Chapter 03: Chuckie
AXALIA'S POV
Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Inis akong bumangon mula sa kama at dali daling buksan ang pintuan.
"What the hell!" Bulas ko. Si Ashton naka jogging pants at naka jacket na nakangiting nakaharap sa akin.
"Good morning, Dude!" I just rolled my eyes. God. Ang aga ang ingay ingay niya.
"Tara jogging tayo." Pag-aya niya. Tiningnan ko naman ang relo ko kung anong oras na. 5:00 A.M palang sa umaga at ang ingay ingay na ng bugwit na 'to.
"Ayoko" madiin na pagkakasabi ko at babalik na sana ng kwarto ko pero hinila niya ako pababa ng dinning Area. Pagkababa namin do'n ay nakahanda na ang almusal mayroong bacons, eggs and rice.
Naunang umupo si Ashton at sumunod na naman. Kumuha lang ako ng bacon at sinimulan ko ng kumain. Nauna akong natapos sa pagkain at iniwan ko na lang si Ashton sa hapag kainan dahil magpapalit lang ako. Umakyat na ako sa ikatlong palapag dahil sigurado akong ayos na ayos na ang kwarto ko. ---At hindi nga ako nagkamali color grey na ang kulay ng buong kwarto ko. Kinuha ko na lang ang mga gamit ko mula sa master bedroom. Naligo na ako nag toothbrush, nagsout lang ako ng black sports bra at black jogging pants then, I wear my black jacket. Pagkababa ko ay naabutan kung nakaupo si Ashton sa sofa.
"Dude! Tara!" Hyper na bungad niya at hinila ako sa labas pero may humarang sa'min sa gate si Miss Michin este si Ariela.
"Saan mo dadalhin si Lady Axalia?" Nakataas na naman ang kaliwang kilay niya!
"Mag-jojoging lang. " kampanteng sagot ni Ashton akala mo naman saulado na niya yung pasikot sikot dito. Duh
Hindi niya siguro alam na lumabas ako kagabi well, naglibot libot lang ako sa paligid kinabisado ko lang yung pasikot sikot baka maligaw ako.
"Sige. Bumalik kayo ng alasais y medya" Striktong sabi niya pa, hindi na ako nag-aksaya ng laway sa kanya. Dirediretso akong lumabas ng gate at nagsimula ng mag-jogging habang nakikinig ng music.
(NP: Look what you made me do by Taylor Swift)
🎵I don't like your little games
Don't like your tilted stage
The role you made me play
Of the fool, no, I don't like you
How you laugh when you lie
You said that gun was mine
Isn't cool, no, I don't like you (oh!)🎵But I got smarter, I got harder in the nick of time
Honey, I rose up from the dead, I do it all the time
I've got a list of the names and yours is in red underline
I check it once, then I check it twice oh!🎵Ooh look what you made me do
Look what you made me do
Look what you made me do
Look what you just made me do
Look what you just made me do"Ooh, look what you made me d--what the hell!" Naputol ang pagsabay ko sa kanta nang nakaramdam ako nang may kung anong malamig na likidong pumasok sa damit ko dahilan para mabasa ang suot ko. Tiningnan ko naman ang dinadaanan ko at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na may hawak ng chuckie na nakangiting tumitingin sa akin.
"Hehehe" narining kung hagikhik niya. Agad namang uminit ang ulo ko.
"What the heck? Anong tinatawatawa mo pagkatapos mo 'kong basahin n'yang chuckie mo!" Sigaw ko sa kanya dahilan para tumigil siya sa paghagikhik.
"E wala naman akong kasalanan ah, pagbukas ko kasi ng chukie ko tumapon diyan sa sinusuot mo." At nag-pout na parang bata sa harapan ko. I just rolled my eyes. Isang lalaking nakatayo sa harapan ko na sa tingin ko ay magkasing-edad lang kami, nakita ko naman ang paglungkot ng mga mata niya. Luh anong problema ng batang 'to este ng binata na ito. Pero maya maya pa ay umiyak ito sa harapan ko. Pero teka? Bakit ang pamilyar niya? W-Wait? Nah, this is impossible.
"Uy uy anong iniiyak iyak mo?" Shit. Pasikat na rin ang araw at may mga taong dumadaan na rin baka isipin nila na nakipagbreak ako sa isang 'to. Pero umiiyak pa rin ito sa harapan ko hanggang ngayon.
"Yaya!" patuloy na pagsambit niya. Gusto kung matawa dahil magkasing edad lang kami mayroon pa siyang yaya. Maya maya pa ay may humintong van sa hindi kalayuan at may naka-formal attire pa sila, mukhang mga bodyguards. Lumapit sila sa gawi namin at may isang babae silang kasama. May katandaan na rin ito pero hindi mo mahahalata dahil malusog siyang tingnan.
"Señiorito!" Sigaw ng babae at nilingon naman siya ng lalaking kaharap ko ngayon.
"Yaya..." Agad na lumapit ang babae. Tsk tatalikod na sana ako pero--
"Ikaw ba ang nagpaiyak kay Señiorito Seanzo?" So Seanzo pala ang pangalan niya. Wait, S-Seanzo? No way---oh stop that. Axalia. I just stare at her bago magsalita. Nilagay ko ang dalawa kung kamay sa makabilang bulsa ko.
"Hindi." Sagot ko naman.
"Impossible. Ikaw ang kasama niya kaya umamin kana Señiorita ikaw ba ang nagpaiyak sa kanya?" Gusto kung matawa sa 'señiorita' señiorito' thingy na yan. They look like spanish, sigurado akong may dugong español ang alaga niya dahil sa maputing kutis at mataas na ilong ang meron siya.
"I said I'm not" madiin na pagkakasabi ko. Bakit hindi niya tanungin ang alaga niya. Pagkatapos ng sinabi ko ay tumalikod na ako at nagsimulang mag-lakad. Pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko ng mahigpit, this old lady.
"Bitawan mo ako, bago pa ako pumatol sa matandang katulad mo" malamig na sabi ko pa sa kanya pero hindi siya nakinig patuloy pa rin ang pagkakahawak niya ng kamay ko.
"Por pavor Señiorita, ikaw ba talaga ang nagpaiyak kay Señiorito Seanzo. Tiyak na papagalitan ako ng kanyang Ama kapag nalaman n'yang umiyak si Señiorito Seanzo mahirap patahanin ang batang iyan" pakiusap ng matandang babaeng. God. Ano ba ang kasalanan ko sa lalaking yan e, kusang umiyak lang naman yan sa harapan ko.
"I'm telling the truth madame, miss, mrs. or whatever. I didn't made him cry, hindi ko pinaiyak ang alaga mo kusa lang siyang umiyak sa harapan ko. So if your not satisfied on my answer, just ask him" mahabang linya ko sa kanya at tuluyan ng umalis. Nakasalubong ko naman si Ashton na parang nagtataka.
"Hey dude!" Bati niya pero wala ako sa mood para sagutin siya. Nawalan ako ng gana kaya bumalik na lang ako sa Mansion ng mag-isa. Iniwan ko ang isang 'yon sa daan, bahala siya sa buhay niya.
A/N: Enjoy Reading! Baka next week hindi ako makapag-update dahil malapit na po yung periodical exam. Hehe hope you understand me po.❤ Kamsahamnida!
BINABASA MO ANG
Axalia Ashtrid
AçãoAxalia Ashtrid lives her life as she wanted, rebel against her father, become a delinquent, and do whatever she wants just to ease the pain of the past. In the middle of her rebellion, she was ordered to go home as her punishment, and she will meet...