Kabanata 22

3.9K 205 23
                                    

Hindi pa din maalis sa isip ko ang aking nalaman. Ngayon alam ko na ang sagot sa mga regalong ipinapadala sa aming tahanan. Ang mga regalong iyon ay para talaga kay felicia na nagpapakilalang celestina sa mga tao. Bukod sa mga kaibigan ni celestina, si eduardo chua at ang kanilang kasambahay ay wala ng nakakakita pa sa tunay n celestina agoncillo. Ginagamit iyon ni felicia kaya naman may mga lalaking nanliligaw sa kanya.

Hindi ko lubos maisip kung bakit pa niya kailangang manloko ng mga tao, gayong pwede naman siyang magpakilala bilang ang tunay na siya, si felicia.

"Ang lalim ng iyong iniisip binibini" sabi ni teresita ng lumapit siya sa akin. Siya ang kaibigan ni celestina na may lahing insik.

Napailing ako bago ko siya nginitian. "Wala ito" sambit ko.

Kagaya ko ay napatingin din siya sa malayo. Pareho kaming nakaupo sa may damuhan habang pinapanuod ang iba pa naming mga kaibigan na masayang lumalanggoy.

"Naniniwala ka ba sa pagkabuhay pagkatapos mamatay?" Kaagad na tanong ko sa kanya.

Napangiti ito at napakibit balikat. "Hindi ko alam" sagot niya za akin kaya naman napanguso ako.

Napabaling siya sa akin. "Ikaw ba?" Balik na tanong niya sa akin.

Mabilis akong tumango tango. "Totoo..." paninigurado ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang ngumiti.

"Sa iyong tingin, tayo tayo pa din ba ang magkakaibigan kung sakali?" Tanong niya pa sa akin.

"Nasisigurado ko" sagot ko sa kanya kaya naman napaiwas na lamang ito ng tingin habang nakangiti.

"Sana nga" malungkot na sabi niya sa akin kaya naman kaagad nawala ang ngiti sa aking labi.

"May problema ba?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

"Bilang insik na babae, wala akong magagawa kundi ang sundin ang utos ng aking mga magulang, tanggapin kung ano ang ibigay nila sa aking kapalaran" mahabang paliwanag niya sa akin pero kumunot lamang ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko pa sa kanya pero napabuntong hininga na lamang ito at tsaka tumayo.

"Kalimutan mo na ang sinabi ko" nakangiting sabi niya pa sa akin at tsaka ako niyayang makilangoy na din.

Pinanuod ko na lamang silang magsaya. Natutuwa ako at kasama ko pa din sila hanggang ngayon. Hindi nga lang nila alam ang 2019, pero masaya ako at nandito pa din sila.

Hanggang sa naalala ko anh sinabi sa akin nuon ni ginoong antonio.

Isa sa iyong mga kaibigan ang magtataksil sayo

Muli akong napaisip at tiningnan isa isa ang aking mga kabigan. Wala ni isa sa kanila ang nakakitaan ko na makakagawang pagtaksilan ako, sa kahit anong bagay ay hindi ko lubos maisip na may gagawa nuon. Minsan na din niya akong sinabihan na layuan ang aking kaibigan na si theresa. Pero wala akong maisip na dahilan na pwedeng pagmulan namin ng away.

"Bakit hindi ka lumanggoy kasama namin binibini?" Tanong ni andelia sa akin.

"Kagagaling ko lamang sa sakit kahapon" paalala ko sa kanya.

Napatango ito. Habang inaayos ang kanyang damit ay napatingin ako sa kamay nito.

"Anong nangyari sa iyong mga kamay?" Nagtatakang tanong ko sa kamay nitong puno ng sugat.

Tipid niya lamang akong nginitian. "Dahil ito sa aking paglalaba. Hindi naman lingid sa kaalaman niyong isa akong alipin sa tahanan ng mga cortes" sabi nito tukoy sa aming kaibigang si natalia. May lahi silang spanish, dala na din na minsan ng sinakop ng espanya ang pilipinas.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon