CHAPTER 17

1.2K 27 0
                                    

Chapter 17: Transferee

RHY'S POV

Bored na bored akong nakikinig sa gurong nasa harap ko ngayon. Nakakasawa nang makinig sa kanya paulit-ulit na lang kasi. Maya maya pa ay narinig ko na ang bell hudyat na tapos na ang klase, kaya lumabas na ako ng classroom. I saw Catherine's face, nakatulala.

Lately kasi lagi siyang nagkakaganyan. Makausap nga mamaya. Sinundan ko lang siya at do'n siya napunta sa Canteen. Umupo siya sa laging puwesto namin, busy naman kasi 'yung kambal sa kani-kanilang pag-aaral. Lalapit na sana ako pero nakuha ang atensyon ko nang isang babaeng parang pinagkaitan nang tela dahil sa ikli nang suot niya. Umiwas na lamang ako nang tingin. Itinuon ko na lamang ang tingin ko kay Catherine na ngayon ay nakatitig sa special chair. Napalingon naman ako, nakita ko 'yung babaeng parang pinagkaitan nang tela dahil sa manipis at maikling suot nito.

"Kanina ka pa ba nandito?" Medyo nagulat ako nang narinig ko ang boses ni Catherine. Wala akong makitang expression sa mukha niya ngayon kundi blanko o di kaya ay lutang. Bakit kaya?

"A-Ah kakadating ko lang" Tanging naisagot ko na lamang.

Natahimik ako saglit nag-iisip ako kung anong kakainin ko parang nawawala kasi ako nang ganang kumain. Ilang segundo pa ang dumaan saka ko napagdesisyonan  na tumayo at tumungo nang counter pero laking gulat ko nang may nakabangga ako dahilan para matapunan ko nang soda ang damit niya. Naka-uniform din siya kagaya namin, unti-unti kung inagat ang ulo ko at ako mismo ang nagulat sa nakita ko.

Si Seanzo

Walang expresyon ang mga mata niya, seryoso lang itong nakatingin sa akin na para bang sinusuri ako.

"Watch your way, Anderson" Malamig na pagkakasabi nito na parang hinaluan nang may awtoridad na tinig. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito ang inasal niya sa harap ko.

I just-- sanay lang talaga akong palagi siyang nakangiti, may dalang chuckie at isip-bata. Halos lahat nang nag-aaral dito ay alam ang pag-uugali niya bilang estudyante at Dean. Nang nareliaze kong napapatitig na ako sa kanya saka ko lang na alaala na natapunan ko pala nang soda ang damit niya.

"I'm sorry, natapunan ko nang s---"

"It's fine. Save your explaination, Mr. Anderson. Adiòs!" Sabi niya and he left. What happend to him? Bakit gano'n siya kung kumilos? Bakit parang ibang iba siya ngayon? Puro bakit at kung ang pumapasok sa isip ko hanggang pumasok ako sa ikatlong klase namin.

Tahimik lang ako nakaupo sa upuan ko habang busy naman si Catherine sa pagbabasa nang libro sa gilid ko.
Maya maya pa ay may biglang dumating 'yung babaeng pinagkaitan nang tela. Nakatingin lang ito sa akin na parang hinuhubaran na ako sa isip niya.

Bitch

"Buenos Tardes! I'm Angel Clave Sy your new classmate. Nice to meet you all." Pagpapakilala nito. Ngumiti na lamang ang iilang kaklase namin sa kanya. Siya pala 'yun babaeng  sinabi ni Ms. Agua

"You may now take your seat, Señiorita" Bago pa man siya umupo ay tumingin muna siya sa 'kin bago umupo sa unahang bahagi. Tss. What's wrong with that bitch? I don't like the way she stare at me.

Nagsimula nang magturo ang gurong nasa harap namin ngayon nang may biglang dumatimg. Agad na napatigil sa pagtuturo ang gurong nasa harap namin ngayon.

"Señiorito Seanzo" Magalang na pagbati nito at yumuko na kaagad namang ngumiti sa harap ni Seanzo.

"Babalik na ako sa klase, Ms.Agua" Namilog naman ang mata ni Ms. Agua sa inanunsyo ni Seanzo.

Axalia AshtridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon