CHAPTER 25

785 22 0
                                    

Chapter 25: Secret Identity

MAZELIA'S POV

"Ipasok niyo na 'yan baka mandilim pa ang paningin ko at mapatay ko sila."

Sinusubukan mo talaga ako, Anderson. It's payback time. Sigurado akong sa akin niya talaga hahanapin ang dalawang batang ito. Sa totoo lang ay wala talaga sa intensyon kung idamay ang dalawang 'yan. Pero sinasagad talaga niya ang pasensya ko. Isa si Anderson sa mga tumiwalag gropo. Kailangan kong patahimikin ang isang 'yan bago mahuli ang lahat. Marami na rin siyang nalalaman sa orginasasyon na meron ako. At meron pang isa si Ashtrid ang pinakamatinik sa lahat. Hindi nag-iiwan nang bakas kung magtrabaho. Kailangan kung obserbahan ang bawat kinikilos nang babaeng 'yun. Tiyak na kapag nalaman kung may ginagawang hakbang ang babaeng 'yun ay hindi ako magdadalawang isip na patayin siya.

Maraming alam ang babaeng 'yun at kapag nakakuha siya nang tyempo ay ibubulgar niya 'yun sa lahat para mapabagsak ako. Pero may alas pa rin ako laban sa kanya. Ang pagkamatay nang mga magulang niya dahil sa akin. Kaya ko pinatay ang Ina niya dahil marami siyang kinuha sa akin at nalalaman, sumunod ang pinakamamahal niyang asawa. Kung hindi sana nangialam ang asawa niya sana'y hindi siya patay ngayon. Sa matigas ang ulo nang lalaking 'yun kaya napilitan akong ipapatay siya. Napalingon ako nang biglang bumukas ang pintuan.

"Madame, pinapatawag niyo daw ako." Pormal itong nakatayo sa harap ko.

"Have a seat, dear." Napangiti ako dahil dumating siya. Ibig sabihin ay mapagkatiwalaan ko pa rin ang babaeng ito, kahit ako ang nagpapatay sa mga magulang niya at idagdag mo pa ang kaibigan niyang nakaratay sa ospital ngayon dahil sa ginawa ko.

"Kamusta ang new year?" Tanong ko.

"Good." Simpleng sagot niya. Maya maya pa ay dumating ang tsaa na pinakuha ko kanina. Mainit pa ito. Galing bansang Tsina ang mga tsaang iinomin namin ngayon. Pero isa sa mga tsaang nasa dalawang magkaibang baso ang may lason. Inutusan ko ang naghanda nang tsaa na lagyan nang dalawang pirasong maliliit na karayom.

"Have a drink." Pagpresenta ko pa. Agad niya naman inabot ang baso na may laman na tsaa. Sigurado akong hindi niya mapapansin 'yun. Ang lason na inilagay ko ay isa sa mga pinagbabawal na kemikal sa Tsina na kapag nalason ka ay magsasabi ka nang katotohanan at dalawang oras lamang ang itataggal mo para mabuhay kung sususwertehen ka.

"Oh, there's a needle in my tea. Are you trying to kill me, Mazelia. Aren't you?" Nakangiting tanong niya. Paano niya nalaman?! Nanatili lang akong kalmado. Maya maya pa ay tumawa siya. Kaya tumawa na rin ako para hindi mahalata na ako mismo ang nag-utos na lagyan nang karayom ang inumin niya.

"That's not what you think, dear." Sumilay ang isang pilyang ngiti sa mga labi niya.

"Oh, is that so?" Ngumisi siya at nagulat ako sa ginawa niya. Did she just spill the tea on me! How ridiculous!

"Sorry. My bad" Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya, kahit na sumisiklab na ang galit sa buong pagkatao ko ay kailangan ko pa rin maging kalmado sa harap niya. Hindi na pwedeng malaman ang mga secretong meron ako ngayon.

"It's alright. Don't mind me. May ipapagawa ako sa'yo"

"What is it?" Hindi ko man lang nakitaan nang kahit ni isang expresyon ang mukha niya. Well, that's Axalia.

"I want you to kill this two trash" sabay pakita sa kanya ang isang litrato. Litrato nang dalawang bata na nasa storage room. Bahagyang, nah-iba ang guhit sa mga labi niya. Pero bumalik rin ang ngiti sa labi niya. Tiningnan niya ako at tumayo habang hawak-hawak pa rin ang litrato nang dalawang bata na nakakulong sa bodega.

Axalia AshtridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon