Biglang na excite ang puso ko dahil sa aking narinig. Andito si ginoong antonio buenaventura sa taong 1946, ibig sabihin kung magkikita kaming dalawa ay pwedeng masagot na ang mga katanungang matagal na naming hinahanap.
"Maghanda ka, sa makalawala ay babyahe tayo patungo sa malolos" sabi ng isa sa aking mga kuya sa panahong ito na hindi ko pa din alam ang pangalan.
"Masusunod, ginoong Gregory" sabi ng sundalong bigla bigla na lamang dumating kanina.
"Sige na" sabi ni kuya na ang pangalan pala ay gregory. Nakakunot pa ang aking noo habang nagiisip nang bigla ako nitong lingonin.
"Ikaw cecilia...ano pang ginagawa mo dito?" Seryosong tanong niya sa akin. Nakakatakot siya, halatang strikto.
Napatingin ako sa kanya. "Pwede ba akong sumama sa malolos?" Sweet na tanong ko sa kanya, kung paano ako utuin ng mga kapatid ko pag may gusto silang hingin sa akin.
Kumunot ang kanyang noo. "Ano naman ang pakay mo sa malolos?" Tanong pa niya sa akin.
"Uhmmm, mamamasyal" sagot ko dito na mas lalong ikinakunot ng kanyang noo.
Napabaling siya sa isa ko pang kuya na hindi ko pa din alam ang pangalan.
"Agustine, ikaw na ang bahala sa nakababata nating kapatid" sabi nito at tsaka kaagad na nagwalk out.
Napanganga ako dahil duon. Dahan dahan akong napabaling kay kuya agustine.
"May kailangan ka pang gawing responsibilidad cecilia, tumulong ka na at manggamot" paalala niya pa sa akin kaya naman napanguso ako.
"Ayoko nun, puro dugo" pagmamaktol ko.
Dahil sa aking ipinakita ay napanganga ang aking kuya agustine. "Cecilia! Ano ba ang nangyayari sayo? Ayusin mo ang iyong tungkulin. Wag kang gagawa ng ano mang bagay na sisira sa pangalan ng ating ama" pagbabanta pa niya sa akin bago niya din ako iniwang magisa sa aking kinatatayuan.
Kahit labag sa aking loob ay muli akong bumalik sa tent na may naglalamang mga sugatang sundalo.
"Cecilia, ayos lang ba ang pakiramdam mo? Napapansin namin na kanina ka pa wala sa iyong sarili" puna sa akin ng kabaro kong babae.
"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya kaya naman napatawa ito.
"Ikaw talaga, palagi ka na lang nagbibiro. Oh siya, ako si Nelia" paguumpisa niya.
Maya maya ay nilingon pa niya ang iba pang babaeng naka uniform ng pang nurse.
"Ayun naman sina, Tisia at Ina" turo niya sa akin.
Napatango tango na lamang ako. Kung kilala na nila ako, ibig sabihin ay bumalik ako sa taong 1946 at nasa katawan ako ngayon ng isang babaeng nag ngangalang cecilia.
"Eh bakit ba tayo nandito sa kuta ng mga americano, hindi ba dapat ay ang mga sundalong pilipino ang tinutulungan natin?" Patuloy na tanong ko pa sa kanya.
Busy ito sa pagaayos ng kanyang mga gamit. "Alam mo namang sa pagpili ng ating mga magulang na sumapi sa mga dayuhang americano ay nakukuha nila ang kapangyarihang mamuno sa mga lungsod na hawak ng mga ito" paguumpisa niya.
"Pinagpalit nila ang bayan para sa kapangyarihan?" Panguusisa ko pa sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.
"Hindi ba at ganuon din naman ang iyong prinsipyo cecilia? Kaya nga pumayag kang magpakasal sa anak ng gobernador heneral ng bayan ng sta maria" sabi pa niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Fiksi SejarahHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...