Halos hindi maipinta ang mukha ko dahil sa sobrang pagtataka. Hindi ko lubos maisip kung paano nangyaring nabuhay siya sa taong 1899 at 2019.
"Paano po nangyari iyon? May alam po ba kayo sa kwentong ito?" Tanong ko pa sa kanya.
Napangisi ito. "May mga bagay talaga na hindi natin kayang ipaliwanag celestine. May mga pangyayari sa mundo na hindi natin kayang controlin" sabi pa niya sa akin kaya naman napatahimik na lamang ako. Nanatiling nakatingin sa kanya.
"May koneksyon po ba kayo kay Joselito Agoncillo?" Panguusisa ko pa sa kanya.
"Kung nandito ako ngayon sa kwentong ito celestine, ibig sabihin ay isa lamang din akong tauhan...wala akong kakayahang baguhin kung ano man ang nandito" pagpapaliwanag pa niya sa akin.
"Pero, paano po nangyaring dalawang beses kayong nabuhay? At alam niyo ang tungkol sa nakaraan niyong buhay...hindi po ba't napakaimpossible nuon?" Nagtatakang tanong ko pa sa kanya.
Napakibit balikat ito. "Hindi ko din alam celestine, kagaya mo ay tauhan lamang din ako sa kwentong ito. Ginagawa at gumagalaw base sa takbo ng istorya ng nagsusulat" sabi pa niya sa akin.
Madaming tanong ang gustong lumabas sa aking bibig, pero dahil sa sobrang dami ay hindi ko na alam kung ano ang aking uunahin. Hindi ko halos mahanap kung ano ang mga salitang dapat ko sanang sasabihin.
"Pero bakit po ako? Sa dinamirami ng tao...anong koneksyon ko sa istorya na ito? Anong kuneksyon ko sa mga agoncillo kay ginoong antonio?" Tuloy tuloy na tanong ko sa kanya.
Kahit papaano ay gumaan ang aking kalooban. Teacher ko siya sa history, at hindi nawala ang pagiging father figure niya sa amin. Kaya naman para akong nagkaroon ng sumbungan ngayon.
"Hindi ko din alam celestine, hindi ko din alam kunh bakit sa dinami rami ng babae sa taong 2019 ay ikaw ang napili para bumalik dito?" Sabi pa niya sa akin.
Napakunot muli ang aking noo. "Kung ganuon, sino po ang pumili sa akin?" Tanong ko sa kanya.
Tinitigan niya ako, ang kanyang mga mata ay nangungusap. "Isipin nating mabuti, sino ba ang nagtungo sa taong 2019 para humingi ng tulong sa iyon?" Tanong niya pa sa akin kaya naman muli akong napaisip at kaagad na nanlaki ang aking mga mata at nabato ng kaagad na pumasok sa aking isip si ginoong antonio.
"Si ginoong antonio" sambit ko.
"Marahil ay nasa kanya ang susi. Subukan mong itanong sa kanya ang mga itinatanong mo sa akin celestine, malalaman natin" suwestyon pa niya sa akin kaya naman kaagad akong napatango sa kanya.
"Isipin mong mabuti celestine, sa lahat ng nangyayaring ito sino ang pinakamakikinabang?" Tanong pa niya sa akin kaya naman muli akong napaisip.
Kinuha ni sir samuel hidalgo ang pagkakataon na iyon para tuluyan na akong iwanang magisa duon. Parang may kung anong laban sa utak ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong unang isipin.
Ilang oras din akong magisa duon sa aking maliit, madilim at tahimik na selda. Ang magbibigay liwanag lamang duon ay ang maliit na bintana sa may kahoy na pintuan at ang mataas na bintana sa may pader.
Nakaramdam ako ng pagkauhaw at gutom, ni tubig ay hindi nila ako binibigyan. Mahirap pala talagang maging isang preso, kung ituring ka nila ay para kang isang hayop. Ang mas lalong nagpapasakit pa duon ay ang pagdusahan ang isang bagay na hindi ko naman talaga ginawa.
Ilang oras pa ang nakalipas ng kaagad kong marinig ang malambing na boses ni ginoong antonio.
"Binibini..." malambing na pagtawag niya sa akin.
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Historical FictionHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...