Kabanata 8

5.5K 281 30
                                    

"Bakit napaka tahimik mo, binibini?" Tanong sa akin ni Ginoong Antonio habang busy ako sa pagtulong kay Elena sa paghahanda ng aming magiging hapunan.

Tipid ko itong nginitian at tsaka ko siya inilingan. "Pagod lang" tipid at tamad na palusot ko sa kanya.

Mukha namang hindi nito binili ang aking sinabi dahil nanatili pa din sa akin ang kanyang naninimbang na mga mata. "Paano kung hindi talaga ako si Celestina?" Tanong ko sa kanya in a nice way na hindi ako magmumukhang bitter.

Kitang kita ko ang pagtaas baba ng adams apple nito sabay iwas ng tingin. "Nasisigurado kong ikaw iyon, Binibini" paninigurado niya sa akin without looking at me.

"Paano nga ku..." hindi ko na napagpatuloy ang pamimilit ko sa kanya ng marinig ko ang pagdating ni Elena.

"Ayos ka lang?" Nagaalalang tanong niya sa akin kaya naman napayuko na lamang ako.

"Oo naman" pagsisinungaling ko sa kanya.

"Yung ibang gamit ni Ginoong Antonio ay nasa bodega pa sa baba, hinahanap ko pa ang susi dahil biglaan din ang pagkamatay ni Lolo," paumanhin ni Elena sa akin.

Tanging piling gamit lamang ni Ginoong Antonio Buenvaentura ang aming nakita dahil nakatago daw ang iba pang mahahalagang gamit niya.

Buong araw kong hindi pinapansin si Ginoong Antonio sa aking tabi. Ni ang tingnan nga siya ay hindi ko magawa, paminsan minsan ay mawawala ito marahil ay naglilibot libot. Pero nararamdaman ko pa din ang mga tingin nito sa akin sa malapit man o malayo.

"Mag kamukha naman kayo ng Ate Agatha mo ah" puna ni Elena.

Napanguso ako dahil sa kanyang sinabi.

Mas higit siya...sa lahat ng bagay mas higit siya sa akin.

Simula bata palang palagi na kaming pinagkukumparang dalawa. At simula bata pa lang palagi na akong kulelat, na kesyo mas maganda, mas matalino, mas mabait. Ni ultimo mas matangkad, mas masipag, mas mahinhin, mas palangiti daw si ate agatha kesa sa akin.

Mas ligawin din siya at mas pansinin.

"Tsaka malayong mangyaring si Agatha ang reincarnation ni Celestina Agoncillo. Dahil kung si Agatha nga iyon...bakit ikaw ang magpapabalik kay Ginoong Antonio Buenaventura?" Panghahamon niya sa akin.

Malungkot ko siyang tiningnan. "Elena, hindi tayo nakakasigurado diyan, ni hindi nga natin alam kung ano talaga ang nangyayari," paliwanag ko sa kanya.

Ang lahat ng ito ay misteryoso pa din para sa akin. Na kung bakit kailangan kong makita si Ginoong Antonio, na kung bakit kailangan ko pang malaman ang reincarnation na iyan.

"Ang galing nga eh...kakaiba ang love story mo Lestine" parang kinikilig pang sabi nito na sobrang ngiting ngiti.

"Baka nga hindi sa akin eh" malungkot na bulong kong hindi na narinig pa ni Elena.

Nang halos mag aalas nuebe na ng gabi ay nagpasundo na ako kay Papa. Luluwas din kasi ako ng manila bukas para sa class meeting namin about sa gagawin naming play. May price kasi ang mananalong section kaya naman sobrang kinacareer iyon ng lahat.

"Babalik ako dito sa susunod na biyernes Elena, tapos kung gusto mo sama ka din sa akin sa manila minsan" paganyaya ko sa kanya.

Ang alam ko kasi ay ni hindi lumalabas ng Malolos si Elena, simula bata dito na umikot ang kanyang mundo kaya naman gusto ko naman siyang ipasyal para makakita naman siya ng ibang lugar.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon