Kabanata 37

3.8K 186 38
                                    

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi sa akin carlita. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganuon na lang ang pagpapaintindi sa akin ni Joselito tungkol sa pagsuko. Kailangan kong magpabitay sa gitna ng Plaza Ibañez, at wala ng mas nakakatakot na bagay pa duon bukod sa hahayaan mong maramdamang malagutan ng hininga dahil sa pagkakabitay.

Mas pinili kong mapagisa. Lahat naman ay tahimik, lalo na't hanggang ngayon ay hindi pa din lumalabas si ginoong antonio sa kanyang kwarto dahil sa pagkamatay ng kanyang inang si donya consolascion.

Tahimik akong nakatingin sa malayo ng kaagad na tumabi si elena sa akin. Yumakap muna ito sandali bago siya nagsimulang magkwento.

"Ayaw maniwala ni Simoun na galing tayo sa 2019" nakangiting sabi niya sa akin pero ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses.

Napatingin ako sa kanya habang punong puno ng simpatya ang aking mga mata. Nararamdaman ko ang lungkot ni elena, at naiintindihan ko iyon. Kahit ako ay nalulungkot na din ngayon, isipin ko pa lang na iiwan din naman ang lahat ng ito sa takdang panahon.

"Malapit na tayong umalis elena..." paalala ko pa sa kanya.

Napabuntong hininga ito at tsala siya napatingin sa malayo. "Pakiramdam ko dito ako nababagay" sabi niya sa akin kaya naman napauwang ang bibig ko at tsaka ko siya dahan dahang nilingon pero sa malayo pa din siya nakatingin.

"Elena..." mahinang tawag ko sa kanya.

"I felt like home" sambit pa niya kaya naman kahit isang salita ay walang may gustong lumabas sa aking bibig. Nanatili akong nakatingin sa kanya at nakikinig.

"Wala naman na akong babalikan pa duon, dito pakiramdam ko buong buo ang pamilya ko, kumpleto" paliwanag niya sa akin.

Dahan dahang tumulo ang luha sa aking mga mata. "Elena, andito pa naman ako. Di ba...bestfriends tayo?" Umiiyak na tanong ko sa kanya.

Tumatawa ako nitong binalingan pero kita ko din ang pagkislap ng kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang pagluha. "Oo naman, ikaw lang naman ang nagiisang kaibigan ko eh" sabi pa niya sa akin tsaka kami nagtawanan bago niya ako niyakap ng mahigpit.

"May oras pa naman ako para magisip, wag kang magalala...nasa listahan ka ng kailangan kong iconsider. Unang una ka" paninigurado pa niya sa akin.

Nagyayakapan kaming dalawa hanggang sa mapansin namin ang paglapit ng dalawang bulto papasok sa may baluarte de santa isabel.

"Sini simoun at joselito ba iyon?" Hindi siguradong tanong sa akin ni elena kaya naman kaagad ko ding sinipat iyon ay tsaka namin nakumpirma na sila ngang dalawa iyon. Mabilis kaminh tumakbo ni elena para tulungan sila.

Halatang pagod na pagod ang dalawa, hingal na hingal at mukhang gutom pa. Mabilis na inakay ni Elena si simoun samantalang ako naman ay kaagad na lumapit kay joselito na hanggang ngayon ay iniinda pa din ang kanyang sugatang tuhod.

Naunang nakapaglakad si Simoun at elena samantalang kami naman ni Joselito ay nahuhuli. Ramdam ko ang kanyang mga tingin sa akin pero hindi ko na lamang pinansin. Ang mahalaga ngayon ay madala namin sila sa loob para magamot ang sugat niya at makakain sila.

"Isang pagkakataon nanaman ang pinalagpas mo celestine" sabi niya sa akin na may halong pagaakusa.

Bayolente akong napalunok. Ayoko sana siyang sagutin ngayon dahil ayoko na munang lumaki pa ang gulo, ayoko na munang isipin pa iyon. Pero hindi talaga tumigil si joselito para kunsensyahin ako.

"Sinabi ko na sa iyo lestine, makakalaban mo ang iyong sarili dito. Masyado mong pinairal ang emosyon kesa sa misyon" sabi pa niya sa akin kaya naman napakurapkurap ako. Nakaramdam kaagad ako ng hiya dahil sa kanyang sinabi. Tama si joselito. Hindi ko na dapat pa hinayaang lumalim ang nararamdaman ko para kay ginoong antonio.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon