"Pwede mo ba kaming masamahan sa kanya?" Tanong ko dito.
Kumunot ang noo ng bata. "Patawad binibini, pero pinauwi na ako ng bantay dahil tapos na daw ang oras ng dalaw" sagot niya sa akin kaya naman bigla akong nakaramdam ng lungkot.
"Kung ganun, kailangan ulit ang susunod na dalaw?" Tanong ko pa sa kanya.
"Bukas ng alas otso ng umaga" sagot niya sa akin.
Napatango tango na lamang ako pero ang totoo ay nangangamba ako. Hindi ko kasi nasisigurong makakabalik ako muli sa dito sa malolos.
"Bata" pagtawag ni elena dito.
Namumula pa din ang mga mata nito, pinupunasan niya ang kanyang pisngi dahil sa luha habang natatawa.
"Ano po iyon?" Magalang na tanong sa kanya ng batang lolo raul.
"Huhulaan ko ang pangalan mo" pagbibida ni elena sa kanya.
Kaagad nanlaki ang mata ng bata at napangiti. "Talaga po?" Pagkamangha niya kay elena.
Napatango si elena. "Raul...raul ang iyong pangalan" sabi ni elena sa kanya kaya naman napapalakpak ito.
"Ang galing niyo po" puri pa nito kay elena.
Tuwang tuwa si elena habang pinagmamasdan ang batang version ng kanyang lolo. Masaya din naman akong makita si lolo raul, kakaiba nga sa pakiramdam dahil hanggang ngayon ay kinikilabutan pa din ako.
Sa kalagitnaan ng aming paguusap ay lumapit sa amin si kuya agustine.
"Nagawa niyo na ba ang pakay niyo dito sa malolos, tinatawag na ako sa aking serbisyo" sabi niya sa amin kaya naman nagkatinginan kami ni elena.
Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagkasabik niya sa kanyang lolo kaya naman nilakasan ko na ang loob ko para kausapin si kuya agustine.
"Pwede pa po ba kaming manatili dito? Hindi pa po kasi namin nakakausap ang taong sinadya namin dito sa malolos" pakiusap ko sa kanya.
Kitang kita konsa kanyang pagmumukha ang lubos na pagtanggi pero ng maglaon ay napatango na lamang ito.
"Babalikan ko kayo bago lumubog ang araw, dito mismo sa tapat ng tahanan na ito ng..." hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng kaagad siyang tumingin sa bahay at kay lolo raul.
"Dela cruz po" sagot ng batang lolo raul sa kanya.
Napakunot ang noo ni kuya agustine. "At sino ka naman bata?" Tanong niya dito.
"Raul dela cruz po, ang tagapangalaga ng tahanan na ito" magalang na sagot niya dito.
Hindi na muli pang nagtanong ito, at kaagad ding nagpaalam. Tinanaw namin ang paglayo ng kalesang sinasakyan niya.
"Gusto niyo pong pumasok sa loob?" Biglang tanong sa amin ng batang raul. Hindi na kami nagdalawang isip pa ni elena at sumama na sa kanya papasok sa bahay ni ginoong buenaventura.
"Ganitong ganito ang itsura ng bahay sa 2019, iba nga lang dahil mukhang bago bago pa ito" puna ni elena habang nakasunod kami sa batang raul papasok sa bahay.
"Pasencya na po mga magandang binibini pero wala po akong maipapakain sa inyo" sabi nito sa amin habang ngingiti ngiti pa.
"Ayos lang iyon" sagot ko sa kanya.
Pinaupo niya kami sa may salas, umalis siya sandali at pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang baso ng tubig.
"Salamat" sabi namin pareho ni elena.

BINABASA MO ANG
His last Comeback
Fiksi SejarahHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...