Chapter 1

331 14 1
                                    

"GUUUYSS!!!!! BILIS!!" sigaw ni Tori sa mga kasama na nag aayos ng decorations "Malapit na daw sila!!! BILEEES!" aligagang paikot ikot si Tori at di alam ang dadamputin.

"Ano ba?! Wag kang nakaharang sa daan!" Sigaw ni Godfrey kay Reginald na nakabungguan nya dahil sa pag mamadali.

"Gagx ako sinisisi mo eh ikaw tong nambangga sa akin!" sigaw din ni Reginald.

"that's good, may time kayo to fight why not do your own businesses?" nakangiting saad ni Alyster sa dalawang lalaki.

Mabilis na tumakbo ang dalawa at nag hiwalay para gawin ang inatas sa kanila.

"Wala pa tayo sa kalahati!!! Bilis ang kilos!" saad ni Ylona na nag didikit ng mga heart shape sa kurtina as background.

"Luke! Taas mo yung Christmas lights ng konti dyan!" utos ni Ethan "Leon babaan mo ng dyan!"

"Ito okay na!?" sigaw ni Leon

"sobrang baba pre... Taas mo ng konti" saad ni Luke

Kaya tinaas ni Leon ng konti ang Christmas lights "Yan pre! Okay na!" sigaw ni Ethan

"Yung lamesa hindi pa nalalagyan ng mantel!!!" sigaw ni Angel "nasaan na yung tela!?"

"kami na mag lalagay nyan!" saad ni Lyle na hawak ang isang Telang malaki. "Oy Black Rose! Wag kang maupo lang dyan!" saad nya kay Cornelius na may hawak ng gunting at nag gugupit ng mga colored papers.

"nag gugupit ako dito?! Nakikita mo naman di ba?" inis na bulyaw ni Cornelius kay Lyle.

"ako na lang!" saad ni August na binitiwan ang hawak na glue. Tumayo sya at tinulungan ang leader ng Reapers. Inayos nila ang mahabang lamesa at nilagyan ng telang puti at red.

"Sinong kumuha ng Donuts at cupcakes sa container ko?!!" galit na galit na sigaw ni Yuna sa kanilang lahat. "at yung cake may bawas din!!" 

Nag katinginan silang lahat at hinanap ng mga mata nila si Orville pero wala sya.

"KUYA ORVILLE!!!" gigil na gigil na sigaw ni Yuna. "WALA KA NANG PARTE PARA MAMAYA! AAARHG!!" padabog na nag walk out si Yuna pabalik sa kusina.

"Nasaan na yung poppers?! Bat wala pa din sila Hugh, Irving at Dart?" inis na tanong ni Achilles na nagchi-check ng mga ayos na.

"natabunan na! Hahahaha" sagot ni Malcolm at Mortimer na nag papahangin ng mga lobo.  "Casper! Yung mga lobo na may Helium?"

"ito na lahat yun pre eh" sagot ni Casper

"lah?! Di nga? Bat umonte?!" tanong ni Mortimer.

"yan na talaga yun eh, 50 lahat lahat yan" saad ni Hugh na itinatali ang huling lobo sa bato. "ay siomai! Yung red carpet!"

"brad!  Yung confetti!" sigaw ni Ethan

"Nice....  Anong meron?" Tanong ni Icarus na kasama si Nyx habang nililibot ang mga mata nya at tuwang tuwa sa ginagawa ng mga kaibigan nila.

Napahinto ang lahat at sabay sabay na nagulat sa pag dating ng dalawa. Nagulat si Nyx at Icarus ng may pumutok sa likuran nila. At pag lingon nila ay nakita nila si Dart, Hugh at Irving na maraming hawak na poppers at mga fireworks. Nakita ni Nyx ang isang poppers na nasa semento yun pala ang pumutok at nag pagulat sa kanila.

"HAPPY 3RD YEAR ANNIVERSARY NYX AND ICARUS!!!" sigaw ng lahat na pilit ang mga ngiti nila dahil hindi pa tapos ang pag aayos nila. Sobrang kalat pa ng lugar... Hindi patapos ang mga lobo, wala yung mga pagkain sa lamesa, hindi pa nakadikit ang mga letterings at di pa tapos ang banner nila.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon