Kabanata 35

4K 199 14
                                    

Kaagad akong nagpanic. Si ginoong antonio ay parang biglang nabato sa kanyang kinatatayuan. Sa maikling panahon at hindi niya na mamalayang unti unting nawawala na sa kanya ang kanyang posisyon.

"Anong gagawin natin?" Takot na tanong ko sa kanya pero bago pa man siya makasagot at tuluyang makapagsalita at nakarinig na kaagad kami ng ilang malalakas na pagkatok mula sa aming pintuan.

Sigaw ng sigaw ang mga ito sa labas. Sa paraan ng kanilang pagkakakatok ay alam mong hindi mo sila makakausap ng maayos. Nandito sila para hulihin kami, at natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari.

"Ginoong antonio, kailangan niyo ng makatakas" desididong saad ni macaraig kaya naman kaagad kaming nagtungo sa pintuan sa likuran.

"Hindi kita iiwanan dito macaraig, hindi ko hahayaang may mangyaring hindi maganda sa iyo" matapang na saad ni ginoong antonio.

Ngunit mukhang buo na ang desisyon nito. "Handa akong ibuwis ang aking buhay para sa inyo ginoo. Para sa pamilya buenaventura" matapang na sabi ni macaraig kaya naman napatameme si ginoong antonio.

Nagulat kaming lahat ng marinig na namin ang pwersahang pagbukas ng pintuan sa harapan. Kaya naman mabilis kaming itinulak ni macaraig.

"Hangad ko ang kaligayahan at mapayapang buhay para sa inyo, ginoong antonio at binibining Celestina" sabi niya sa amin kaya naman hindi ko na din napigilang hindi maging emosyonal.

Nawala na ako sa aking sarili kaya naman si ginoong antonio na ang humila sa akin para makatakbo kami palayo duon. Malawak ang bakuran sa likod ng tinutuluyan naming bahay sa baluarte de san andres.

Puro halaman at medyo matarik ang mga daan. "Magingat ka binibini" paalala niya sa akin habang patuloy kami sa pagtakbo.

Napadpad kami sa may gitna ng gubat kung saan may maliit na talon. Kaagad nagpalingalinga si ginoong antonio para makahanap ng lugar na pwede naming pagtaguan.

"Duon sa likod ng talon, duon tayo magtago" sabi niya sa akin sabay hila sa akin patungo duon.

Habol habol namin ang aming mga hininga nang nakarating at makapagtago na kami sa likod ng talon. Napahawak ako sa aking dibdib dahil dito.

Nang kapwa kami huminahon ay kaagad na naghari ang katahimikan sa pagitan namin ni ginoong antonio. Walang may gustong magsalita, kapwa namin pinakiraramdaman ang isa't isa.

Napaawang ang bibig ko at mabilis na nagsumiksik sa tabi ni ginoong antonio ng makarinig kami ng sigawan ng ilang mga sundalo sa labas.

Napalingon ako sa kanya at nakita ko din ang pagtingin niya sa akin. Kaagad akong nailang dahil dito pero hindi ko na pwedeng bawiin pa ang pagusod ko papalapit sa kanya.

"Pasencya" mahinang sambit ko at kaagad akong napayuko para makaiwas sa kanyang tingin.

"Sino ka nga ulit?" Seryosong tanong niya sa akin pero ang kanyang boses ay nakakapanindig ng balahibo.

Bayolente akong napalunok bago ko siya sinagot. "Ce...celestine garcia ng 2019" magalang na sagot ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito kung ganuon?" Tanong niya pa sa akin.

Dahan dahan ko siyang nilingon. "Dahil sayo ginoong antonio. Nandito ako para sayo" punong puno ng sinseridad na sagot ko sa kanya kaya naman nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo nito.

"Bakit naging dahil sa akin? Hindi kita maintindihan" naguguluhang tanong pa niya.

Napabuntong hininga ako. Ito na marahil ang tamang oras para maging totoo ako sa kanya. Tutal naman ay nasa gitna na kami ng laban.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon