Kabanata 9

5.7K 252 26
                                    

"Kailangang maiayos ang lahat para sa pagdating ng ating mga panauhin" sambit ni ama sa gitna ng aming panananghalian.

Ang mga kasambahay ay pabalik balik sa aming lamesa para ilapag ang ibat ibang klase ng putahe. "Felicia..." bulong na tawag ko sa kanya ng lagyan nito ng tubig ang aking baso.

Hindi niya ako pinansin bagkus ay mas lalo niyang binilisan ang kanyang kilos para mas lalong makalayo sa akin. "Celestina, pumunta kayo ni Felicia sa bayan mamaya para bumili ng bagong masusuot na damit para sa magiging salo salo" utos sa akin ni ina. Naging abala ang buong kabahayan namin dahil sa paghahanda sa magiging salo salo para sa balik bayan na kaibigan ni ama. Kasama din nito ang kanyang mga anak at asawa.

"Opo ina" sagot ko sa kanya at tsaka mabilis akong pumunta sa aking silid para magayos ng aking sarili.

"Sabik na sabik na akong makita si antonio" kwento ko kay felicia habang marahan nitong sinusuklay ang aking buhok.

Hindi ito umimil kaya naman kaagad ko siyang nilingon. "Hindi ka ba natutuwa na makikita natin si antonio? Matagal na din simula ng huli natin siyang makita at makausap" pagpapaalala ko dito pero nanatili pa din siyang nakayuko.

"Totoo bang kaya may magaganap na handaan dahil kayo ay magiisang dibdib?" Marahang tanong niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan.

"Oo, pamamanhikan talaga ang pakay ng mga buenaventura dito sa atin" nakangiting sagot ko sa kanya.

Habang hinihintay ko ang pagtawag sa akin ni felicia tanda na handa na ang aming sasakyan na karawahe ay muli kong binasa ang huling sulat na ipinadala niya sa akin.

Sabik na sabik na din siyang makita ako. Matagal man kaming hindi nagkita ni antonio ay ramdam na ramdam naming mahal talaga namin ang isa't isa.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa pagharian na ako ng pagtataka dahil sa matagal na pagtawag sa akin ni felicia. "Grietta, nakita ko ba si felicia?" Tanong ko sa isa pa sa aming mga kasambahay.

"Huli ko siyang nakita sa may kusina, naghahanda ng mirienda para sa lahat" sagot nito sa akin kaya naman duon kaagad ako nagpunta.

"Magandang hapon binibining celestina" bati ng iilang mga taga trabaho na may dalang maliit na mangkok na may sabaw.

Maya maya lamang ay nakarinig ako ng hiyawan sa labas ng aming tahanan. Tatakbo na sana ako para tumungo ruon pero napansin kong hindi umaksyon sina ama at ina dahil sa malakas na sigawan.

"Ama, ina...may nangyayaring kumusyon sa labas ng ating tahanan" pagtawag ko sa sana sa kanila ang kaso ay kaagad akong nanlumo ng makita kong nakalugmok ang mga mukha nito sa sabaw na kinakain.

"INA! AMA!" Umiiyak na pagsigaw ko. Hindi ko alam kung sino ang aking unang lalapitan.

"Felicia, felicia tulungan mo ako...humingi ka ng saklolo!" Umiiyak na utos ko sa kanya. Ang kaninang ingay sa labas ay mabilis na naglaho na parang bula.

"Ang mga mapagmalupit na taong kagaya ng iyong mga magulang ay hindi dapat nabubuhay celestina" sambit nito na kaagad na ikinagulat ko.

"Ano ang ibig mong sabihin felicia? May kinalaman ka ba sa nangyaring ito?" Galit na tanong ko sa kanya pero nginitian lamang ako nito.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon