"May problema ba lestine?" Tanong ni ate agatha sa akin dahil sa biglaan kong pagkabato.
Nanigas ako sa aking nadinig. Patay na si Ginang Hilda Barrientos ilang araw lamang matapos namin siyang makausap.
"Wa...wala" sabi ko sa kanya pero hiniwakan pa ako nito sa aking braso.
"You can tell me" sabi pa niya pero kaagad ko lamang binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
"Wala ito" sagot ko pang muli sa kanya at kaagad naglakad ng mabilis palayo duon.
Magulo ang aking utak habang nasa byahe ako papuntang malolos. Ang bigat ng dibdib ko dahil duon, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa nangyari sa kanya.
"Lestine!" Pagtawag sa akin ni elenapagkalabas niya ng bahay para salubungin ako.
Kagaya ko ay balisa din ito. "Grabe, gulat na gulat ako kaninang umaga ng ibalita sa akin ng mga kapitbahay" kwento pa niya sa akin.
"Ano ba talaga ang nangyari?" Panguusisa ko.
"Ang nakarating sa aking balita, natulog lang kagabi si ginang hilda pagkatapos ay hindi na gumising" kwento niya sa akin.
Pumasok kami sa bahay nila ginoong antonio. Hindi kagaya ng dati ay hindi ko na siya maramdaman duon.
"Hindi pa din ba nagpapakita sayo si ginoong antonio?" Tanong niya sa akin.
Napailing ako. " Hindi pa, matagal na siya ngayon kung magpakita...pasulpot sulpot na lang" sagot ko sa kanya.
Kaagad akong idiniretso ni elena sa kanyang kwarto kung saan din ako tutuloy.
"Mukhang mas matanda pa sa atin ang kamang ito" puna ko sa sinaunang kama na may sabitan pa ng kurtina sa magkakabilang dulo ng mga ito.
"Sigurado" sabi pa niya sa akin.
Iniayos ko mga gamit ko sa aparador ni elena. Pagkatapos ay muli kaming bumalik sa may salas at dala dala na nito ang libro ni joselito barrientos.
"Sayang at hindi man lang nakita ni ginang hilda barrientos itong libro ng ninuno niya" panghihinayang na sabi ni elena.
"Nakita naman na siguro" sabi ko kaya naman nagkibit balikat na lamang si elena.
Muli naming sinubukang buksan ang libro na iyon. Nakalabas na ang tool box nila elena.
"Mapupunit kasi kung pipilitin natin eh" pamomorblema pa niya.
"Ano bang itsura ng susi? Kung pumunta kaya tayo sa bayan at humanap" suwestyon ko sa kanya.
"Napakatalino mo talaga" natatawang sabi niya sa akin.
Kaagad kaming umalis papuntang bayan. Sumakay kami ng tricycle, at tsaka kami nito ibinaba sa may bungad ng palengke.
"Dito, may gumagawa ng mga susi dito" turo sa akin ni elena kaya naman sinundan ko siya.
Bago makarating sa mismong wet market ay makikita ang maliit na pwesto ng gumagawa ng susi.
"Magandang umaga po" bati ni elena sa mag sususi.
"Magtatanghali na hija" sagot nito kay elena kaya naman natawa kaming pareho.
"Edi, magandang tanghali po" paguulit ni elena.
![](https://img.wattpad.com/cover/128847668-288-k213492.jpg)
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Historical FictionHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...