Chapter 04: Unexpected
ASHTON'S POV
Kanina pa hindi mapakali si Axalia dahil may sulat na ipinadala sa kanya. Sumasakit na nga 'yong ulo ko sa kakalakad niya eh.
"Dude.. please stop nahihilo na ako." Mahinahong sabi ko pa. Hihi baka kasi masapok niya ako sa di-oras kung mamimilosopo ako. No'ng last year kasi nagtanong siya sa akin, nasagot ko siya ng pabalang kaya ayon may panda ang kaliwang mata ko.
"God! Ashton. Why the hell I have this damn letter? In the first place hindi naman ako nag-enroll dito--damn!" Biglang nag-ring 'yung cellphone niya. Ipinakita niya pa sa nga akin kung sino ang tumatawag si 'Gurang' walang iba kundi ang Daddy niya.
"Oh?" Kita mo? Hindi talaga marunong mag hello or hi man lang.
"Natanggap mo na ba ang sulat na ipinadala sa'yo?" Aba't ni loudspeaker pa ng walanghiya.
"So?"
"Doon ka mag-aaral ULIT kasama si Ashton" What? Bat niya alam.
"Sinong nagsabi sa'yo nandidito si Ashton?" Malamig na tanong niya.
"Si Ariela" Narinig ko ang mga mahinang mura ni Axalia sabay hagis ng cellphone niya sa sahig at sinimulang sirain 'yon.
"Ashton?" Awtomatiko akong napatayo. Magtatanong pa sana ako pero nagsalita na siya.
"Mall"
Agad akong umakyat sa guest room para magpalit ng damit nag-sout lang ako ng isang longsleeve at nagsout lang ng jeans bago bumaba.
***
"Do you need something?" Tanong ko pa sa kanya, kanina pa siya kasing nakatayo sa tabi ko.
"Yeah. I think you're done" Tapos naman talaga ako eh. Nasa mall na kami ngayon, kakatapos ko lang umalis sa counter para bayaran ang pinamili ko. Puro lang naman sweets ang binili ko. Baka nga magkaka diabetes na ako. Whaaaaa! Wag naman sana.
Patuloy lang kaming naglalakad patungo sa--- Iphone? Ay oo nga pala bibili ata siya ng bagong cellphone. Sa isang taon kasi nakalima or anim siyang bibili ng cellphone dahil sa mainitin ang ulo niya.
"Good Morning. Ma'am and Sir bibili po ba kayo?" Tanong ng sales lady. Nakita ko namang napa rolled eyes si Axalia.
"Ah, yes miss. Umm ano ba ang latest model ngayon?" Ako na ang nagtanong, mainit kasi ngayon ang panahon este ang ulo ni Axalia.
"Iphone8 plus po. Bibilhin niyo po ba?" Nakangiting tanong niya.
"Yes." Pagsabat ni Axalia. Naikinagulat naman ng saleslady
"How much?" Tanong ni Axalia.
" 55,000" Sagot ng saleslady at wala ng nagawa pa ang saleslady kundi kunin ang credit card ni Axalia para mabayaran ang binili niya.
"Let's go."
Tuluyan na kaming umalis do'n at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng babaeng kasama ko.
AXALIA'S POV
Kakabili ko lang ng cellphone at pinalitan ko na lahat lahat. Wala na ang dating contact ko. Social media accounts. Wala na. Tss. Nakadungaw lang ako sa glass wall ng Jollibee dahil nagugutom na daw si Ashton.
BINABASA MO ANG
Axalia Ashtrid
ActionAxalia Ashtrid lives her life as she wanted, rebel against her father, become a delinquent, and do whatever she wants just to ease the pain of the past. In the middle of her rebellion, she was ordered to go home as her punishment, and she will meet...