Chapter 23: Confession
SEANZO'S POV
Kung ako kaya ang nasa kalagayan nang kaibigan niya. Pupunta rin kaya siya? Minsan napapaisip ako sa mga nangyayari sa buhay niya. Paano kung naalala ko ang lahat? Paano kung hindi ako nagkaroon nang amnesia? Sigh. Narinig ko naman ang pagbukas nang pintuan.
"Señor? Nandito na po ang bulaklak na pinabili ninyo." Katulong pala namin. Nakita ko naman na daladala niya ang puting rosas na pinabibili ko. Sigurado akong magugustuhan 'to ni Xaxa. Pupunta ako mamaya sa Mansion niya para bisitahin siya, ilang araw na rin ang lumipas nang mangyari ang hindi ko inaasahan. 'Yung nahalikan ko siya. Damn. 'Yung umamin ako sa kanya at sa hospital ko pa naisipan.
"Salamat po." Nakangiting sabi ko pa. Ngumiti lang siya at lumabas na nang kwarto. Napatingin naman ako sa puting rosas na nasa ibabaw nang kama ko. Hindi ko maiwasang 'wag mapangiti. Naalala ko noong mga bata pa kami, binigyan ko siya nang rosas na kulay puti dahil 'yun ang pinakapaborito niya sa lahat nang bulaklak. Tuwang-tuwa pa siya no'n dahil ako daw ang kauna-unahang lalaki na nagbigay sa kanya nang puting rosas at pagkatapos no'n ay namatay ang Mommy niya. Nalungkot ako no'n kasi pagkamatay nang mommy niya ay nagkaroon ako nang amnesia.
"Handa na akong harapin ang lahat, Xaxa." Bulong ko pa sa sarili ko.
Totoo naman eh, handa na akong harapin ang lahat. Limang taon ko siyang hindi nakasama. Ngayon ko lang narealize ang lahat naging madilim pala ang buhay ko limang taon na ang nakakaraan. Naligo na ako at pagkatapus no'n ay nagbihis na ako. Kailangan kung maging gwapo sa mga mata niya.
***
"Sino ho sil--Seazo? Ikaw na ba 'yan? Nako! Ang laki laki mo nang bata ka. Napakalaki nang ipinagbago mo. Si Axalia ba ang sadya mo rito?" Bungad na tanong ni Ms. Ariela ang mayorduma nang mansion nila Xaxa. Agad niya akong pinapasok sa Mansion nila. Hindi pa rin nagbabago ang postura nang bahay nila Xaxa, gano'n pa rin. Pero parang malungkot ang mansion nila wala na kasi 'yung mga picture frames na nakasabit dito noon.
"Ms. Ariela? Nasaan po ang mga picture dito noon?" Tanong ko.
"Nako, hijo. Pinatanggal ni Lady Axalia. Lahat nang mga picture frames na nakasabit dito simula no'ng namatay ang daddy niya. Bihira na nga siya kung umuwi rito, dahil busy sa pagtratrabaho." Pagpapaliwanag pa ni Ms. Ariela. Naalala ko pa noon no'ng mga bata pa kami, palaging pinapagalitan ni Tito Axel (Father ni Axalia) si Xaxa dahil palagi niyang tinatawag na Ms. Minchin si Ms. Ariela hindi ko nga alam kung hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang pagtawag niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Napatingin naman ako sa taas kung sino ang nagsasalita. At do'n ko lang nalaman na si Xaxa pala. Agad siyang humakbang pababa para puntahan ako. Naka-business attire pa siya ngayon.
"Inuulit ko. Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Agad kung ibinigay sa kanya ang isang boquet nang puting rosas. Agad namang nagbago ang expresyon nang mukha niya. Kitang kita ko kung paano siya ngumiti nang tipid. Agad akong tumayo para yakapin siya.
"Anong ginagawa mo?"
"Puro ka tanong. Isipin mo nalang na nadapa ako at sa'yo pa ako nahulog." Ramdam ko ang pagbilis nang pagtibok nang puso niya. Akala ko ako lang nakakaramdam nito kapag nakikita ko siya.
AXALIA'S POV
"Puro ka tanong. Isipin mo nalang na nadapa ako at sa'yo pa ako nahulog." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ramdam ko ang pagbilis nang pagtibok nang puso ko.
"A-Anong sinasabi mo?" Pinilit kong 'wag mautal pero..urg!
"Handa na akong harapin ang lahat. Xaxa, handa na akong tuparin lahat nang mga pangarap na'tin simula pagkabata." Para akong naestatwa dahil sa sinabi niya. Naalala na niya lahat. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o ano. May parte kasi sa puso ko na malungkot. Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa'kin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
"Nandito ako para personal na magtapat sa'yo. Alam kung nagawa ko na 'to noong nasa hospital tayo. Xaxa, I like you. I like you very much and I love you. Sounds gay right? Ah, I don't care. And one more thing can I court you?"
Gaya nang ginawa niya no'ng nasa hospital kami ay hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam ko. Oh scratch that--hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sakanya mula noon hanggang ngayon. Napangiti ako dahil sa naisip ko. Hahayaan ko siyang ligawan ako in one condition kailangan niyang bumalik sa mansion nila. Nalaman ko ang nangyari sa pamilya niya, namatay ang mommy niya kaya siya nagka-amnesia at kaya siya naging isip bata dahil sa nangyari sa kanya.
"It's okay kapag hindi ka pa handa." Naka ngusong sabi niya pa.
"Hindi talaga ako magiging handa kapag minamadali mo ako." Makahulugang tugon ko pa.
"Pero liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. Kahit magpaulan pa ako nang puting rosas dito sa mansion niyo araw-araw para sagutin mo ako. Xaxa, baka nakalimutan mo wala ka nang takas sa akin. Kahit takasan mo ako mahahanap at mahahanap pa rin kita." Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at may ibinulong siya.
"Hahanapin ka pa rin nang puso ko." Bulong niya. Naramdaman ko naman ang pag-init nang mukha ko.
"Ayos lang siguro kung ligawan kita araw-araw hanggangg magsawa ka sa gwapo kong mukha ano?" Medyo natawa ako sa sinabi niya. Ang hangin rin pala nang isang 'to. I clear my throat.
"Pinapayagan kitang ligawan ako pero.." Nakita ko ang pagngisi niya.
"Kailangan mong umuwi sa inyo. At makipag-ayos sa Pappa mo." Seryosong sabi ko pa. Kaninang ngumingiti siya ay napalitan nang seryosong mukha.
"How did you know?" Nagtatakang tanong niya.
"It doesn't matter anymore. Malalate na ako sa trabaho, Sean."
Ngumiti ako at nagpaalam na.Sana wala nang gugulo pa sa isipan mo ngayon, Sean. Hanggang kaya ko pa, proprotektahan kita.
A/N: Sige na nga kenekeleg na ako kay Seanzo. Haha😂
P.s: Late christmas everyone. 💕 Sorry sa typos mga bro. 🌹
BINABASA MO ANG
Axalia Ashtrid
ActionAxalia Ashtrid lives her life as she wanted, rebel against her father, become a delinquent, and do whatever she wants just to ease the pain of the past. In the middle of her rebellion, she was ordered to go home as her punishment, and she will meet...