CHAPTER 33

703 13 0
                                    

Chapter 33: Killer

GIAN'S POV

"Ano po? Hindi pa ninyo masasabing missing ang Ate namin kapag hindi pa sumapit ang-24 hours?" Natatarantang tanong ni Jillaine sa Chief nang pulis.

"Oo, hija."

Napabuntong hininga na lamang kaming dalawa, hanggang sa nakauwi kami nang bahay ay hindi kami mapakali ni Jillaine kanina pa nawawala si Ate. Mag-aalas dose na nang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Napaupo ako sa kama para makapag-isip. Possible kayang nakidnap si Ate? At bakit naman siya nakidnap? Possible rin kayang naligaw 'yun? Luh, hindi naman siguro. Maya maya pa ay nakarinig ako nang ilang katok mula sa pinto. Agad naman akong tumayo para buksan ang pinto. Nakita ko si Jillaine na nakatayo sa labas habang dala ang aso niyang si Queenze. Tulog na kasi si Brettle e, aso ko 'yun.

"Hindi ako makatulog. Gian" Diretsong bungad na saad nito sa'kin nang pumasok siya sa kwarto ko.

"Ako rin. Nasaan na kaya si Ate Pusa" Out of the blue na sabi ko sa kaniya. Narinig ko ang paghikbi niya. Umiiyak ba siya?

"Uy, iniiyak mo?" Tanong ko at niyugyug siya. Hindi kasi tumitingin sa'kin e, nakayuko lang siya habang yakap yakap niya si Queenze.

"P-Paano kung hindi na bumalik si Ate Cat? Paano kung hindi na natin siya makita? Pa--"

"Jillaine, 'wag kang mag-isip nang ganyan. Hindi mawawala si Ate okay? Baka bukas nasa kwarto niya na 'yun. Baka nag-date sila ni Kuya Rhys. Alam mo naman ang dalawang 'yun. Bestfriend kuno" Pagpapalakas loob ko pa sa kaniya. Napaangat naman ang ulo niya nang marinig niya ang mga sinabi ko.

"Possible kayang nagtanan sila? Ta-Tapos ayaw lang nilang ipaalam kay Mama at papa?" Agad namang kumunot ang noo ko. Ilang segundo akong napatihik at maya maya pa ay napangiti ako. Iba rin 'tong mag-isip si Jillaine.

"Siguro?"

"Anong siguro? Puntahan na natin! Dali!" Excited na tugon niya at tumakbo na palabas nang kwarto. Ala una na nang umaga lumabas kami sa bahay. Ginising namin ang driver namin para puntahan ang bahay nila Kuya Rhys.

"Oh, mga bata? Anong ginagawa niyo rito? Ang aga niyo naman." Bungad na tanong ni Tita Rebica. Mukha rin itong problemado at mukhang kakagaling lang sa pag-iyak namamaga kasi ang mga mata niya at ang laki nang eyebags niya.

"Um..itatanong lang po sana namin kung nandito po ba 'yung ate namin." Ako na mismo ang naunang nagsalita dahil mukhang nahihiya naman si Jillaine.

"Bakit? Nawawala rin ba?" Huh?

"Ano po ang ibig ninyong sabihin, tita?" Tanong ni Jillaine. Hindi sumagot si Tita Rebica, sa halip ay pinapasok niya kami sa bahay nila.

"Nawawala si Rhys at ngayon naman ay nawawala ang ate ninyo? Jusko naman. Saan nagpunta ang dalawang iyon? Sus maryusep." Hindi makapaniwala si Tita Rebica sa sinabi namin ni Jillaine sa kaniya kung paano nawala si Ate.

"Inireport na po namin sa pulis ang nangyari. Sa ngayon po ay hinahanap na siguro nang mga pulis sila Ate." Nanlulumo na tugon ni Jillaine. Ganito siya kapag wala si Ate Pusa sa bahay o may gala. Close na close kasi sila.

"Dumito muna kayo. Mas mabuti kung dito muna kayo para maging ligtas kayo. Wala pa naman kayong kasama sa bahay niyo. Hindi pa ba naka-uwi ang mama't papa niyo, hijo?" Tanong ni Tita Rebica.

"Hindi pa po, 'e" Mabilis na sagot namin ni Jillaine. Nagpresenta si Tita Rebica na matulog muna kami. Hindi naman kami tumanggi dahil simula pagkabata ay magkaibigan na ang parents namin. Hanggang sa makarating kami sa guest room ay hindi kami mapanatag ni Jillaine. Kaya malimutan namin ay natulog na lang kami.






AXALIA'S POV

"Xaxa, malapit na ba tayo?" Tanong ni Sean. Nasa ikatlong palapag na kami. Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa utak ko ang nangyari kanina lang. Ilang oras na kaming nakikipaglaban tila hindi pa rin nauubus. Kakatapos lang naming patayin ang halos benteng katao. Si Larzon ay wala pa rin itong malay. Kailangan na talaga naming makalabas dito.

"Xaxa, pasensya kana hindi ako nakakatulong. This is all my fault" Malungkot na tugon nito. Nakita ko siyang napapagod na at nahihirapan na rin sa sitwasyon namin. Maski ako ay pagod na rin. Si Anderson naman ay parang mawawalan na nang pag-asa dahil sa pinagdadaanan namin ngayon. Isang palapag na lang makakalabas na kami sa impyernong ito.

"Don't blame yourself, Sean. It should be me. I'm sorry for not telling you this." Sa lahat nang napatay ko kanina ay pinakiusapan ko siyang 'wag niya akong tingnan dahil ayaw kung makita niya akong kumikitil nang buhay.

"I know you have your own reasons kung bakit mo ginagawa ang lahat nang ito. Ang mahalaga ay buhay ka. Pwede na nating pag-usapan ang lahat nang ito kung makakalabas na tayo mula rito." At dahil sa sinabi niya ay nabuhayan ako nang loob na ipaglaban siya at para makalabas kami dito.

"Anderson?" Tawag ni Sean.

"Yes, Seanzo." Tugon nito habang nilalagyan nang bala ang baril niya.

"I'm sorry hindi ko kayo natutulungan. But now I'm perfectly fine. Hindi naman ganoon kalala ang tama ko. I can help you two,then. Do you have a gun?"

"What? Sean? I know what your thinking and if you ask me. It's a No. A big no" I said. Hindi ko hahayaang madumihan ang pagkatao niya at mas lalong ayaw kung madungisan nang dugo ang kamay niya. At ayaw ko rin na may mangyaring masama sa kaniya. Pero likas rin ang katigasan nang ulo niya. Ibinigay ni Anderson ang isang 9mm na baril.

"Tsk. Hard headed man." I said.

"Chill, babe. Hindi ako papatay. Susugal lang ako kapag ikaw na ang pinag-uusapan." Babe? Babe your ass. Ang lakas pang bumanat nasa peligro na nga ang buhay naman nagawa niya pa rin ang maging mais. Narinig ko ang pagpeke nang ubo ni Anderson.

"So lovers? What's the plan?" Uh? Lovers. Tsk. Instead of talking to them I try my best para makapag-isip nang plano. And mimutes passed, I made it. Agad kung sinabi sila ang plano ko, hindi naman sila tumangi. Nasa second floor kami ngayon at ayon sa plano ko kailangan namin maghiwahiwalay. Kailangang maunang makalabas sila Anderson sa patungo sa ground floor para makahingi nang tulong at para na rin madala sa ospital si Larzon at sigurado akong maraming dugo ang mawawala sa kaniya. Habang si Sean naman ay pupunta siya sa first floor at hihintayin niya ako doon at ako naman ay magpapaiwan dito. May tatlong exit dito sa second floor sa tatlong iyon ay pwede ka nang makarating sa first floor patungong groundfloor.  Kailangan kung mahanap si Mazelia. Hindi ko hahayaang mauuwi lang sa wala ang pinaghirapan ko. Kailangan nang maisabatas ang nararapat na parusa sa kaniya. She deserves to die.

Ginawa na nila ang plano. Nawala na sa piningin ko si Anderson at si Sean. Ako na lang ang tanging natitira dito sa second floor. Maraming kahon ang naririto at possible rin na isa sa mga kahon na nandidito ay siyang pinagtataguan ni Mazelia.

"Mazelia? Lumabas kana. Naiinip na ako. Diba ito ang gusto mo?" Mahinahong sigaw ko. Hinaloghog ko ang mga kahon. Wala siya doon. Nakatalikod ako habang tinitingnan ang paligid nang nakarinig ako nang ilang yapak mula sa likuran ko.

"Na-stress ka ba? Axalia?"

Speaking for the evil, she's here. I turn my back to her while wearing my famous smirk. I will kill this slut first before leaving this damn factory. Sigurado akong nai-set na niya ang bomba. At kapag natalo ko siya mapipigilan ko na ang bomba. At kapag nagkataon makakalabas na ako dito at makikita ko na rin si Sean.












A/N: Enjoy Reading everyone. Lovelots💕 More chapters to go

Axalia AshtridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon