Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong sa akin ni elena, pero napaisip din ako duon. Tama si elena, ito na ang chance ko para magkatuluyan kami ni rafael, kahit ibang panahon. Sa 2019 sinabi kong gagawin ko ang lahat para siya na si mr. Right ko, pero ngayong may chance na ako nagdadalawang isip na ako.
"Binibini..."
Sa gitna ng aking pagiisip ay muling bumalik sa akin ang malambing na boses ni ginoong antonio, kung paano siya tumingin, kung paano ako kainin ng kanyang mga titig, ang malambing niyang pagtawag sa akin at ang nakakahulog niyang mga ngiti. Si ginoong antonio...
"Ano lestine, si sir rafael o si ginoong antonio?" Muling tanong sa akin ni elena.
Napalunok ako. "Nandito tayo para kay ginoong antonio, hindi ko kwento ito elena. Kwento nila ito ni Celestina" pagpapaintindi ko pa sa kanya kaya naman napatango na lamang ito at napanguso.
"Sabagay" sambit niya pero hindi pa ito tumigil.
"Gagawin mo ito para kay ginoong antonio, kahit hindi mo pa sigurado kung sino talaga ang celestina agoncillo ng 2019?" Panghahamon niya sa akin.
Napabuntong hininga ako. "Oo" sagot ko za kanya kaya naman napa make face ito.
"Kahit ang ate agatha mo?" Pamimilit pa ulit niya.
Pinitik ko ang noo ni elena. "Ang kulit, sabi ngang Oo. Para kay ginoong antonio" paninigurado ko sa kanya kaya naman tinigilan na niya ako.
Pagkatapos ng kainan ay nagpaalam na ang mga bisita kasama ang pamilya alvarez. Nang lumalim ang gabi ay pumuslit si elena papasok sa aking kwarto.
"Wala pa ding balita si agustine?" Salubong ko sa kanya pagkapasok na pagkapasok niya.
Napailing si elena pagkatapos at patalong humiga sa aking kama. Nagaalala na ako, ilang araw na lang ay ikakasal na si cecilia kay Paulito alvarez.
"Hindi tayo makatakas, bantay sarado ka ng mga tauhan ni don carlos sa labas" sabi pa ni elena sa akin kaya naman bumagsak ang balikat ko.
"Paano na to?" Nanghihinang tanong ko sa kanya.
Binalot ang buong kwarto ng katahamikan namin ni elena. Pareho kaming namomorblema dahil hindi kami makalabas ng bahay. Kung lalabas man ay may mga tauhan si don carlos na nakasunod sa amin.
"Eh kung kausapin mo si paulito!" Kaagad na suwestyon niya sa akin.
Kumunot ang aking noo. "Paano?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Akong bahala" nakangiting paninigurado niya sa akin.
Kinaumagahan ay maaga kaming nagayos ni elena. Nakausap na din nito si agustine tungkol sa kanyang naisip na plano. Hindi ko pa din alam kung ano eksakto iyon. Nakabihis at nakaayos na ako ng biglang nagmamadaling pumasok si elena.
"Andyan na si paulito" sabi niya sa akin kaya naman kaagad akong nagtaka.
"Oh bakit nandyan yan? Akala ko ba ay may plano tayo para makita si ginoong antonio?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil asadong asado pa naman akong magkikita na kami.
Napailing si elena, hindi makapagsalita. Hindi niya alam kung paano niya uumpisahan ang pagsasabi sa akin ng tunay nilang plano.
"Elena naman eh, paasa ka" akusa ko sa kanya habang nagmamaktol.
Hinampasako ni sa braso. "Si paulito ang magdadala sayo kay ginoong antonio" sabi niya na nagpabato sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Fiksi SejarahHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...