Kabanata 38

4.3K 205 24
                                        

Imbes na makihalubilo sa mga kaibigan ay mas pinili ko na munang mapagisa. Pero hindi din iyon nagtagal ng kaagad akong lapitan ni Ginoong antonio.

"Pansin ko ang pagiging matamlay mo binibini" puna niya sa akin.

Kahit nalulukot talaga ako ay nagawa ko pa din siyang tipid na ngitian. "Wala ito ginoong antonio, may iniisip lang ako" sagot ko sa kanya.

Nakatitig lamang siya sa akin na para bang pinagaaralan niya ang galaw ng aking mga mata.

"Pwede mong sabihin sa akin" pahayag niya.

Napaiwas tuloy ako ng tingin at tsaka napatingin sa malayo. "Paano pag nalaman mong tratraydurin ka ng kaibigan mo? Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya. "Mabigat na kaso iyan binibini" sabi pa niya sa akin.

Bahagya siyang napalingon sa loob kung saan nagkakasiyahan ang aking mga kaibigan.

"May nakaalitan ka bang isa sa kanila?" Tanong niya sa akin pero napakibit balikat na lamang ako.

"Sa pagkakaalam ko wala" sagot ko sa kanya.

Napatango tango si ginoong antonio. "Kagaya nga ng sabi ko sayo nuon, hindi ko hahayaang mga hindi magandang mangyari sa iyo sa pananatili mo rito" paninigurado niya sa akin.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay gumaan ang aking pakiramdam kahit papaano. "Maraming salamat ginoong antonio" punong puno ng sinseridad na sabi pa niya sa akin.

Pero kaagad siyang umiling sa akin. "Ikaw dapat ang pasalamatan ko binibini, hindi biro ang sinakripisyo mo para sa amin ni Celestina" seryosong sabi pa niya.

Titig na titig siya sa aking mga mata. "Pero minahal kita sa kung sino ka ngayon, hindi dahil nasa katauhan ka niya. Kundi dahil ikaw si celestine garcia ng 2019" punong puno nh sineridad na sabi nito sa akin kaya naman hindi ko napigilang mapakagat sa aking labi dahil sa pinipigilang bugso ng damdamin.

Dahil sa pagiyak ay napayakap na lamang ako kay ginoong antonio na kaagad naman niyang tinanggap. "Mamimiss kita pag alis ko" umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Kahit sandaling panahon lang tayo nagkasama, ramdam na ramdam ko ang koneksyon nating dalawa. At wala akong hanggad sa aking pagalis kundi ang muli kayong magkita ni Celestina" sabi ko pa sa kanya habang nakasubsob ako sa kanyang dibdib at umiiyak.

"lubha din akong malulungkot sa oras na lisanin mo na ang taong ito binibini..." sagot niya sa akin at tsaka siya kaagad na humiwalay ng yakap sa akin.

Mau kinuha ito mula sa kanyang likuran. Isang puting papel na nakarolyo iyon. "Ito at baunin mo ang aking munting regalo sa iyon, para sa oras na bumalik ka sa taong kasalukuyan ay maalala mo ako" malungkot na sabi niya sa akin sabay abot ng papel na iyon.

Kaagad ko iyong tinanggap ay binuklat. At halos mapaawang ang aking bibig ng makita ko kung ano iyon. Ako iyon, ipinanta ako ni ginoong antonio.

"Iginuhit kita, hindi bilang si Celestina, si felicia kundi ikaw...si celestine garcia" sabi pa niya sa akin kaya naman sobra sobrang naantig ang aking puso.

"Nagustuhan ko, sobrang ganda" namamanghang sabi ko pa sa kanya.

"Maraming salamat ginoong antonio" pasasalamat ko pa.

Marahil ay tama nga si joselito, nitong mga nakaraang araw ay masyado akong nagpadala sa aking emosyon dahilan kung bakit hindi ko nagawa ng maayos ang aking misyon dito sa taong 1899. Pero naisip kong kung talagang iniisip ko ang makakabuti sa lahat ay kailangan kong tanggapin na ano mang oras ay kailangan ko na silang iwanan.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon