Chapter 54

57 6 6
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nag luluto ng ulam si Hyacinth sa kanyang tahanan habang pinanonood sya ni Icarus. Biglang nag ring ang phone ni Icarus, nakita nya na si Luke ang tumatawag.

"Yes?" Tanong nya ng isagot ang cellphone

[Saan ka? Ako na susundo sayo] saad ni Luke

"Nakila Haya. Bakit ano meron?" - Icarus

[Hindi ka ba nag babasa sa GC?] - Luke

"Hindi pa ako mag oonline eh" nag tatakang sagot ni Icarus

[Mag basa ka sa GC tapos mag desisyon ka kung sasama ka o hindi]  agad na pinatay ni Luke ang cellphone.

Napakunot ang noo ni Icarus at agad na nag online. Binuksan nya ang GC ng wonderpets at halos sumabog ang notif sa dami ng messages. Mabilis syang nag back read ngunit habang patuloy ang pag babasa ay kasabay ang panlalamig nya.

"Fvck" bulong nya. Agad syang tumayo at kinuha ang jacket na naka sabit sa upuan.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Hyacinth na nag tataka dahil sa biglaang pagmamadali ng kasintahan.

"Aalis kailangan ng tulong ni Nyx" sabi ni Icarus

Mabilis na hinablot ni Hyacinth ang braso ng binata ng marinig ang pangalan ni Nyx

"Ayoko dito ka lang, di kita papayagan umalis" - Hyacinth

"No you don't understand---" -Icarus

"I said no! For sure nag papaawa lang sya sayo para puntahan mo sya! So no!" Pag tataas ng boses ni Hyacinth

"Ano?" Napakunot ang noo ni Icarus sa narinig "naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Dismayadong tono ni Icarus

"Totoo naman eh! Nag papaawa lang naman sya para makakuha ng atensyon mula sa inyo. Mula sayo at kaya Alyster! Girlfriend mo ko so dapat ako ang unahin mo!  Lagi ka nang nasa mga kaibigan mo eh" - Hyacinth

"Teka... Hindi ko maintindihan... Pinagbigyan na tayo ni Nyx, nag paraya na sya para sa atin pero bakit nasasabi mo pa din yan?" Inalis ni Icarus ang kamay ni Hyacinth sa kanyang braso. Nag lakad na sya palabas ng pinto

"Hindi ako iiwan ni Aries para lang sa mga kaibigan nya!" Sigaw ni Hyacinth

"Yun nga eh. Hindi ka iiwan ni Aries pero hindi ako sya... I'm sorry Haya kung hindi ako si Aries..." Patakbong lumabas si Icarus, nasa tapat na ng gate si Luke sakay ng kotse. Sumakay sya ng hindi nililingon pabalik si Hyacinth.

Walang pag uusap ang dalawa habang nakasakay sa kotse. Puno na sila ng pag aalala kaya Nyx at Alyster kaya hindi na nila makuhang mag labas ng sama ng loob o mag reklamo o kung ano pa man.

Ang tanging kailangan nilang gawin ay bilisan at iligtas ang dalawa.

☠☠☠☠☠☠☠

Huminto ang sasakyan sa isang building kaya napakunot ang kanyang uno sa pag tataka pagkat sa mga movie na napapanood nya ay puro sa mga warehouse dinadala ang mga hostage.

"A 5 star hotel?" Takang tanong nya pag baba ng van. Pinagitnaan si Nyx ng apat na mga lalaking kasama nya. Maliban sa driver na hindi sumama sa pag hatid sa kanya patungo sa kanilang amo.

"Wag nang maraming tanong, basta lumakad ka" saad ng lalaking tumutok ng baril sa kanya kanina.

"You want me to ask questions" saad ni Nyx

"Aayyysssshhh nakakadepress yung mga tanong mo sa buhay" sabi nito pabalik na bakas ang pag kairita.

Napansin ni Nyx na kilala na ang mga lalaki sa hotel at binabati sila ng mga staff na nandito. Diresto na din sila at hindi na pumunta sa receptionist para mag tanong or what. Sa halip ay nag vow ng bahagya ang receptionist bilang pag galang.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon