Kabanata 6

5.6K 286 18
                                    

"Sa malolos siya ibuburol" sagot ko sa aking mga kaibigan ng tanungin nila ako tungkol sa pagkamatay ng aking pinsang si arlene.

Halos gabi gabi ako umiiyak dahil sa nangyari sa kanya. Wala man akong kasalanan ay iniisip kong may kinalaman ako duon. Sa totoo lang hindi ko din alam kung saan ko nakuha ang ideyang iyon. Sadyang naguguluhan lamang din ako kaya naman inisip kong may kasalanan din ako.

"Hija, paabutan naman ng sandwich yung mga kararating lang na bisita sa labas" utos sa akin ni tita choleng. Nagdatingan kasi yung mga kaklase ni arlen nung highschool kaya naman kinailangan nila ng tulong.

Ayon sa autopsy pagkalunod nga talaga ang kanyang ikinamatay pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din magawang tanggapin iyon dahil marahil mayroong parte sa aking na naniniwalang may iba pang rason sa magkasunod na patayan na ito.

"Pumasok ka na bukas anak, dalawang araw ka ng wala sa mga klase mo" sabi ni mama kinagabihan.

Bukas ng umaga ay sasabay ako sa ibang kamag anak na bunyahe patungong sta maria, pauwi sa aming bahay para makapagayos at makapasok sa school. Buti ma lang at 1:30 pa ng hapon ang klase ko kaya naman walang problema.

Ilang araw ko na ding hindi nakikita si ginoong antonio, hindi ko kasi siya gaanong iniisip. Naguguilty man ay mas minabuti kong umiwas muna sa kanya.

"Lestine may gustong kumausap sayo" sabi sa akin ni tita choleng ng magisa akong kumakain ng hapunan sa may kusina dahil ang lahat ay nasa labas para asikasuhin yung mga bisita.

Tinanguan ko ito at tsaka sandaling inayos ang aking pagkain at tinakpan iyon. Nagulat ako paglabas ko dahil sa taong gustong kumausap sa akin.

"Celestine...nakikiramay ako" sabi ni elena pagkalabas ko.

Bahagya ko itong tinanguan at tsaka ako umupo sa katabi niyang monoblock.

"Anong gusto mo, kape, sandwich? May sopa..." hindi na niya ako pinatapos dahil kaagad niya akong pinigilan.

"Patawarin mo ako sa inasal ko sa inyo ng mga kaibigan mo nung burol ni lolo, nagluluksa pa kasi ako nung mga oras na iyon" paumanhin niya.

Muli ko siyang tinanguan. "Wag kang magalala, naiintindihan namin" paninigurado ko sa kanya.

Napabuntong hininga muna si elena bago siya muling nagsalita. "Ayoko na sanang mangealam, natatakot kasi ako...pero ilang araw na akong dinadalaw ni lolo sa aking mga panaginip" paguumpisa niya at kitang kita ko ang frustration sa kanyang mukha na para bang hindi na din naman niya alam ang gagawin.

"An...anong problema?" Nagaalalang tanong ko naman sa kanya.

Hindi nagtagal ay may kinuha itong sulat. Actually puro scatch tape na yun dahil sa pagkakapunit.

"Sinubukan kong punitin dahil nga ayoko ng makialam pero hindi talaga ako makatulog sa gabi, ito talaga ang huling habilin sa akin ni lolo eh" sobrang pagkaguilty ang nahihimigan ko sa kanyang boses.

Hindi na muna ako nagsalita, kinuha ko na lamang muna yung sulat mula kanya. "Hindi ko alam kung ano ang meron diyan, hindi ko naman binasa lalo na't ang bilin ni lolo ay sayo ko lang dapat iyan ibigay" paliwanag pa niya sa akin.

Matapos ang ilan pa naming paguusap ni elena ay nagpaalam na din ito. "Pagkatapos mong mabasa ang sulat na iyan at kung may kailangan ka alam mo naman kung saan ako makikita, at kung may kailangan kang makita ay bukas ang bahay ni ginoong antonio buenaventura para sa iyo" paninigurado at paalala ni elena sa akin.

Napaiwas ako ng tingin nang banggitin niya ang pangalan ni ginoong antonio buenaventura sa akin. Sa totoo lang ay parang ang foul naman nung ginawa ko sa kanya. Para bang pinagbintangan ko siya kaagad. I judge him too much na hindi ko man lang inalam ang reasons at side niya.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon