CHAPTER 24

930 24 0
                                    

Chapter 24: Holidays

AXALIA'S POV

December. A month of sharing love and forgiveness. Samu't saring paputok ang naririnig namin ngayon. Tapos na ang Christmas Season at ngayon ay nagce-celebrate kami nang New Years eve, muli akong napangiti nang malungkot dahil wala sa tabi ko ang dalawang taong nagbibigay kahulugan nang pasko para sa akin. Si Mommy at Daddy. Sa ngayon, ay unti-unti kung tinatanggap sa sarili ko ang pagkawala ni Mommy at Daddy. Isa na ako ngayong ulila. Nangungulila. Naghahanap nang karamay. Muling sumagi sa isipan ko si Ashton. Kamusta na kaya siya? Simula nang mangyari ang car accident tuluyan ko na siyang hindi nakita. Nang dinalaw ko siya noong araw na nagkaroon nang aksidente ay 'yun na pala ang huling araw na makikita ko siya. Dahil napag-disisyonan na nang mga mgulang niyang dahil siya sa States para sa madaliang paggaling niya. He's now suffering in coma.

We don't know kung kilan siya magigisingng o tuluyan na siyang mawala sa mundo. I feel so bad for him, sana nandito siya para may kasama akong magcelebrate nang Pasko at New Year. Tanging si Ariela lang ang kasama ko ngayon sa Mansion. No'ng isang araw ay kinuha na nila Tita Ashley (Mother ni Ahston) ang mga gamit ni Ashton dito. Ang balita niya sa akin ay bumubuti na raw ang lagay niya. It's a relief.

"Lady Axalia, handa na po ang lahat nang pagkain sa mesa" Ngumiti ako.

"Tawagin niyo ho ang lahat nang kasambahay at driver na samahan akong kumain sa hapag kainan." Utos ko. Simula nang nawala si Ashton sa Mansion ay naging mabuti ang pakikitungo ko kay Ariela. Hindi naman sa lahat nang pagkakataon ay kailangan kung maging matigas sa kanya.

"Masusunod po, Lady Axalia." Pero bago siya makaalis ay nagsalita ako.

"Ariela. I'm sorry for everything." I said. Ngumiti lang siya at humakbang palapit sa akin.

"Masaya ako dahil bumalik kana sa dati. Natuto ka nang magpatawad at humingi nang tawad. Mabuti at unti-unti mo nang pinapalaya ang galit sa iyong puso. Sana'y magtuloy tuloy na ang pagbabago mo. Axalia"

Naiwan akong nakatulala habang patuloy na nagpro-process sa utak ko ang mga sinabi niya. Parang ngayon lang ako nakaramdam nang ganito. 'Yung pakiramdam na parang may karamay ka. Hindi pa rin pala huli ang lahat. Maya maya pa ay dumating ang iilang kasambahay, tila nahihiya pa silang samahan ako sa hapag. Pero ako na mismo ang nagpumilit na samahan akong kumain.

Ang sarap sa pakiramdam na ganito ang taong nasa paligid mo. Kumain lang ako nang tinapay habang ang mga kasama kung kasambahay ay masayang kumain kasama ang mga kapwa kasambahay nila. Nang natapos na akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila dahil magpapahinga na ako. Ang totoo niyan ay gusto kung mapag-isa. Umakyat ako sa ikatlong palapag nang mansion kung saan ay kitang kita ko ang buong paligid. Maraming nagpapaputok at maraming nagsisigawan nang Happy New Year. Bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan dahil sa wakas ay nagtapos na ang taon at ngayon ay sinasalubong na nila ang bagong taon. Noon, ay para sa akin isa lamang itong boring na okasyon. Kapag pumupunta ang mga katrabaho ni Dad sa Mansion namin noon ay nagkukulong lang ako sa kwarto habang umiinom nang wine. Kausap si Ashton sa Skype. Maybe I was so immature before, masyado kung inilunod ang sarili ko sa galit at pangungulila. Isa si Ashton sa mga taong nilalabasan ko nang galit at hinanakit sa Daddy ko.

Hindi ko rin kasi matiis ang araw-araw na paninisi niya sa akin noon. Pero ngayon ay isa na lamang iyong ala-ala. Masasabi ko sa sarili kong maraming oras akong sinayang na dapat ay inilalaan ko sa pamilya pero mas pinili kung makipagbasagan na ulo sa lansangan. It was too late. Naramdaman ko ang pagtunog nang cellphone ko at rumihestro ang pangalan ni Seanzo. Napatawag ang isang 'to?

"Hey, Xaxa! Happy New Year!" Masayang bati niya sa kabilang linya.

"Same. Napatawag ka?"

Axalia AshtridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon