Ang Simula

49.1K 706 75
                                    

Nagkakagulo na ang buong lugar ng malolos dahil sa mga dayuhan na malapit ng masakop ang buong lugar. Halos sumakit na ang aking palapulsuhan habang mabilis ang aming pagtakbo upang makapagtago. Magkasabay na tumutulo ang aking pawis at luha dahil sa takot na baka ano mang oras ay isa sa amin ang tutumba.

"Pumasok ka rito...Celestina pumasok ka dito," pagpupumilit niya sa akin habang halos itulak na ako papasok sa isang malaking kahon ng mga prutas upang ako'y makapagtago.

Mabilis akong umiling habang umiiyak. "Hindi ako makakapayag Antonio, hindi kita iiwan," pagmamakaawa ko sa kanya.

Mariin itong napapikit bago ako nito hinila papalapit sa kanya at tsaka ako nito mariing hinalikan sa noo. "Aking mahal hindi ako aalis, hindi kita iiwan," paninigurado niya sa akin.

Labag man sa aking kalooban ay sumuot ako roon sa malaking kahon ng mga prutas upang makapagtago. Higit higit ko ang aking hininga habang napapapikit na lamang dahil sa malalakas na putok ng bala at canyon dahil sa paglusob ng mga dayuhan.

"Tulonggg! nakikiusap ako!" Sigaw ng isang matandang babae ngunit nawala din pagkatapos ng isang putok ng baril.

Dahil sa takot ay bahagya kong inilawit ang aking ulo. "Antonio..." tawag ko sa kanya ngunit hindi na ito sumagot pa.

Halos mabato ako sa aking kinauupuan dahil sa sunod sunod na putok ng baril malapit sa aming kinalalagyan. Nangingibabaw man ang takot ay nagawa ko pa ding lumabas sa aking pinagtataguan.

Halos manlaki ang aking mata ng makitang puno ng dugo ang suot na barong puti ni antonio. "Hinde...hindi maari!" Umiiyak na sambit ko.

Halos masiraan ako ng bait dahil sa paghihinagpis ngunit na patagil din ng hawakan nito ang aking kamay.

"Tahan na aking mahal, hindi ko kailan man ninais na makitang ika'y lumuluha," pagpapatahan nito sa akin ngunit hindi ko magawang sunduin ang kanyang sinasabi.

"Wag mo akong iwanan, parang awa mo na," paghihinagpis ko sa kanya.

Nginitian ako nito kahit pa may dugo ng lumabas sa kanyang bibig. "Hindi kita iiwan aking mahal, muli tayong mabubuhay...muli tayong magkikita," paninigurado niya sa akin kasabay ng sunod sunod na pagdaloy ng kanyang luha.

Pinikit ko ang aking mga mata habang pilit na sinasangayunan ang kanyang sinabi sa akin. "Muli tayong mabubuhay...at hinihiling ko ang muli nating pagkikita mahal ko," lumuluhang sambit ko bago ko siya mahigpit na hinagkan.

"Ipangako mo." pakiusap ko.

Muli ako nitong nginitian, ngunit mas lalong lumakas ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mata. "Susubukan ko," mahinang paniniguro niya sa akin kaya naman mabilis na nanlaki ang aking mga mata.

"Ano ang iyong ibig sabihin Antonio?"

Mahigpit nitong hinawakan ang aking kamay at tsaka nito dinala ang aking palad para kanyang mahalikan.

"Madaya ang tadhana aking mahal...hindi natin alam kung kailan tayo nito pagbibigyan, pero pinapangako kong gagawin ko ang lahat para makasunod sayo sa bagong mundo," ang kanyang mga huling salita ay paulit ulit na tumakbo sa aking isipan habang nakatitig ako sa kanya na hindi na humihinga.

"Antonio, mahal ko..." umiiyak na pagtawag ko sa kanya ng paulit ulit.

"Sasabog ang lugar! Bilisan niyo ang pagtakbo!" Sigawan ng ilang mga tao. Hindi ako tumayo bagkusa ay niyakap ko na lamang ang hindi na humihingang katawan ni antonio.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon