Kabanata 32

3.9K 189 13
                                        

Para akong nabato dahil sa aking narinig. Maging ang aking paghinga ay nahigit ko din. Paano nasabi ng ester hidalgo na iyon na ako ang nagpalason sa aking pamilya.

Hanggang sa maalala kong si felicia nga pala ako ngayon. Kami lang ng totoong felicia ang nakakaalam ng mga tunay naming mga katauhan sa bahay na ito.

Dahil sa kaba at takot ay wala na akong nagawa kundi ang mabilis kong kinuha ang mga nakaempake ng mga damit ko at kaagad na lumabas ng bahay. Abot abot ang aking takot na mahuli ako kaya naman ingat na ingat ako sa paglabas. Nang makita kong nakapasok na ang nga sundalo sa loob ng bahay ay kaagad na akong tumakbo palabas ng bakuran.

Walang lingon lingon ang aking ginawang pagtakbo. Mas binilisan ko pa kahit pa hingal na hingal na ako. Ano mang oras ay malalaman na nilang wala na ako sa bahay ay paniguradong sa mga oras na ito ay pinaghahanap na nila ako. Wala akong ibang napuntahan kundi ang bahay ng mga buenaventura. Si ginoong antonio lamang ang naisip kong takbuhan.

"Magandang umaga, nariyan ba si ginoong antonio?" Hinihingal na tanong ko sa maga kasambahay ng mga ito na nagwawalis sa may bakuran. Sandali silang nagkatinginan na dalawa, marahil ay nagtataka dahil sa aking itsura. Yakap yakap ko pa sa kanang kamay ko ang bayong na kahon na naglalaman ng aking mga damit.

"Wala rito ang ginoo, nasa may bahay panuluyan ng gobernador heneral" sagot nila sa akin kaya naman kaagad akong napamura.

"Shit naman..." kinakabahang sambit ko.

Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo ng tumakbo ulit. Hanggang sa natanaw ko ang mataas na tore ng kampana ng simbahan ng sta. Isabel. Tumakbo ako patungo duon at tsaka maingat na umakyat sa tore. Mabuti na lamang ay naranasan ko na iyon sa taong 1946 sa tulong ng batang lolo raul.

Habol habol ko ang aking hininga habang nagpapahinga. Mabilis na lamang akong napasalampak sa may taas nuon. Maingat akong sumilip pababa pero napapikit na lamang ako ng mariin dahil sa takot sa taas nuon.

Napabuntong hininga na lamang ako bago ako napatingala sa langit. "Nasaan ka na ginoong antonio?" Tanong ko sa kawalan.

Nabalot ng takot ang aking dibdib. Pero sa tuwing iniisip kong ano mang oras ay pupuntahan na ako dito ni ginoong antonio ay lumalakas muli ang aking loob.

Napausod ako padikit sa pader ng tore nh makarinig ako ng sigawan sa ibaba. Mga sundalong pilipino iyon. Mukhang ako ang hinahanap. Napa sign of the cross na lamang ako at napadasal. Hindi pa ako pwedeng mamatay, kailangan ko pang malaman ang susi para maging maayos ang hinaharap nina ginoong antonio at celestina.

Hindi nagtagal ay nakita ko na ang pagtirik ng araw. Nasa masyado ng itong mataas kaya naman naramdaman kong magaalas dose na ng tanghali. Natigil ako sa aking pagmumuni muni ng makarinig ako ng paghinto ng kalesa mula sa ibaba.

Dahan dahan at maingat akong sumilip sa ibaba at kaagad na nabuhay ang loob ko ng makita ko ang pagpasok ni ginoong antonio.

"Felicia" seryosong pagtawag niya sa akin.

"Psst!" Pagtawag ko sa kanya kaya naman kaagad siyang tumingala.

Kita ko ang pagkagulat nito ng makita niya kung nasaan ako. "Paano ka napunta diyan? Baka mapahamak ka" nagaalalang sabi niya sa akin pero ramdam na ramdam ko ang pagkaseryoso nito.

Nginitian ko pa din siya. "Tabi diyan ginoong antonio" sigaw ko sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo, pero kaagad din namang umusod. Nang makita kong safe na ay kaagad kong ibinagsak pababa ang kahong bayong na naglalaman ng aking mga damit. Dahil duon ay mabilis na akong nakababa.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon