Kabanata 2

8.7K 382 44
                                    

Sobrang bilis ng aking naging pagtakbo palabas duon sa may simbahan. Habol habol ko ang aking hininga pagkahinto ko sa labas mismo ng simbahan at ng masigurado kong marami ng tao.


"Hoy lestine!" Sigaw na tawag sa akin ng aking mga kaibigan na ngayon ay tumatakbo na din palapit sa akin.

"Baliw ka, ang sama tuloy ng tingin sa amin nung mga matatandang babae dahil sa pag sigaw mo" sita sa akin ni mae.

Hindi ko sila kaagad na nasagot dahil pa rin sa aking pagkahingal. "Ano ba kasing problema?" Tanong ni theresa sa akin.

Tiningnan ko siya at tsaka ako ulit tumingin sa loob ng simbahan. Wala na ang lalaking nakita ko duon kanina.

"May multo duon" sabi ko sabay turo.

Imbes na matakot ay tinawanan pa nila ako. "Multo ka diyan! Ang aga aga pa eh!" Natatawang sabi ni kristel sa akin at tsaka sila nagumpisang mapailing.


Dahil sa aking pagkainis ay napaayos ako ng pagkakatayo. "Kamukha ni antonio buenaventura ang multong nakita ko" seryosong sabi ko sa kanila na naging dahilan kung bakit napatigil sila.


Mabilis silang nagkumpulan sa aking harapan kaya naman nakasimangot akong napahalukipkip. "Ano?" Panghahamon ko sa kanila.

"Totoo ba lestine?" Namananghang tanong ni lily. Isa sa pinakamatatakutin sa amin na sumunod kay mae.


Tinaasan ko sila isa isa ng kilay. "Eh ano naman ngayon kung totoo?" Pagmamayabang ko sa kanila.

Nginusuan ako ni andrea, "Ayaw ko daw kasi sa kwento nila ni Celestine kaya ka tuloy minumulto!" Pangaasar pa niya sa akin na lalong naging dahilan ng aking pagkakilabot.

"Tigilan mo nga ako, hindi totoo ang multo noh!" Laban ko sa kanya.

Hindi sila matigil sa pagtatanong sa akin. Sa totoo lamang ay hindi din malinaw sa akin ang lalaking nakaharap ko kanina. Sa klase ng kanyang suot na damit, ng kanyang maamong mukha at klase ng kanyang pananalita. Sobra talaga iyong nakakapangilabot.

Lalo na at kahawig na kahawig niya ang litratong iginuhit ni mang raul sa kanyang nasirang kaibigan na si Ginoong antonio.

"Puntahan ulit natin si mang raul! Ikwento natin sa kanya ang nakita mo...baka may masabi siya" si andrea na halatang excited na excited pa.

Marahas akong umiling. "Hinde...ayoko kumain na tayo ng mirienda sa bahay nila tita at ng makabyahe na tayo pabalik ng manila" masungit na sabi ko sa kanila.

Nagtakbuhan ang mga ito ng unti unti naming naramdaman ajg pagambon. "Masikain na kayo...ako mismo ang gumawa ng mga kakaning iyan" sabi ni tita kaya naman nagsikain na kami.

Tahimik lamang akong kumakain ng mapansin kong parang may nakatingin sa akin sa malayo. Hindi ko pinahalata na nararamdaman ko siya pero sa totoo lang ay kinikilabutan na talaga ako.

Halos mapasigaw ako ng kinalabit ako ni anamarie. "May sinabi ba ang multo ni antonio sayo?" Tanong na pangaasar niya sa akin.

Napairap tuloy ako sabay padabog na sinubo ang malaking kakanin sa aking bibig para magkaroon ako ng dahilan para hindi siya sagutin.

"Kinagagalak kong muli kang makita aking mahal"

Nagtaasan nanaman ang aking mga balahibo dahil sa naalala. "Wala namang multong nakakapagsali..." maging ako ay napahinto sa aking sasabihin.

Tama! Wala namang multong nakakapagsalita, ngunit kinausap niya ako at nginitian pa nga!

"Hala lestine, baka naman kahawig lang ni ginoong antonio ang nakita mo" pangungunsensya sa akin ni mae.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon