Nakarating kami ni ginoong antonio sa plaza ibañez. Kahit papaano ay medyo naiilang pa din ako sa kanya. Pero sinubukan kong makipagusap ng maayos.
"Anong mga prutas ba ang paboritong kainin ni binibining celestina?" Tanong niya sa akin kaya naman kaagad akong napatahimik.
"Pasencya ka na ginoo. Pero hindi ko din alam, masyado kasing mailap si binibinibg celestina sa amin" palusot ko na lamang sa kanya pero kaagad na kumunot ang kanyang noo.
"Ang sabi niya sa akin sa kanyang mga sulat ay marami siyabg kaibigan, pero bakit ngayon parang wala pa akong nakikilala ni isa" pagtataka niya.
Bigla akong nataranta, hindi ko alam ang dapat kong isasagot sa kanya.
"Felicia, may problema ba?" Tanong niya sa akin.
"Wala po ginoong antonio" sagot ko sa kanya pero nakatingin lamang siya sa akin, puno ng pagtataka ang kanyang mukha.
Dahan dahan ko din siyang tiningnan diretso sa kanyang mga mata. Kita ko ang pagtataka duon, may mga sagot na hindi niya makita. Alam kong may iniisip din siya.
"May problema ba ginoong antonio?" Balik na tanong ko sa kanya.
Napalunok ako ng makita ko kunh paano niya ako titigan habang nakaawang ang kanyang bibig. Halos hindi ko magawang kumurap.
"Pabagsak na ang malakas na ulan!" Sigawan ng mga tao sa paligid namin kaya naman yun na ang naging hudyat para maputol ang malalim naming pagtitinginan.
Kaagad akong napaiwas ng tingin sa kanya at tsaka tiningnan ang mga taong nagmamadaling nagsitakbuhan para makahanap ng masisilungan.
"Halika na" kaagad na sabi niya sa akin at nagulat na lamang ako ng hawakan ako nito sa kamay at hinila ako sa kung saan.
Dahil sa gulat ay nagpahila na lamang ako sa kanya at hinayaan siya sa kung saan niya ako dadalhin.
Nagsimula na ang malakas na pagbuhos ng ulan kaya naman halos mabasana kami ni ginoong antonio. Yakap yakap pa din niya ang basket ng mga prutas habang ang kanyang isang kamay ay hawak hawak ang aking kamay.
Dumiretso kami sa isang bahay pakapehan. "Kaibigan ko ang may nagmamayari ng lugar na ito" sabi sa akin ni ginoong antonio at tsaka niya lamang binitawan ang aking kamay ng kumatok ito sa pintuan.
"Mukhang sarado" sabi ko sa kanya pero ilang katok pa at bumukas na ang pintuan.
Kaagad kong nakita ang morenong lalaki, may balbas din ito at mukhang kaibigan ni ginoong antonio. "Magandang umaga, leandro" nakangiting bati ni ginoong antonio dito.
Nagulat pa ang lalaki ng makita niya si ginoong antonio. Pero kaagad din kaming pinapasok. "Ginoong antonio, pasok pasok" sabi niya sa amin.
Kaagad na sumalubong sa amin ang matapang na amoy ng kape sa buong paligid. May ilang bilog na lamesa din na gawa sa kahoy ang nasa loob nuon.
"Maaga kang nagsara?" Tanong sa kanya ni ginoong antonio.
Napatango ang lalaking tinawag niyang leandro. "Malakas kasi ang buhos ng ulan, baka pasukin ang aking lugar" sagot niya dito kaya naman napatango si ginoong antonio bago siya umupo sa isa sa mga lamesa.
"Pwede pa ba kaming makabili ng masarap at mainit na kape ng kasama ko?" Tanong ni ginoong antonio sa kanya.
Napatingin sa akin si leandro. "Alam mo namang hindi kita matatanggihan ginoong antonio, ito na ba si binibining celestina agoncillo?" May halo pang pangaasar niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/128847668-288-k213492.jpg)
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Ficción históricaHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...