Kabanata 20

4.2K 211 15
                                        

Kahit anong sabihin ko kay paulito ay hindi ito nakinig sa akin. Pinagpilitan pa din niyang sa kanya lang si cecilia. Hindi huminto ang pagagos ng aking luha hanggang sa dumating na ang araw ng kinakatakutan ko.

Marso 9, 1946

Maagang nabuhay ang buong bahay para sa preparasyon sa magaganap na kasal namin ni paulito alvarez. Hindi nawala ang takot sa akin, ngayon din ang araw na magpapakamatay si ginoong antonio buenaventura dahil sa pagaakalang hindi nabuhay si celestina agoncillo sa panahong ito.

"Lestine" nagaalalang tawag sa akin ni elena.

Hindi na ako nakapagsalita pa at napayakap na lamang sa kanya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko" umiiyak na sumbong ko dito. Siya lang ang pinagkukunan ko ng lakas ng loob.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung hindi ko kasama si elena ngayon.

Hinagod nito ang aking likuran. Hinayaan niya akong umiyak ng umiyak at ilabas ang lahat ng hinaing ko sa kanya.

"Magiging ayos lang ang lahat lestine, maiintindihan ni ginoong antonio. Ginawa mo naman ang lahat" pagpapagaan pa niya ng loob ko.

Napailing ako. "Hindi ko sila natulungan. Binigo ko siya" umiiyak pa ding paninisi ko sa aking sarili.

Umiling si elena habang pinupunasan ang luha sa aking mga mata. "Magiging proud pa din sayo si ginoong antonio kasi alam niyang sinubukan mo" pagpapalakas pa din niya ng loob ko.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Natahimik din si elena habang nakatitig sa akin. Napakunot ang noo ko ng mapansin kong may gusto itong sabihin sa akin pero kitang kita ko ang pagaalinlangan sa kanyang mukha.

"Elena may problema ba?" Tanong ko sa kanya pero napaiwas ito ng tingin.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan iyong pinisil. "Sabihin mo sa akin elena" pagpupumilit ko sa kanya.

Bayolente itong napalunok bago niya ako tuluyang hinarap. "Nahuli si agustine, hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon" nagaalalang kwento niya sa akin kaya naman nanalaki ang aking mga mata.

"Anong ibig mong sabihin?" Hindi pa din makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Sinubukan niyang puntahan si ginoong antonio, pero nahuli siya ng isa sa mga tauhan ni don carlos. Hindi ko na alam kung saan siya dinala" medyo naiiyak na kwento na niya sa akin.

Kaagad kong naikuyom ang aking kamao at mabilis na tumayo. "Teka lestine, saan ka pupunta?" Gulat na gulat na tanong ni elena dahil sa biglaan kong paghangos.

"Kakausapin ko si don carlos" matapang na sabi ko.

Walang pakundangan akong lumabas ng aking kwarto kahit na mahigpit na ipinagbabawal iyon. "Lestine " nagaalalang tawag sa akin ni elena. Pero wala ng nakapigil pa sa akin.

Sa may salas ko naabutan si don carlos habang may hawak na tobacco. Prenteng prente itong nakaupo sa kahoy na upuan.

"Nasaan ang aking kapatid?" Matapang na tanong ko sa kanya.

Napatingin ito sa akin, ramdam ko ang kanyang galit. "Itinago ko sa malayong lugar, tsaka lang siya makakabalik sa tahanang ito pag nakasal ka na kay paulito" sagot niya din sa akin kaya naman napaawang ang aking labi.

"Anong klaseng ama ka?" Hindi ko na napigilan ang aking sarili.

Mas lalong nagalit si don carlos. Tumayo ito para lumapit sa akin, hindi ako natinag nakipagsukatan pa din ako ng tingin sa kanya. Hanggang sa mawala ako sa wisyo ng makatanggap ako ng isang malakas na sampal.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon