Chapter 11: Soccer Ball
JILLAINE'S POV
Kakainis naman oh! Kanina pa ako search ng search ng magandang panoorin na k-drama. Pero ang ending wala. Nandito ako ngayon sa school nakaupo sa bench nasa soccer field ako ngayon ng La Universidad de Lorenzo. Tahimik kasi dito saka wala namang practice ang soccer ngayon so keri lang. Bored na bored na talaga ako. Matawag nga si Gian kung saan saan naman 'yun nagpunta e.
"Oh?" Wow ang ganda nang bungad. I rolled my eyes.
"Wow ha? Walang hello? Ha? Ha? Gian Rafael Larzon? Where's your manners? duh. Where are you?" Bungad na tanong ko. Narinig ko ang pag 'tsk' niya sa kabilang linya.
"Nasa libarary, bakit?" Napaform nang 'O' ang bibig ko. Gusto kung tumawa. Si Gian nasa library? Seryoso?
"Tinatawagan ka duh, bored ako lang ako bru. Wala akong mapanood na k-drama so please tulungan mo 'ko please." Pagmamaka awa ko. I heard him sigh. T-Teka okay lang ba siya? Mukhang may problema si Bro.
"I'm not in the mood. Jillaine" Huling sinabi nito hanggang sa maputol ang linya.
Eh? Anong gagawin ko ngayon? Wala pa naman akong pasok ngayong hapon. Cancelled daw. Aalis na sana ako pero nakita ko si Kennedy na naglalaro nang soccer sa field. Alangan naman sa pool, tanga lang?
Wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan siya, hindi ko maiwasang 'wag ngumiti. Ang pogi kasi nang loko. Hihihi. Dahil sa kanya hindi na ako bored. Naramdaman ko ang sariwang simoy nang hangin. Hindi naman gano'n karumi ang paaralang pinapasukan namin nila Ate Pusa. Ay kamusta na pala si Ate Pusa? Hindi kami nagkita kaninang lunch break e. Tumingin ulit ako sa gawi ni Kennedy busy pa rin siya sa paglalaro nang soccer maya maya pa ay inayos niya 'yung bola para sipain pero iba 'yung timaan niya...
Tinamaan niya 'yung mukha ko. Badtrip siya! Pakshet
GIAN'S POV
Napasuggod ako sa clinic dahil sa nangyari sa kambal ko. Damn. Ano ba kasing nangyari? Dirediretso lang akong naglalakad habang patungo sa clinic. Naabutan ko 'yung nurse na naglalagay nang paunang lunas si Jillaine nakita ko naman ang lalaking nakatayo na parang nag-alala. Pumasok na nga ako nang tuluyan at naabutan ko ang kambal ko na mahimbing na natutulog.
"What happend Nurse Cheen?" Seryosong tanong ko, mukhang nagulat pa nga sa biglang pag sulpot ko.
"Natamaan nang bola ang mukha nang kambal mo." Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"What? Sino ang gumawa nito sa kambal ko?" Seryosong tanong ko pa rin. Kapag nalaman ko talaga kung sino 'yun papulanan ko talaga nang kagwapohan este suntok. Nakita ko namang napayuko si Nurse Cheen. Oh God, please forgive me kapag may nagawa akong masama. Kahit palagi kung inaaway ang kambal ko mahal ko pa rin 'yan. Tsk. Tumigil na nga ako sa pag-cocomputer eh. Puro sermon lang ang abot ko sa kanya, pero siya ewan ko na lang kung kilan 'yan titigil sa kaka-wattpad at panonood nang k-drama.
"What are you doing here, Mercandèjas?" Diretsong tanong ko. Tinitigan niya lang ako at gano'n rin ang ginawa ko.
"It's my fault..." Bigkas niya.
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.
"Ako ang may kasalan bakit walang malay ang kambal mo ngayon. I'm sorry.." Puno nang sinseridad ang boses niya. I try to calm myself but I can't help it. Wala sa sariling nasuntok ko siya.
"Shit." Mura nito at tiningnan ako nangmasama. Ano ngayon? Lalaban siya?
"What are you guys doing?" Napalingon ako sa nagsalita. She's awake. Nakatingin lang siya sa akin nang blanko. Hindi ko pa siya nakitang naging ganito.
"And you, Gian. What do you think your doing?" Malamig na tanong nito. Narealized ko na hawak ko pa rin pala ang kwelyo ni Mercandèjas Kennedy.
"I'm sorry, Jillaine. I just give my precious punch on this jerk beside me. How do you feel?" Tanong ko. Pero hindi siya nagsasalita kay Mercandèjas lang siya nakatingi may cut ito sa labi. Napakagat naman ako sa labi.
Gian what have you done!
"I'm fine." Nakangiting sagot niya. Nakita ko namang napapunas nang labi si Mercandèjas na ngayon ay nakatingin sa kambal ko.
"I'm so sorry, Jillaine. Hindi ko sinasadya na matamaan ka nang bola kanina, akala ko kasi walang tao. Pasensya kana." Paghingi nito nang sorry sa kambal ko. Nakita ko namang ngumiti ito.
"It's okay. Umm sino nga pala ang nagdala sa 'kin dito sa clinic?" Tanong niya.
"Ako." Napabilog naman ang mata ni Jillaine na kaagad itong namula. Tsk. Mukhang may tama ata ang kapatid ko dito sa Mercandèjas na 'to.
"Ikaw? Omoo, salamat." Todo ngiti pa ito. Maya maya pa ay may narinig na namin ang bell. Wala nga palang pasok kami. Pero si Mercandèjas meron, membro 'yun nang soccer team dito sa paaralang pinapasukan namin.
"Aalis na ako, Jillaine. Sorry ulit" Sabi nito at ngumiti.
"Nako, okay lang." Todo ngiti naman itong kambal ko. Maya maya pa ay lumabas na si Mercandèjas.
"Kyaaaaaaaah!" Malakas na sigaw niya kaya napatakip ako nang tenga. Aish!
"HOY 'YANG BUNGANGA MO. ITIKOM MO 'YAN KUNG AYAW MONG ITAPON KO 'YUN WATTPAD BOOKS MO SA BAHAY!" sigaw ko na ikinatahimik niya.
"Wala namang ganyanan! Aba! E kung sunugin ko kaya lahat psp at computer games etc. mo sa bahay! Lakas mang blackmail! Blackmailer ka ba ha? Ha? Lecheng 'to. Tss" Napabuntong hininga na lamang ako. Ito na naman ang bunganga nang kambal ko. San ba 'to nagman e, hindi naman ganito si Mommy at Daddy e. Maya maya pa ay may biglang kumatok agad naman akong tumayo para buksan.
"HOY ANONG NANGYARI SA'YONG BATA KA! SABING 'WAG PUPUNTA SAAN SAAN E! YAN TULOY! GOSH NAKAKASTRESS KAYO SA BEAUTY KO. HAGGARD ANG ATE NIYO NGAYON! KAYA PWEDE BA? PLEASE TAKE CARE OF YOUR LITTLE SISTER GIAN RAFAEL LARZON AKO ANG MALALAGOT KAY MOM AT DAD PAGNAGKATAON!" Alam ko na kung saan nagmana 'tong si Jillaine kay Ate Pusa. Hays. Napasabunot na lang ako nang buhok. Nakakasakit na sa tenga 'yang mga bunganga nila.
Parang pagmamahal ko sa kanya kahit masakit sige lang. Hays.
"Ate pusa okay lang ako oh? Kyut pa rin ako. Saka si cru---este si Kennedy naman ang naghatid sa 'kin kaya okay na okay na ako!" Masiglang sagot nito. Napaface-palm na lang ako sa kanilang dalawa. Magkapatid nga sila. Nagkwentuhan pa silang dalawa kaya lumabas na ako sa clinic at nagtungo sa garden.
A/N: Enjoy Reading Everyone! Daming typos. Sorry na♥
BINABASA MO ANG
Axalia Ashtrid
ActionAxalia Ashtrid lives her life as she wanted, rebel against her father, become a delinquent, and do whatever she wants just to ease the pain of the past. In the middle of her rebellion, she was ordered to go home as her punishment, and she will meet...