"Sumagot ka cecilia, anong ginagawa mo dito, anong kailangan mo kay antonio buenavantura?" Magkakasunod na tanong sa akin ni don carlos.
Nabato ako, hindi ako nakasagot kaagad pero naramdaman ko ang bahagyang pagsiko sa akin ni elena.
"Patay tayo diyan" sambit niya.
Sobra sobra din ang pagtatambol ng dibdib ko dahil sa takot, gulat na gulat kami dahil sa kanilang presencya. Hindi naman inakalang dito din ang punta nila.
Nang hindi na nakatiis pa si don carlos at ang nakatatandang kapatid ni cecilia na si gregory ay mas lalo na silang lumapit sa amin.
"Anong ginagawa mo dito cecilia?" Seryoso pero nakakatakot na tanong sa amin ni don carlos.
Bayolente akong napalunok. "Wa...wala po" nabunulol sa kabang sagot ko sa kanya.
Gusto kong sumigaw ng mama at papa para humingi ng tulong pero naalala kong nasa ibang panahon nga pala ako, kung saan kami lang ni elena ang magkakampi. Ang isa't isa lang ang kasama namin.
Kumunot ang kanyang noo. "Gregory, iuwi si cecilia sa sta maria. Baka makarating pa ito sa mga alvarez" utos ni don carlos sa kanyang nakatatandang anak na lalaki.
Bigla akong nataranta, kailangan kong makausap si Ginoong antonio. Nalalabi na lamang ang araw na pwede kong maayos ang kwento nila ni celestina agoncillo.
"Hindi po! Ayoko po" pagpupumiglas ko na ikinagulat ni don carlos. Kaagad naman akong sinubukang tulungan ni elena.
Dahil dito ay kaagad na hinaklit ni don carlos ang kamay ni elena na nasa katawan ni alicia.
"Alicia!" Sigaw niya dito at tsala niya ito malakas na sinampal sa kanang pisngi.
Dahil duon ay huminahon ako para damayan si elena. "Elena, pasencya na" nagaalalang sabi ko sa kanya.
"Gregory, pagkadating sa ating tahanan ay bigyan ng parusa ang taksil na kasambahay na iyan" utos pa ni don carlos sa anak na panganay kaya naman natakot ako para kay elena.
"Walang kasalanan si alicia dito, ako ang may kagustuhang pumunta dito" laban ko sa kanila pero hindi nila pinakinggan ang mga sinasabi ko.
Pinilit kaming pumasok sa kalesang dala dala nila don carlos at wala na kaming nagawa kundi ang umiyak habang nasa byahe. Hindi pala ganuon kadali ang lahat. Ngayon, alam ko na ang pakiramdam ni ginoong antonio, kung paano niya ginawa ang lahat para magkita sila ni celestina agoncillo pero hindi sila pinagbigyan ng tadhana.
"Nakakahiya ka cecilia, at talagang ang kalaban pa ng ating pamilya ang napili mong kampihan" galit na utas ni gregory.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa para kay cecilia. Napakalupit ng kanyang pamilya.
"Gusto ko lamang makausap si ginoong antonio buenaventura" malumanay na sagot ko pa sa kanya na mas lalo niyang ikinagalit kaya naman sa huli ay napatahimik na lamang kami ni elena.
Nang makarating kami sa bayan ng sta maria ay napakapit sa akin si elena. "Natatakot ako, ano kayang gagawin nila kay alicia?" Kinakabahang sumbong niya sa akin.
Hiram man ni elena ang katawan na gamit niya ngayon ay siguradong mararamdaman din niya ang lahat ng sakit.
"Wag kang magalala hindi kita papabayaan" paninigirado ko sa kanya.
Pagkadating na pagkadating sa tahanan ng mga agoncillo ay kaagad akong hinila pababa ni gregory. Isa sa mga tauhan naman niya ang may hawak kay elena.
BINABASA MO ANG
His last Comeback
أدب تاريخيHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...