CHAPTER 29

645 25 0
                                    

Chapter 29: Trust

CATHERINE'S POV

"PAKAWALAN NIYO KAMI DITOO!" Buong lakas akong sumisigaw sa kahit walang nakakarinig. Hindi pa rin ako nawawalan nang pag-asa. Makakalabas kami ni Rhys nang buhay. Wala pa rin kasi siyang malay.

"C-Cath. ." Hala! Baka nagising ko siya.

"OMG. Sorry, huhuhu. Rhys anong plano mo? P-Paano tayo makakalabas dito? Pero sadali, teka nga. Bakit mo nga pala ako tenext. Hindi mo naman ugali na mag-text eh. At bakit ka nandito?" Sunod-sunod sa tanong ko. Nakita ko naman siyang unti-unting niyang iminumulat ang mga mata niya. B-Bakit gano'n? Bakit kinakabahan ako?

"C-Cath. I'm sorry." Seryosong tugon niya. Naka-upo kami ngayon sa sahig nang bodega o basement na 'to. Madumi ba naman. Tapos marami pang mga kahoy sa loob baka nga may daga na rin dito. Geez.

"S-Sorry, saan? Wala ka naman ginawang masama sa 'kin."

"Ka-Kasalan ko lahat. Kaya pati ikaw nadamay. Sana sinabi ko na noon pa sa'yo ang katotohanan. Wala akong kwentang kaibigan. Makasarili ako." Paninisi niya pa sa sarili niya.

"Katotohan? Pwede mo bang linawin sa'kin ang laha---" Magtatanong pa sana ako pero may bigla silang ipinasok sa bodega. Nakagapos ito at walang malay. T-Teka!?

"Ipasok niyo na 'yan sigaruduhin niyong hindi 'yan makakatakas. Kung hindi sabog tayo kay Madame."

"Areglado, boss."

Agad na nilang isinarado ang pinto. Sisigaw pa sana ako pero napatulala na lang ako sa taong nasa harap namin ngayon.

"Si Lorenzo 'yan diba?" Tanong ni Rhys. Tulad ni Dean Lorenzo ay nakagapos rin kami. Maswerte na lang at walang takip ang mga bibig namin. Isang bintana lang nagsisilbing ilaw namin. Mabuti na lang at may pumapasok na hangin sa loob.

"O-Oo. T-Teka, ano ba ang nangyayari? B-Bakit nandito si Dean Seanzo? Alam ba 'to nang mga pulis?"

"Cath, listen to me. 'Wag kang mabibigla sa sasabihin ko." Ngumiti ako nang pilit kahit sa totoo lang ay nag-uumapaw na ang kaba sa buong pagkatao ko. Kinabahan ako sa mga sunod na mangyayari. S-Sino ang magliligtas sa amin?

"Isa akong membro ng organisasyon na ito. Ito ang dahilan kung bakit ako nawawala palagi. Lahat ng excuses na sinasabi ko noon sa'yo ay puro lang kasinungalingan. Hindi ko sinabi sayo kasi...natatakot akong madamay ka sa gulong pinasukan ko. Ayokong mapahamak ka nang dahil lang sa'kin." Pagpapaliwanag niya pa. Ilang beses akong napakurap dahil sa sinabi niya. Organisasyon? I-Ibig sabihin.

"Membro ka nang isang sindikato? Iilegal transaction ba kamo? Putangina ginagago mo ba ako, Rhys?!" Tumaas na ang boses ko dahil sa inis at pagkabigla.

"Paano mo natago ang lahat nang ito sa'kin. Gano'n na ba kababa ang tingin mo sa akin. You can't trust me either? Do you?" Nag-umpisa nang dumaloy ang mga luha ko. Hinayaan ko na lang 'yun dahil ko mapapahiran 'yun.

"I-I'm sorry. I know it's all my fault. Please, forgive me. Alam kung magagalit ka rin sa'kin. Kaya ko ginagawa 'to para protektahan ka."

"Protect me? You don't have to. Just protect yourself because I can handle myself, but thanks to you. Alam ko na ngayon hindi pala nasusukat sa taon o panahon ang basehan nang salitang kaibigan. Nasusukat pala 'yun sa salitang tiwala. Wow, well said. Rhys. Bigyan kita ng best actor award eh, anong gusto mo Oscar award?" Hindi ko mapigilan ang hindi maging sarkastiko sa harap niya. Wala eh. Nakakainis siya. Gano'n na ba ang tingin niya sa akin. Hindi mapagkatiwalaan. Good pretender.

Axalia AshtridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon