CHAPTER 35

880 21 0
                                    

Chapter 35: Coma

RHYS'S POV

BREAKING NEWS: ISANG FACTORY, NASUNOG. DALAWANG KATAO, SUGATAN. AYON SA MGA AWTORIDAD ISANG BABAE DAW ANG NAGPUSLIT NANG BOMBA. KILALA ITO BILANG SI MAZELIA ISANG LIDER NANG SINDIKATO. SIYA AY ISANG DRUG LORD AT NGAYON AY NASA KAMAY NA NANG MGA PULIS. YEM MERCADO, NTV NEWS NAG-UULAT

Napatayo ako nang marinig ko ang balita. Nasa ospital ako ngayon, kasalukuyan kung binabantayan si Catherine dahil sa unconcious pa rin ang lagay niya. I call her parents, bukas ay uuwi sila galing Spain. And also her siblings on the way na daw sila patungo rito sa ospital. I was about to leave nang may nakita akong naka-stretcher and her face was so familiar to me.. .wait Axalia? Maya maya pa ay may dumaang nurse.

"Miss, sino 'yung isinugod rito?"

"Ah, 'yun po ba sir. Mula po 'yun sa sumabog na factory." Sagot nang nurse at nawala na sa paningin ko. Possible kayang nadamay sila sa pagsabog? Isang oras na ang dumaan nang isinugod ko sa ospital si Cath. At ngayon naman ay si Axalia. Naglakad ako pabalik sa kwarto ni Cath nang may nakasalubong ako.

"Lorenzo?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Pawis na pawis ito nang makasalubong ko.

"A-Anong nangyari sa inyo? Mabuti naman at na isugod mo si Larzon at nakatakas kayo" Mahinahong tugon niya at malungkot na ngumiti.

"Nga pala, a-anong nangyari kay Axalia?" Tanong ko.

"May nangyaring pagsabog sa factory. Akala namin napigilan na namin ang pagsabog pero hindi pala. Nakalabas si Mazelia at mukhang nababaliw na siya. Dahil sa lakas nang pagsabog ay nasugatan ako" Pinakita niya pa ang sugat niya sa siko at sa binti. Naupo kami sa blencher nang ospital.

"At si Xaxa naman ay tumama ang ulo niya sa isang malaking bato." Malungkot na tugon nito. Ngumiti ako sa kaniya para palakasin ang loob niya.

"Don't lose hope, bro. Alam kung hindi bibitaw si Axalia. Hindi man kami ganoon ka close sa isa't isa pero hindi ko inaasahan na siya mismo ang gumawa nang paraan para makaalis kami sa impyernong 'yun" Saad ko.

"Alam mo hindi ko rin inaasahan na nando'n ka. Ano nga pala ang ginagawa mo doon?" Tanong niya na ikinatahimik ko. Sasagot na sana ako nang may lumapit na doktor sa gawi namin.

"Ikaw ba ang kaanak nang pasyente?" Tanong nito kay Lorenzo.

"Yes, doc. K-Kamusta na po siya?" Agad na napatayo si Lorenzo at nagtanong sa doktor. Napahinga nang malalim ang doktor na tila ba may masamang ibabalita sa'min.

"I have a bad news and good news. The good news is stable na ang pasyente and the bad news is the patient under in coma. Maaring tumagal nang isa o dalawang buwan na hindi magigising ang pasyente dahil sa matinding impact na naranasan niya nang tumama ang ulo nito sa malaking bato. 'Yan muna ang masasabi ko sa lagay niya ngayon."

"T-Thank you, doc" wala sa sariling sagot nito at napaupo na lamang dahil sa ibinalita nang doktor. Maya maya pa ay nagulat ako nang narinig ko ang malakas na pagsuntok niya sa pader at nagdulot ito nang pagdurugo sa kamay niya. I stop him.

"Seanzo, stop it. You're just hurting yourself. Sa tingin mo ba matutuwa si Axalia sa ginagawa mo?" I said. He looked at me, he's crying in front of me. Lumapit ako sa kaniya para i-comfort.

"Kuya Rhys---Dean Lorenzo!" Napatingin ako sa likuran namin. Nandito na pala ang kambal. Gulat na nakatingin ito sa gawi namin lalo na si Jillaine. Shit. The blood.

"Gian, ilayo mo muna si Jillaine dito." Agad rin naman sinunod ni Gian ang sinabi ko. May lumapit na nurse sa amin at inalalayang makatayo si Seanzo patungo sa Orthopedic clinic. Agad rin naman itong ginamut nang mga nurse at pinakalma siya. Siguro ay nagulat ito dahil sa ibinalita nang doktor kanina. Bumalik na nga ako sa kwarto ni Catherine, agad kung naabutan ang kambal. Si Jillaine ay umiiyak na pinagmamasdan ang ate niya habang si Gian naman ay seryoso lang itong nakatingin sa pader, mukhang may malalim na iniisip ito.

Axalia AshtridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon