Chapter 09: Mask
ASHTON'S POV
Patuloy lang ako sa paglalakad patungo sa classroom ni Axalia, pero nang makarating ako do'n ay wala siya. Tinanong ko naman ang guro nila kung nasaan siya. Ang sagot niya naman ay inexcuse siya ni Dean Lorenzo. The only son of the owner of this freakin' University. Wala na akong nagawa dahil tapos na ang klase namin, umuwi na lang ako sa mansion nila Axalia. Kailangan ko siyang makausap.
"Ms. Ariela nasan po si Lady Axalia?"Bungad na tanong ko, kakarating ko lang kasi sa mansion nila.
"Nasa kanyang silid." Tanging sagot niya at umalis sa harapan ko. Agad akong umakyat sa kwarto niya at sinubukan kung kausapin siya pero nabigo ako. I saw her crying for the second time. I know she have a problem.
"Dude, bakit ka umiiyak? Iniwan ka na ba ng boyfriend mo? Nako, wag ka ng umiyak hindi ka niya deserve" biro ko.
"Gago, wala akong boyfriend" asik niya at umupo ng matuwid.
"Bakit hindi ka pumasok sa huling klase mo?" Tanong ko.
"Tinatamad ako." Walang ganang sagot niya.
"Hindi naman sa lagi kang wala sa huling klase ay nagkakaganyan kana. Dude, hindi matutuwa ang daddy mo sa ginagawa mo." Agad siyang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko. She smiled. She smiled bitterly. Hiding those pain behind her smile knowing all the people around her that she's okay. But deep inside she's not. She have a million knives inside her heart, starting to kill her because of her problems in life, but she chose to smile even it's hard.
"Hindi talaga siya matutuwa dahil sa pinanggawa ng anak niya. Kahit lisanin niya pa ang mundo hindi siya matutuwa, dahil hanggang ngayon ay walang pinagbago ang anak niya. Anak niyang walang ginagawa kundi ang gumawa ng gulo, at walang silbi. Ashton, I'm starting to regret those things that I've done to him." Nagsimulang tumulo ang mga luha niya.
"W-Why anong nangyari kay Tito Axel? Is he okay?" Sunod sunod na tanong ko. Naguguluhan kasi ako sa mga nangyayari sa buhay niya.
"May sakit si Daddy..." sambit niya at patuloy na pinipigilan ang bawat hikbi niya.
"S-Sigurado ka? Sinong nagsabi sa'yo" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"I-I don't know" tanging sagot niya. At tumayo patungo sa isang drawer niya.
"A-Anong gagawin mo sa baril na 'yan?" Kinakabahang tanong ko. Kinginang 'yan saan niya naman nakuha ang baril niya. Agad siyang kumuha ng mga bala at nilagay sa magasin ng baril.
"Wala naman. Bakit?" Baling na tanong niya tska nilagay sa bewang niya ang baril.
"I mean, bakit ka may dalang baril?" Ngumisi lang siya. Ang bilis magpalit ng mood.
"Ang mga kalaban ay nasa paligid lang, mabuti ng handa sa anumang oras ng pag-atake nila" Naguguluhan talaga ako sa babaeng 'to. Hindi ko siya maintindihan.
Una: May sakit si Tito Axel. Wala ba siyang balak bisitahin man lang ang ama niya?
Pangalawa: Bakit siya may baril?
Pangatlo: Sinong kalaban ang tinutukoy niya.
"Alam kung nagtataka ka. Malalaman mo din. Not now but soon" seryosong tugon niya at iniwan akong mag-isa sa kwarto niya. Inilibot ko naman ang mga mata ko sa kwarto niya. Color grey ang pintura ng pader ng buong kwarto niya, lahat ng gamit niya naman ay kulay itim at puti. Simula sa single sofa na kulay Black 'n White. Cabinet niyang kulay itim. Pero nagtataka talaga ako sa drawer na binuksan niya kanina.
BINABASA MO ANG
Axalia Ashtrid
ActionAxalia Ashtrid lives her life as she wanted, rebel against her father, become a delinquent, and do whatever she wants just to ease the pain of the past. In the middle of her rebellion, she was ordered to go home as her punishment, and she will meet...