"Señiorito, kumain na ho kayo. Tiyak na papagalitan ako nang Ama niyo. Por pavour, señiorito." Pagmamakaawa ni Yaya.

Naawa na rin ako. Pero. . Ayoko pa rin! Wala si Stitch dito! Wala akong chuckie, wala akong chocolates! Ayoko ko. Tiningnan ko si Yaya na nakangiti pero agad na nawala ang ngiti niya no'ng umiling ako bilang pagsagot. Nakita ko namang napabuntong hininga na lamang si Yaya.

"Seanzo Lorenzo!" Nandyan na si Pappa. Agad akong nagtago sa ilalim nang kama.

"Nasaan kang bata ka! Ang laki mo nang bata ka pero bakit isip bata ka pa rin!" Sigaw ni Pappa. Natahimik ako't lumabas sa ilalim nang kama.

"B-Bakit Pappa ayaw niyo na ba sa akin!" Napataas na ata ang boses ko.

"Wag mo akong tataasan nang boses, Seanzo. Kilan ka pa ba magkaka-isip. You're already 20 years old pero ganyan ka pa rin mag-isip. Kung nandito lang sana ang Mamma mo maiintindihan ka niya sana" Napayuko ako dahil sa sinabi ni Pappa.

"Ano po ba talaga ang nangyari kay Mamma? Ha? Pappa? Buong buhay ko po naging mabait akong anak pero ni-isang impormasyon po na nanggaling sa inyo sa nangyari kay Mamma wala akong alam." Malungkot na saad ko at yumuko.

"Namatay ang Mamma mo nang ipinapanganak ka pa lamang niya."Nakita kung nangilid ang luha ni Pappa. "Alam mo bang masayang masaya kami nang Mamma mo no'ng dumating ka sa buhay namin pero nawala ang kasiyahan na iyon nang namatay siya ilang minuto lang no'ng nakalabas ka sa sinapupunan niya ang huling sabi niya pa noon sa akin "Seandro, 'wag mong papabayaan ang anak natin. M-Mahal na M-Mahal ko kayo" Ginawa lahat nang doktor ang makakaya nila pero hindi nakayanan nang Mamma mo. " Patuloy pa rin umaagos ang mga luha ni Pappa naramdaman kung nanikip ang dibdib.

"Pappa. Sorry po" Maski ako ay naiiyak na rin. Pero ang mas nakakaiiyak ay hindi ko pa rin makita si Stitch.

Stitch asan kana? Bubuhusan pa kita nang chuckie? Balik kana please. .


AXALIA'S POV

Watching him in this situation my heart is starting to break. I'm so stupid. Hindi ko lang naman naiparamdam sa kanya na mahal ko siya. Nakaupo ako sa tabi nang hospital bed niya, nakatingin sa kanya habang maraming aparatus na nakakabit sa katawan niya.

"Dad. . . I-I'm so sorry for e-everything." My voice starting to break, my tears was like waterfalls na hindi ko alam kilan titigil. I just came here yesterday. Kailangan kong bantayan si Dad. Kahit sa ganitong paraan lang mapunan ko ang pagkukulang ko bilang anak niya. My life was so miserable but watching him make my life more miserable. Without him, I can't see this wonderful world. But now, unti-unti na siyang nawawalan nang oras. Masyadong matanda na rin si Dad.

Maya maya pa ay dumating na ang personal doctor namin. His name was Dr. Arnold Hudge. Marunong din siyang magtagalog nangaling din siya sa pilipinas at do'n niya rin nakilala si Dad.

"Kamusta na siya?" Diretsong tanong ko.

"Stable na ang lagay niya pero may posibledad na muling atakihin ang ama mo. He need to avoid stress, hindi nakakabuti sa kanya 'yon. Lalong humihina ang baga nang ama mo. " Sagot naman ng doctor.

"Okay, Doc. Salamat" nakita ko namang nagulat ang doctor pero agad naman siyang umalis. Nagulat siguro dahil nagpasalamat ako.

Magdadalawang linggo na si Dad sa hospital na ito at hindi pa rin nagigising. I wonder saan niya nakuha ang sakit na meron siya. Alam kung masusustansya lang ang kinakain niya, he didn't eat meats, beef. Pero bakit siya may sakit? And that question was playing in my mind everytime.




MAZELIA'S POV

Napapaikot na kita sa palad ko Axalia Ashtrid. Nag-aagaw buhay na ang Ama mo dahil sa akin. Nakakatuwa na sa 'kin kapa lumapit nang tulong para makalimut sa Ina mo na ako mismo ang kumitil sa buhay niya.

"Kamusta Arnold, nailagay mo na ba sa dextrose nang walanghiya 'yung drugs na pinapapalagay ko?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Hindi pa Madame. Hindi ko pa magawa gawa nandito pa po ang anak niya."

Oh the daughter was there. How sweet. Nakakatuwa sana kung sabay silang mamatay. What a stupid Axalia Ashtrid? Akala ko naman matalino ka?

"Magbantay ka lang." Saka ko ibinaba ang linya.

"SY!?" sigaw ko kaya lumapit kaagad ang totoong kanang kamay ko.

"Yes, Madame?" Nakangising tanong niya. I just rolled my eyes.

"Bantayan mo ang bawat kilos ni Axalia. Lahat nang taong malalapit sa kanya, Understood?" Matigas na utos ko sa kanya.

"Masusunod, Madame Mazelia" Magalang na sagot nito saka tuluyang lumabas.

Kinuha ko ang isang baso nang wine at uminom.

Hindi ako makakapaghintay na patayin ka Axalia Ashtrid. Isa ka lang namang hamak na utusan ko, tapos na ang kailangan ko sa'yo kaya tatapusin ko na rin ang walang kwenta mong buhay.

Napangiti ako sa naiisip ko. Nanabik na akong gawin ang bagay na 'yon pero hindi pa ito ang tamang panahon.













A/N: Short Update. Lol. #Sabaw😂
The Villain is out😈 Hello there people♥

P.s: Mentioning all kwatrolabs.
P.s.s: Hello to Pau andito kana and hello din kay Angel. It's your time to shine, Honey♥

Axalia AshtridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon