CHAPTER 28

680 16 3
                                    

Chapter 28: Yes or No?

SEANZO'S POV

Nasa tapat na kami nang rest house namin, which is nasa Pampanga. Pagmamay-ari ito ni Lolo dati pero nang namatay siya ay napabayaan na ito. Mabuti nalang ay ipina-ayos ko. Balak ko rin kasing dalhin dito si Xaxa, kapag naging kami na.

"You like it?" Tanong ko habang tinatanggal ang seat belt ko.

"Yeah. This place is awesome." Sagot niya. Lumabas ako para pagbuksan siya nang pinto at inalalayang lumabas mula sa sasakyan. Ilang oras rin ang itinaggal nang naging byahe namin at ang resulta ay hapon na kami nang nakarating sa rest house namin. Sa totoo lang ay hindi ko minamadali ang lahat, sa katunayan ay gusto kung malaman kung parehas ba kami nang nararamdam para sa isa't isa. Hindi naman sa pingungunahan ko siya gusto ko lang maging malinaw, dahil minsan kung ano pa 'yung malinaw, 'yun pa 'yung nagiging malabo.

Naglakad na kami patungo sa pintuan nang rest house dahil ako ang nagdala nang susi. Pagpasok mo ay bubungad sa'yo ang isang makalumang desenyo kung saan Tyempo pa nang mga Hapon ito nang itinayo ni Lolo Sander. Malinis din ito, mayroong dalawang kwarto dito kaya malabo rin na magkatabi kaming matulog ni Xaxa. I respect her kaya hindi ako gagawa nang makakasama sa kanya. O makakasira sa pagkakaibigan namin.

"Are you hungry?" Tanong ko. Umiling naman siya bilang pagsagot. Inilibot niya naman ang kanyang mga mata sa buong paligid. Hindi ko naman namamalayan na napatulala na ako sa pagtitig sa maamo niyang mukha. Parang kailan lang nang makilala ko siya, ngayon ay kasama ko na. Ilang beses ko man makalimutan ang pangalan niya pero hindi ko makakalimutan ang unang pagtibok nang puso ko, para lang sa kanya.

"Bakit mo ako dinala dito?"

"Gusto lang kitang masolo." Nakangising sagot ko. Nakita ko naman ang pagbusangot nang mukha niya.

"Solo your face!" Sigaw niya. Kaya napatawa naman ako pero nagulat ako nang sumabay siya sa pagtawa. How I miss her laugh. Agad naman akong lumapit sa kanya kung saan nakasandal siya sa bintana. Inilapit ko naman ang mukha ko sa mukha kanya. Agad siyang napa-iwas nang tingin. Damn. Why so gorgeous, Xaxa?

"Damn." Wala akong masabi. Kinabahan ako.

"May sasabihin ka ba, Sean? Kung meron man ay sabihin mo ka-agad handa akong makinig." Nakayukong ani niya. I hold her hand.

"Look at me, Xaxa." I said. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo at tiningnan ako sa mata. Her eyes. Her face. Her lips. She's still My Xaxa no matter what. Hindi ako magsasawang tingnan ang mga mata niya araw-araw, minu-minuto o segundo man. She's part of my life. I can't afford to lose her. I lose her once, not this time.

"Xaxa, I love you." I said sincerly while looking in her eyes. Nakikita ko sa mga mata niya ang takot at lungkot. Kung noon ay kapag nakikita ko ang mga mata niya ay puno nang takot ngayon ay para siyang anghel na bumaba mula sa langit.

"Alam kong maraming taon ang nasayang. Maraming taon ang nasayang dahil sa'kin. Pero ngayon hindi ko na papalagpasin pa. Xaxa, kaya kita dinala rito para malaman ko ang magiging sagot mo."

Sigurado na ako sa gagawin ko. Hindi ko pinagsisihan na nakilala ko siya. Kaya ngayon, wala na akong balak na pakawalan pa siya. Kahit masaktan man ako kakayanin ko. Tatanggapin ko. Huminga ako nang malalim bago magsalita muli.

"Axalia, My Xaxa. My only Xaxa. Can you be my girl for the rest of my life?"

Nakita ko ang pagngiti niya. Isang tunay na ngiti. Habang hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya.

"Sean. Tama ka nga, maraming taon ang nasayang. Pero hindi dahil sa'yo. Kasi dahil sa'kin. Kung hindi sana ako umalis sa tabi mo ay sana mas mabilis mo akong maalala pero ang lupet kasi ng tadhana. Lumipas man ang mga nagdaang taon pero ang nararamdaman ko sa'yo hindi pa rin nagbabago. Kahit anong pilit kung itago, wala eh. Nando'n pa rin. Oo" nakita ko ang pamamasa nang mga mapupungay niyang mga mata kaya agad kung pinunasan 'yun gamit ang kamay ko.
Pero ano daw 'Oo' agad naman akong nagsalita.

Axalia AshtridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon