Kabanata 7

5.6K 267 18
                                    

"Anong nangyari sayo?" Tanong sa akin ni andrea.

"Ha? Wala..." magulong sagot ko sa kanya.

Napanguso na lamang ito dahil sa magulong sagot ko sakanya. Kanina pa ako lutang dahil sa aking mga nabasa. May kulang pa...yun ang patuloy na tumatakbo sa aking isipan. Hindi pa kasi ako nahuhusto sa mga iniwang salita ni mang raul, may kulang pa duon, may gusto pa akong malaman.

Hindi maalis si ginoonh antonio sa aking isipan, hindi tuloy ako makapagconcentrate sa aming lecture, midterm pa naman namin sa susunod na linggo at heto ako lumilipad nanaman ang isip.

"Lutang ang putek!" Kantyaw sa akin ni kristel.

Nginusuan ko na lamang siya at tsaka inirapan. Hindi ko kasi alam. Sobrang bigat sa aking dibdib ng malaman kong nagpakamatay mismo si ginoong antonio, siya mismo ang kumitil ng kanyang buhay para kay celestina.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, hahangaan ko ba yung pagmamahalan nila o maiinis ako dahil nagawa niyang ibuwis ang buhay niya para dito. Nakakapagselos tuloy, ang swerte naman talaga ni celestina at mahal na mahal siya ni ginoong antonio.

"Kamusta na nga po pala si elena?" Tanong ko kay mama pagkauwi ko sa bahay.

Busy ito sa paghahanda ng aming hapunan, hawak hawak ko ang aking handouts habang pinapanuod ko siyang magayos ng dinning table namin. "Ayos naman na siya, nakauwi na ang tiya hilda niya, mabuti na lamang at hindi ito napuruhan" kwento nito sa akin.

Napatango na lamang ako sa kanya. "Mabuti naman kung ganuon, kamamatay pa lang ni mang raul" sambit ko.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa pero ramdam na ramdam ko ang pagtingin nito sa akin. "Kamusta ka na?" Tanong niya na ikinagulat ko.

Hindi kasi normal sa amin ang magkamustahan lalo na't nasa iisang bahay lang naman kami. Tsaka para sa amin corny tingnan iyon kaya nama nagulat ako kay mama.

"Ako pa ba? Edi ayos lang" pagmamayabang na sabi ko pa sa kanya para itago ang aking tunay na nararamdaman.

Inirapan ako nito, nangaasar. "Ok lang...alam naman namin na sobra kang nalulungkot sa pagkawala ni arlene. Ang sa amin lang eh sana wag mong kakalimutang nandito lamang kami palagi para sayo celestine" si mama na sobrang corny talaga.

Halos lumuwa ang eye balls ko kakairap sa kanya. "Kailan ka pa naging corny mama..." natatawang sambit ko dito dahil nagugulat talaga ako sa kanya.

Pinanlakihan ko siya ng mata ng binitawan nito ang hawak hawak na mga plato at marahang lumapit sa akin. "Celestine anak...wag naman sanang maisipan mong magsuicide" sabi nit na ikinagulat ko.

Sa sobrang pagkagulat ay nabato ako, pero hindi din nagtagal ay tinawanan ko siya ng malakas.

"Ma naman eh!" Hiyaw ko sabay tawa. Malakas na tawa na may kasama pang paghampas. Malakas natawa na unting unting humihina, malakas na tawa na unti unting naging garalgal. Yung tawa na unting unting naging hikbi hanggang sa umiiyak na ako sa harap ni mama.

"Celestine!" Hiyaw niya sa akin sabay hampas sa braso.

"Kakasabi ko lang na..." hindi ko na siya pinatapos pang magsalita, kaagad na akong yumakap sa kanya.

"Feeling ko kasalanan ko kung bakit nawala si arlene" umiiyak na sabi ko dito.

Sinuklian nito ang yakap sa akin kasabay ng paghagod niya sa aking likuran. "Lahat naman tayo ganyan ang iniisip eh, pero celetine anak walang may kasalanan, wala namang may gustong mangyari ito eh...aksidente ang lahat" pagpapaliwanag sa akin ni mama.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon