Chapter 37: Date
CATHERINE'S POV
"Anak, uuwi ka ba mamaya pagkatapos nang trabaho mo?" Tanong ni Mama.
"Opo, Ma. Uuwi ang dyosa nyong panganay mamaya." Masiglang sagot ko. Lumabas na ako sa gate nang bahay namin nang may biglang tumigil na sasakyan sa harapan ko.
"Hoy! Pusa sakay na." Napakurap ako nang ilang beses. Totoo ba ang nakikita ko ngayon? A Red Sports car. My dreaaaam car. At nagulat rin ako sa taong nasa loob nito.
"Cath?" Napabalik ako sa realidad nang tinawag niya ako ulit. Hindi ko inaakala na naka-uwi na pala siya.
"Rhys! Ikaw ba 'yan?" Hindi makapaniwalang sabi ko pa. Paano ba naman mga bes? Dalawang taon siyang nawala pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi na kami nag-uusap. Duh, gabi-gabi kaya kaming nag-vivideo call. Nasa London ang loko, nag-aral siya doon bilang isang Pulis.
"Yes, Cath. Your bestfriend is back!" Sigaw nito sa driver seat. Agad akong pumasok sa passenger seat at niyakap siya nang mahigpit. I also feel the hot liquids in my eyes, o my god. I miss my bestfriend. Ay wait, may kasalanan pa 'to sa'kin.
"Mukhang namiss mo nga talaga ako" Natatawang tugon niya kaya binatukan ko siya.
"What was that for?" Tanong niya habang hinihimas himas ang batok niya. Napalakas ata.
"Para 'yan sa hindi pagsabi mo na uuwi ka ngayon! Alam mo bang nag-aalala ako sa'yo nang ilang linggo! Hindi kita ma-contact alam mo ba?" Singhal ko sa kaniya. Mas lalo akong naka-iyak dahil sa sinabi ko. Bwesit siya. Isang linggo ako naghintay na mag-video call siya sa'kin pero wala tapos bigla na lang itong susulpot sa harap ko.
"Cath, I'm sorry. Okay? Gusto lang kitang i-surprise. Hush now, please" Nakakainis siya. Nagulat na lamang ako nang hinalikan niya ang noo ko.
"I miss you so much, Cath. Alam mo bang hindi ako makatulog nang maayos no'ng nagdaang araw. May pasok ka ba ngayon?" Inirapan ko na lamang siya. Masyado ata siyang na-expose sa London.
"Shunga ka rin ano? May trabaho na ako loko."
"Okay. Sa ngayon 'wag ka munang pumasok may pupuntahan tayo."
Nagulat na lamang ako nang pinaharurut niya ang sasakyan niya. Pero leche lang kasi, ang bilis niyang magmaneho. Pakiramdam ko malalaglag na ang obarya ko, chos.
"Hoy lalaki! Mag dahan dahan ka nga baka mabangga tayo!" Sigaw ko. Pero ngumisi lang ang loko! Nakakainis talaga siya! Hindi pa rin nagbabago. Nagulat na lamang ako nang huminto kami sa pier? Anong ginagawa namin dito. Agad niya naman akong kinaladkad and take note naka heels pa ako ngayon. Pahamak talaga 'tong kumag na ito.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko at inilibut ang buo kung paningin sa buong paligid. Maraming tao. Maiinit ngayon dahil paparating na rin ang dry season which is summer. Nasa loob na kami nang isang barko ngayon.
"Nag-dadate." Mabilis na sagot niya. Nalaglag naman ang panty ko este ang panga ko dahil sa sinabi niya.
"Sira ka ba? Dito?" Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya.
"Oo, so ano swimming tayo?" Nagulat na lamang ako nang hinubad niya ang t-shirt na suot niya. Sheyt. May pandesal na ang lolo niyo. Hooooh! Ang init.
"Hoy? Swimming tayo?"
"Huh? Ah, Oh sige!" Sasagot ka lang naman cath, mali mali pa. Tsk. Pumasok na ako sa Cabin na binayaran ni Rhys. Nag-sout ako nang two piece kasi magswi swimming nga kami. Maya maya pa ay may narinig akong kumakatok mula sa pinto agad ko namang binuksan iyon at nakita ko si Rhys na nakatayo at nakatulala? Ay sheyt naka two piece pala ako. Agad kung isinara ang pinto at kumuha nang robe para hindi halata na naka two piece lang ako. Lumabas na ako at nandoon pa rin siya, naghihintay.
BINABASA MO ANG
Axalia Ashtrid
ActionAxalia Ashtrid lives her life as she wanted, rebel against her father, become a delinquent, and do whatever she wants just to ease the pain of the past. In the middle of her rebellion, she was ordered to go home as her punishment, and she will meet...