Ilang minuto bago ang nakatakdang pagbitay sa akin ay wala na akong ibang nagawa kundi ang magdasal na lamang. Sa mga oras na ito ay mararansan ko kung paano talaga mamatay. Kung ano ang pakiramdam na malagutan ng hininga.
Mula sa aking pagkakapikit ay kaagad na sumalubong sa akin ang malungkot na mukha ni ginoong antonio buenaventura. Malamlam ang kanyang mga mata, nangungusap ang mga ito. Suklian ko pa lang ang pagtitig niya ay parang maiiyak na ako. Ang mga mata naming nagungusap ay punong puno ng emosyon. Kaya naman sa huli ay wala na akong nagawa kundi ang maiyak at mapayakap na lamang sa kanya.
Kaagad niyang sinuklian ang mahigpit kong pagkakayakap sa kanya. Ang aking mukha ay kaagad na sumobsob sa kanyang dibdib siya naman ay kaagad na nagtago sa aking kanang leeg. Ramdam namin ang parehong paguga ng aming balikat dahil sa pagiyak.
"Hindi mo kailangang gawin ito..." garalgal na sabi niya.
Hindi ako nakapagreact, mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap sa kanya. Mahigpit na mahigpit ang ginawa kong pagyakap dahil alam kong huli na ito. Wala ng susunod pa dahil hanggang dito na lang ako.
"Wag mong gawin ito Celestine" umiiyak na sabi pa din niya.
"Kailangan, para ito sayo" sabi ko sa kanya. Madiin kong ipinaintindi sa kanya na ang bagay na ito ay gagawin ko para sa kanya.
"Wala akong ibang hihilingin kundi ang maging masaya ka, maluwag sa akin ang aking pagalis dahil alam kong para sa iyo ito" paliwanag ko pa sa kanya.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. "Bakit kailangang mawala ka pa?" Malungkot nasambit niya.
Humiwalay siya ng yakap sa akin. Itinaas ko ang magkabila kong kamay para ikulong ang kanyang mga pisngi sa aking palad.
"Hindi ako para dito, wala ako sa sarili kong kwento. Kwento mo ito, ninyo ni Celestina Agoncillo" pagpapaalala ko pa sa kanya.
Titig na titig siya sa akin na para bang sa isang pagkurap niya ay pwede na akong mawala.
"Paano kung ikaw na ang gusto ko? Ikaw na ang tinitibok ng aking puso..." pagpapaintindi pa niya sa akin.
Sunod sunod na tumulo ang aking mga luha. Napayuko ako para itago ito. Sa huli ay dahan dahan akong napailing.
"Hindi pwede ginoong antonio. Mali ang lahat ng ito" sabi ko pa sa kanya kaya naman nakita ko ang pag guhit ng sakit sa kanyang mukha.
Nagtaas baba ang kanyang adams apple, batid kong naghahanda siya para magsalita.
"Kung para sa iba ay mali ito, iba ang aking nararamdaman binibini. Tama ang lahat ng bagay sa tuwing kasama kita" seryosong sabi niya sa akin kahit pa tuloy tuloy din ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Nasa isip ko pa lang ang sasabihin ko ay nasaktan na din ako. "Pagumalis ako, makakalimutan mo na din ako...makakalimutan mo na din ang nararamdaman mo para sa akin" sabi ko pa sa kanya.
Nagtiim bagang ito. "Hindi basta basta ang nararamdaman ko para sayo binibini. Kaya naman kung inaakala mong makakalimutan kita ng ganun ganun lang, diyan ka nagkakamali" laban pa niya sa akin kaya naman hindi na ako nakapagsalita pa.
Napatigil kami sa paguusap ng kaagad naming marinig ang tunog ng kampana, tinatawag nila iyong tunog ng kamatayan. Hudyat iyon na maguumpisa na ang pagpaparusa sa mga nasasakdal. Mas dumoble ang kapal ng mga nanunuod na tao.
Pangatlo ako sa bibitayin. Inakay na ng dalawang sundalo ang unang bihag. Nagwawala ito at nagmamakaawa na wag siyang patayin, pero huli na dahil kahit anong sigaw pa niya ay tuloy na tuloy ang pagbitay. Sa kabilang banda ay kitang kita namin ang nagiiyakan niyang mga pamilya.
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Fiksi SejarahHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...