Chapter 05: Bestfriend
CATHERINE'S POV
Kanina ko pa tinatawagan si Rhys pero hindi niya pa rin sinasagot. Asan na ba ang lalaking 'yon. Baka saan na naman nagpunta 'yon. Ako na naman ang tatanongin ni Tita Rebica, mother ni Rhys. Pakiramdam ko nga parang may masamang nangyari sa kanya. Jusko wag naman sana. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ko. Si Jillaine ang bumungad sa akin. Kasama ang aso niyang si Quenze.
"Ate pusa. Pupunta ba si Kuya Rhys dito mamaya?" Tanong niya habang karga karga ang aso niya.
"Hindi ko alam, Bebe Jill. Siguro ay mamaya. Asan nga pala si Gian ba't hindi mo siya kasama?" Tanong ko.
"As usual nasa computer na naman ang magaling kung kambal" Sagot nito.
Si Jillaine at Gian ay ang mga kababatang kapatid ko. Kambal sila bali Faternal twins silang dalawa. There names is Jillaine Lorine Larzon and Gian Rafael Larzon. Silang dalawa ay magkaiba sa ang hilig si Jillain ay mahilig sa k-pop nilamon na ng sistema ni Suga, Jimin, Jungkook ewan ko kung sino pa 'yong iba at K-Drama. Habang si Gian naman ay nilamon na ng computer halos lahat ng computer games ay alam niya pero lagi pa rin siyang nasa Top 5 kasama si Jillain. They're both 12 years old. At habang ako naman ang mas nakakatanda sa kanila. I'm in 2nd year college at La Universidad de Lorenzo. Kasama si Rhys Lawrence Anderson ang bestfriend kung pasaway. Tsk.
"Kumain na ba si Quenze?" Tanong ko sa kanya. Tutok na tutok sa cellphone eh.
"Ay kennedy!" Gulat na bulas niya.
"At sino naman si Kennedy ha? May hindi ba ako alam. Jillain Lorine Larzon? May hindi ba alam ang dyosang katulad ko? Sagot." Pagkukunwari ko na parang galit.
"K-Kaibigan ko lang, Ate Pusa. Hihi oo kumain na si Quenze sige aalis na ako. Byeeeee!" Tunog na lang ng pintuan ang narinig ko. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko para tawagan si Rhys pero wala pa rin.
Tita Rebica's Calling
Nabasa ko mula sa phone screen ng cellphone ko. Paktay! Ano ang idadahilan ko.
"Hello Tita. Good Evening po. Napatawag po kayo?"
"Nandyan ba si Rhys? Hindi pa kasi nakauwi eh, saan ba nagpunta ang batang iyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi. Nag-aalala na ako" tugon ni Tita Rebica sa kabilang linya.
"Ah-eh natutulog po siya ngayon, um. Nakainom po kasi siya." Pasisinungaling ko. May utang ka pa sa aking mukhung ka! Balakjan.
"Mabuti naman at nandyan siya. Jusko. Aatakihin ako sa puso sa pag-aalal sa batang iyan. Ang tigas talaga ng ulo. Sige iha. Matulog kana. Salamat sa pagbabantay sa anak ko"
"Nako. Wala po 'yon tita. Responsibilidad ko po 'yon bilang isang kaibigan."
"Napakabuti mo talagang bata Catherine Yzabel" Napatahimik ako saglit dahil sa pagbigkas niya ng buo kung pangalan. Siguro ay hindi lang ako sanay.
"Iha nadiyan ka pa ba?"
"Ah- o-opo. Bakit po?"
"Akala ko ay tulog kana. Sige iha ibaba ko na ang tawag. Maraming salamat ulit"
"Sige po tita. Good Evening ulit"
JILLAINE'S POV
Busy ako sa panonood ng Strong Woman. Laugh trip talaga si Boong Soon. Ng biglang nag beep ang cellphone ko.
Si Kennedy. OMG! Kyaaaaah!
Gusto kung sumigaw dahil sa kilig pero hindi pwede. Baka marinig ako ni Ate Pusa. Nag message lang naman siya. 'Good Night. Sweet dreams' Balakajan. Manonood pa ako eh. Pero sa kamalas malasang pagkakataon nag-Brown out. Eh? Namaaaaan! Kainis mabuti na lang at may pocket wifi ako kaya makakapanood pa rin ako. Haha.
"Hoy Jillaine hindi ka pa rin natutulog?" Halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa boses na narinig ko.
"Giaaaaan! Nangugulat ka talaga. Isusumbong talaga kita kay Ate Pusa bukas. Sige ka!" Singhal ko. Mahina lang.
"Diyan ka lang naman magaling eh, magsumbong. Eh kung isumbong kaya kita kay Mama at Papa na nagpupuyat ka nanaman diyan sa kaka k-drama isama mo pa yang pag-wawattpad. May napupulot ka bang aral diyan?" Abat ang sama ng batang 'to.
"Don't you dare to insult us. Oo, nagwawattpad kami pero may limitasyon 'yon no? Eh bakit ba ikaw rin naman ah? Hindi ka nga matigil diyan sa kakacomputer games mo" banat ko naman.
"Atleast sa computer lang ako. Ikaw nga baliw na baliw ka dyan sa mga asawa mo 'daw' sino nga 'yon si Jimin, Suga, Jungkook, V, Rap-Monster, Jin at J-Hope. Tama ba?" Abay pinaghandaan. Kita mo mas saulado niya pa 'yong bts members.
"Ah basta. Wala kang paki. Werpaa!"
"Werpa? Tss. Ang badoy naman"
"Ikaw ha, sumusumbra kana! Badoy asan? Hindi mo lang alam ang meaning niyan eh. Haha"
"Eh ano ba ang ibig sabihin niyan?"
"Pawer!" Agad na tugon ko. Akala niya ah! Pero tawa lang ang narinig ko.
"Werpa? Pawer? Tsk. Baliw P.O.W.E.R 'yon. " Pagtatama niya.
"Nobodys perfect kaya. Chupiii! Labas! Labas! Kung ayaw mong ipalapa kita kay Quenze. Sho sho!" Pagtataboy ko pa sa kanya. Lakas ng loob insultuhin kaming mga wattpader. Eh kung ipakain ko kaya siya Quenze. Gigil ako sa kanya. Ewan ko nga kung bakit ko siya naging kapatid. Pero maganda pa rin ako plus ang cute ko pa. Kyaaaa pembarya kyaaa. Bumalik na ako sa panonood ng K-Drama. Teka anong oras na ba? Tiningnan ko naman ang wall clock kung anong oras na 9:30 na pala. Aja! Kaya ko pa itong tapusin para sa ekonomiyaaaaa!
A/N: Enjoy Reading! Haha. Natatawa ako sa POV ni Jill. Bebe Jilrinaa😂. Hello Meow rine318❤
Mentioning all Section Kwatrooo! Lablab💕
BINABASA MO ANG
Axalia Ashtrid
ActionAxalia Ashtrid lives her life as she wanted, rebel against her father, become a delinquent, and do whatever she wants just to ease the pain of the past. In the middle of her rebellion, she was ordered to go home as her punishment, and she will meet...