CHAPTER 20

1.1K 27 0
                                    

Chapter 20: Acquaintance Party

AXALIA'S POV

Dumaan ang sabado at linggo ay todo sa paghahanda nang damit si Ashton para sa gaganaping Aquaintance Party sa LUDL. Ngayong araw na kasi gaganapin ang Acquaintance Party.

"Dude, okay na ba 'to?" Tanong niya sabay pakita nang black tuxedo.

"Yeah."

Nasa opisina ko siya ngayon. Kanina pa siya tanong nang tanong e, lahat naman bagay sa kanya. Tsk. Maya maya pa ay may biglang kumatok.

"Come in." tugon ko at biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang katulong namin.

"Lady Axalia, nandito na po 'yung make up artist niyo at ang susuotin niyo mamaya." Sabi niya habang bitbit ang isang malaking box na naglalaman siguro nang damit ko mamaya.

"Dalhin mo na lang sa kwarto ko. I'll be there in five minutes." Naisagot ko na lamang, dahil busy ako sa pag-recieve nang mga emails sa kompanya. Maraming gustong maging partner ko sa negosyo. Tiningnan ko naman ang wrist watch ko. 6: 30 P. M na mamayang 7:30 P.M mag-uumpisa ang Aquaintance Party. Kaya isinira ko na ang laptop ko at lumabas sa opisina ko kasabay ang bakla kung kaibigan.

***

"Ma'am anong gusto niyong ilagay kong kulay sa buhok niyo?" Mag-iisang oras na akong inaayosan nang dalawang baklang 'to. Nakakabored na.

"Red" sagot ko. Sinimula na niyang kulayan ang buhok ko. Maya maya pa ay pinatuyo na nila ang buhok ko.

"Ma'am isuot niyo na po ang evening long gown ninyo." Excited na sabi nang isang bakla.

Wala na akong nagawa kundi buksan ang malaking box na bitbit kanina nang isang katulong namin. Bumungad sa 'kin ang isang black backlace long gown. Ilang segundo kung tiningnan 'yun bago ko isuot. Saktong sakto lang ang hugis nito sa katawan ko. Nakalugay ang medyo kulot kung buhok na kinulayan nang kulay pula, at kasama na rin ang light make-up na inilagay nang dalawang bakla.

"Wow! Ang ganda niyo naman ma'am bagay na bagay po sa inyo ang gown na 'yan." Pagpuri nang dalawang bakla. Napatingin naman ako sa full size mirror. Napangiti ako. It's been a long time since I didn't wore this kind of smile.

Bago ako bumaba nang sala ay kinuha ko muna ang isang 45 pistol at inilagay sa holder na nakakabit sa hita ko. Nararamdaman ko na mukhang may hindi magandang mangyayari mamaya. Mabuti na iyong handa.

"Dude! You're so gorgeous bagay na bagay talaga sa'yo ang mag-dress. And---wow! First time kitang nakita na nagsuot nang high heels" Pagpuri niya pa at tumawa tila inaasar ako. I rolled my eyes dahilan para matigil siya sa pagtawa. Ilang segundo pa ang nagdaan ay may dalawa bodyguards na lumapit sa amin.

"Lady Axalia, nakahanda na ho ang sasakyang ninyo ni Sir Ashton sa labas." Magalang na tugon ng isang bodyguard.

Tiningnan ko naman si Ashton na  ngayon ay maayos nang tingnan, mukha siyang kagalang kagalang. He give his lovely smile on me.

"Let's go." Nauna akong lumabas mula sa pintuan nang mansion habang naghihintay ang sasakyan namin sa garage. Isang Itim na limo ang sumalubong sa amin. Agad naman itong binuksan nang isang bodyguard ay inalalayan akong nakapasok sa loob nang maayos, medyo mahaba din ang suot ko 'to kung kaya't medyo nahihirapan rin akong maglakad.

Axalia AshtridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon