CHAPTER 40

1K 18 0
                                    

Chapter 40: Ending

RHYS'S POV

Four months has passed, we stay here in London for that long as far I can remember it's always fun to be with her. As being my girlfriend, yes. We're in a relationship. At masaya kami kung nasaan man kami ngayon. Hindi pa kami nakakauwi nang Pilipinas mula noong nagtapat ako sa kaniya. Sa ngayon ay in-enjoy muna namin ang natitirang araw namin dito. Next week kasi ay plano na rin namin ang umuwi sa Pinas dahil gusto kung pormal siyang ipagpaalam sa mga magulang niya na gusto ko siyang mag-trabaho dito sa London para madalas ko siyang makakasama dahil sa susunod na buwan ay magiging trainee na ako. Kailangan ko na lang ang mag-board exam.

"Hey."

"Hey."

Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin habang ako naman ay hindi napapagod sa pagsa-ulo nang buong mukha niya.

"Rhys! Picture mo ako dito dali!" Sa maniwala man kayo sa hindi ay ilang beses ko na siyang nakuhanan nang litrato malapit dito sa London Bridge.

*click*

Agad naman siyang lumapit sa'kin at tiningnan ang litrato. Tuwang tuwa naman ito dahil sa maganda daw ang pagkakakuha ko. I can't help it but to smile. Kapag siya talaga ang makakasama mo hindi ka talaga mabobored dahil sa sobrang ingay niya. That's why I love her.

"Cath?"

"Yes?"

"I love you."

"Hindi kita love."

"Cath?"

"Ano na naman?"

"Mahal kita"

"Alam mo ang corny mo!"

"Kinikilig ka naman eh!"

"Saan? Saan?"

"Dito." I kiss her lips. Tila bumagal ang pag-ikot nang mundo ko nang sa ikalawang pagkakataon ay dumampi ulit ang labi ko sa kaniya. Nananatili lang kami sa ganoong posisyon hanggang sa binitiwan ko na ang labi niya. Nakatulala lang itong nakatingin sa akin tila ba hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. Wala akong ginawa kundi ang titigan siya hanggang sa mamula na nang tuluyan ang buong mukha niya. Tumawa ako nang mahina at niyakap siya.

"Nakakainis ka talaga!" Pamamaktol niya habang niyayakap niya ko.

"Bakit naman? Pusa ko?"

"Wag moko ma-pusa pusa dyan. Gusto mong suntukin kita dyan sa ano mo" Napahalakhak naman ako dahil sa sinabi niya.

"Isang tawa mo pa dyan, Anderson. Lilipad ka do'n" Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at itinuro ang isang malaking orasan. Doon niya ako papaliparin.

"Pero bago mo ako paliparin doon. Ikaw muna ang lilipad do'n, lilipad ka sa pagmamahal ko." Ani ko at kinindatan siya.

"HOY! LALAKI IBABA MO'KO! CHILD ABUSE KA. LOKO!" Pagsisigaw niya. Napatawa na lamang ako. Binuhat ko lang naman siya na parang bridal style kaya ayon nagsisigawan kami sa daan.



SEANZO'S POV

Hindi pa rin ako makatulog dahil sa marami akong iniisip. Una, limang buwan mula ngayon ay ikakasal na kami ni Xaxa. Pangalawa, ipinasa na sa akin ni Papa ang kompanya. Ikatlo, napapaisip ako sa sinabi ni Xaxa na pupuntahan namin sa sementeryo ang yumaong kaibigan niya. Si Ashton. Alas dose na nang umaga ay hindi pa rin ako makatulog.

"Hey, are you alright?" Tanong niya.

"Oo naman, bakit gising ka pa?"

"Kasi ang likot mo para kang roller coster. Ikot nang ikot" Aniya at tumawa. Ang roller coster pala ah?

Axalia AshtridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon