Chapter 16: Hidden Truth
SEANZO'S POV
I remember everything. Every detail. Kakauwi ko lang galing nang mansion nila Xaxa or should I say Axalia. Naglalakad ako ngayon patungo sa kwarto ko nang marinig ko ang boses ni Pappa. Mukhang galit na galit siya.
"Saan ka nanggaling Seanzo Lorenzo? Dis-oras na nang gabi ngayon ka lang nakauwi!? Where have you been!" Galit na tanong niya. I turn around and I look at him.
I smiled. "In bar. Why?"
"Ano!? Mamammiya anong ginawa mo sa lugar na iyon, hijo? Are you out of your mind?" New flash, Pappa.
"Normal lang na pumunta ako do'n. I'm already 20 may kalayaan din ako." Nakikita ko ang pagtataka sa mga mata niya, marahil ay nagtataka siya sa mga kilos ko.
"I remember everything." Dire-diretsong tugon ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niyang puro kasinungalingan lamang ang nakikita.
"W-What are you talking about, Hijo. Anong ibig mong sabihi--" I cut his sentence at tiningnan ko siya nang masama.
"Anong ibig kung sabihin? Stop fooling around, Pappa. Hindi mo na matatago sa 'kin ang buong katotohanan. From the day you lied to me until today. So should I believe you from your fucking lies about in my past? Naalala ko na lahat. Kaya wala ka nang magagawa para pigilan ako sa lahat nang gusto ko and don't you dare to meddle my decisions." Mahabang lintanya ko at tinalikuran siya at pumasok sa kwarto ko sabay lock. I heard him shouting outside but I don't care. Nagpapanggap lang akong walang narinig. Humiga na ako sa kama and I realize something basa pala ako dahil sa ulan kanina.
I go to the bathroom to take some shower. At nagbihis na.
"Xaxa, ipangako mo sa 'kin na hindi mo ako makakalimutan kahit anong mangyari diba bestfriend tayo?"
"Oo naman, Sean." She said and smiled
"Eh? Xaxa naman, Seanzo ang pangalan ko. S-E-A-N-Z-O ang pangalan ko." Nakangusong tugon ko.
"I like calling that name on you" Sagot nito at tumawa and I felt something weird.
I smiled bitterly. Araw-araw may bagong alalang pumapasok sa isip ko. Limang taon. Limang taon akong namuhay sa puro kasinungalingan. 5 years ago, nagkaroon ako nang amnesia and 5 years ago simula no'ng namatay si Mamma dahil sa isang Car accident at kasama ako do'n pero hindi nakaligtas si Mamma kaya puro kasinungalingan ang sinasabi ni Pappa no'ng nakaraan. Naalala ko lahat nang ito dahil isang box na nasa ilalim nang cabinet ko. Mukhang matagal na 'yung nasa ilamlim nang cabinet ko. Nako-curious ako sa laman no'n kaya binuksan ko. May mga iba't ibang larawan doon, larawan nang dalawang bata na masayang nakangiti sa isa't isa. Isang babaeng napakapamilyar sa 'kin pero hindi ko maalala after that pinagpatuloy ko lang ang pangtingin sa mga pictures na 'yon iba't ibang larawan ang nando'n meron do'n na naka wacky kaming dalawa nakalabas ang dila ko at habang siya naman ay pilit na magdoling-dolingan. Sa bawat litrato na nakikita ko ay sumasakit ang ulo at meron doon isang sulat na may pangalan sa labas nang sobre.
To: Seanzo 'Sean' Lorenzo
Muli kung kinuha ang sulat na iyon sa ilalim nang unan ko at binasa.
Dear Sean,
Hindi ko alam saan magsisumula sa pagsulat nitong liham. Dito ko na mismo sasabihin ang lahat nang nais kung sabihin. Alam mo nalulungkot ako. Nalulungkot ako kasi hindi mo na ako maalala, hindi mo na ako makikita. Sean aalis na kami. Kasi kailangan saka alam kung hindi mo naman 'to babasahin kasi hindi mo ako maalala. Alam mo nagtatampo na ako sa'yo. Ang daya mo kasi. Mamimiss na kita. Sean sana pagnabasa mo ito sa tamang panahon maaalala mo na ako ah?. Salamat sa masasayang alaala na nabuo natin. Ikaw lang ang bestfriend ko. Ikaw lang, pangako.
Xaxa
Xaxa, naalala ko na lahat. Pero ngayon ibang-iba kana sa Xaxa na nakilala ko. You changed. I miss you a lot. I miss the old you. I miss your sweet voice. But now, your eyes didn't show any emotion. Your voice was like an ice, cold. Ibang iba kana talaga sa Xaxa na nakilala ko. Parang hindi kana 'yung dating Xaxa na kaibigan ko for almost 5 years.
Xaxa, I want you back. I want you. Only you. .
AXALIA'S POV
Doble-doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Dahil sa pagkamatay ni Mommy na hanggang ngayon ay nangungulila pa rin ako. Na hanggang ngayon hindi pa rin ako makapagmove-on sa pagkawala niya. Labing tatlong taon nang nakakaraan. At mas masakit ay 'yung bumalik 'yun taong kinalimutan mo limang taon na ang nakakalipas pero isang iglap bumalik lahat.
Akala ko kasi hindi na niya ako maaalala. Akala ko kasi magiging okay na ang lahat. Akala ko kinalimutan na niya ako. Akala ko wala na akong matalik na kaibigan. Akala ko. Akala ko wala nang problema pero ngayon, mukhang madadagdagan na ang mga problema ko.
Pero lahat nang 'yun ay akala ko lang. Kasi ngayon puro ako sana at akala. Wala e. Dumating na 'yung araw na kinakakatakotan ko.
"Dude! Open this damn door. You didn't eat yet. Basang basa ka pa ngayon!"
"Just fucking leave me alone, Ashton. Please." I calmly said. Ayoko siyang sigawan. Ayokong may madadamay dahil sa nararamdaman ko ngayon. Maya maya pa ay may pumasok sa isip ko. Our memories na limang taon ko nang kinalimutan.
"Xaxa, payag ka bang maging buko kita?" Tanong niya habang nakangiti.
"Hindi, dahil tao kaya ako" sagot ko naman. Nakita ko naman na napanguso siya.
"Alam ko pero sana sumagot ka nang bakit. Nakakatampo ka." Pamamaktol nito. I softly laugh.
"Okay, okay. Bakit?"
"Maging buhay ko" Nakangiting sagot nito at kinindatan ako.
Napangiti ako. Napangiti nang mapait. At muling pumatak ang mga luha ko. Akala ko tumigil na 'to kanina? Ano 'to ngayon? Niloloko na naman ako nang luha ko. Nakakainis. Nakakainis kasi naging mahina na naman ako. Ito 'yung ayaw ko sa lahat ang maging mahina. E anong magagawa ko? Sinisigaw nang isip ko na 'wag maging mahina pero itong puso ko ang nagtutulak na maging mahina.
I heard my phone rung.
"Hello?"
"Xaxa.."
Sa pagbangit niya pa lang nang pangalan na iyon ay muling umagos ang mga luha ko. H-Hindi ko lang mataggap na sa limang taon na hindi ko siya nakita ay gano'n pa rin ang nararamdaman niya. 'Yung hindi ko dapat maramdaman. 'Yun yung pilit kung iniiwasan.
"What do you want?" Pinilit kung 'wag umiyak. Pinilit kung maging malakas. Pinilit kung maging malamig sa kanya. Ayoko na kasing ibalik 'yung nakaraan. Ayoko na.
"Let's talk, please. Xaxa" He beg.
I sigh. Para humugot nang lakas nang loob.
"Fine." I answered.
Pagkatapos no'n ay pinatay ko na ang tawag. I don't wanna hear his voice, kahit ngayong oras lang. I don't wanna see him. Pagod ako ngayon. Pagod sa kakaiyak. I turn off my phone. Para malimutan ko ang nararamdaman ko ngayon ay kumuha ako nang-isang basong wine at pumasok sa banyo para mag-relax nang kahit kunti lang. Nag-stay ako sa loob nang bathtub within 10 minutes. Saka ko napagdesisyonan na umahon na at magpalit nang damit at magpahinga.
A/N: So ayun very drama si Sese ngayon♥ Sorry na. Harhar😂
BINABASA MO ANG
Axalia Ashtrid
ActionAxalia Ashtrid lives her life as she wanted, rebel against her father, become a delinquent, and do whatever she wants just to ease the pain of the past. In the middle of her rebellion, she was ordered to go home as her punishment, and she will meet...