"Sa halos apatnapung taong pananakop ng mga americano sa ating bansa ay marami din tayong natutunan mula sa kanila" paguumpisa ni Sir samuel ang aming history class professor.
Actually ay wala naman talaga akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya. Lumilipad pa din kasi ang aking utak sa mga narinig ko sa kanya nuong nakaraang araw tungkol kay ginoong antonio.
"Marami din silang university na naitayo, Thomasites ang tawag sa mga unang guro na ipinadala ng estados unidos para makapagturo dito sa pilipinas. Dumating sila dito nuong Agosto 23, 1990 sakay ng barkong S.S. Thomas" dugtong pa niyang muli. Little by little unti unti ko nang nagugustuhan ang history class namin, hindi dahil sa mga lesson kundi matagal ko nang gusto ang maging mala-detective conan.
"Titig na titig kay sir ah...attentive" natatawang bulong sa akin ni andrea na ikinairap ko na lamang.
Madal kasi nila akong pagtawanan dahil kung minsan ay hindi ko na talaga mapigilan ang aking kaantukan kaya naman nakakatulugan ko ang paglelecture ni sir. Minsan ay gigising na lamang ako na nasa kalagitnaan na nang paglabas ng classroom ang mga kaklase ko.
"Antok na antok na ako" tamad na tamad na bulong ni anamarie sa aking likuran.
Halos gusto kong paguntugin yung dalawa dahil sa pambabad influence nila sa akin. Nangaasar pa ang mga loko, hindi lang nila alam kung gaano ko na din gustong makalabas sa classroom namin ang kaso ay hindi ko talaga maalis sa aking isip ang nga narinig ko mula kay sir samuel.
"Taong 1903 ng naitayo ang bureau of education na unang pinangunahan ni Dr. David Barrow. Nuong panahon ng mga americano ay kumalat ang American Soldier ang unang pahayagang americano nuong agosto 10, 1898. Hindi nagtagal ay nagkaroon din ng unang babasahin ang pilipinas sa pamamagitan ni Vicente Sotto ng cebu noong 1915 na tinawag na The independent" pagpapatuloy ni sir samuel na hanggang ngayon ay ni isa wala akong naintindihan.
Marami pa siyang sinabi sa amin. Lahat ng iyon ay hindi tinanggap ng aking utak dahil malakas ang kutob ko na may mali kay sir samuel. Sa klase ng kanyang pananalita at mga layunin ay parang impossible ng pagkatiwalaan ko pa siya.
"For your assignment class i want you to search The independent kahit sample lang" sabi niya sa amin.
Busy ako sa pagliligpit ng aking mga gamit ng may sinabi ulit ito dahilan kung bakit ang mga kaklase kong nakatayo na ay muli pang umupo. Kung may jetpack lang talaga ang mga ito siguradong kanina pa kami ubos dito sa loob ng room dahil sa pagtakbo.
"The department approved the A play for a cost na gaganapin sa ating university main auditorium, i want you guys to think kung ano ang pwede nating iplay, magiging busy din tayo sa magiging pagpili ng ating mga magiging lead role" anusnyo niya kaya naman napahinto ako.
"Play?...as in parang sa mga theather?" Paninigurado kong tanong kay kristel ng nakasquat itong umupo sa aking harapan dahil sa hindi na siya makadaan kanina, nagmamadali na kasi iting umuwi.
Napatango ito. "Pang high school ang putek" sabi ni kristel habang natatawa.
Napatingin ako kay sir samuel na busy na ngayon sa pagaayos ng kanyang mga gamit. "Next meeting na natin pagusap ang mga details about diyan, for now you may go" sabi niya at nauna pang lumabas sa amin.
Dumiretso kami ng library ng mga kaibigan ko, hindi para magreview kundi para matulog dahil halos apat na oras ang break namin ngayon. Wala naman kaming quiz sa mga susunod na subject kaya naman malaya naming magagawa ang gusto naming gawin.
Kanya kanyang pwesto ang mga kaibigan ko sa sofa sa loob ng library. Malamig kaya naman siguradong mapapasarap ang tulog namin neto. Sa aking pagpikit ay hindi ko sinasadyang maisip si ginoog antonio.
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Historical FictionHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...