Chapter 8

56 5 0
                                    

ALYSTER'S POV

"Tao po" sabi ko habang may bahagyang na boses upang marinig sa loob ng bahay nila Irving. I press the doorbell for a second time around. "good morning tito" bati ko sa Papa ni Irving na ngumiti ng makita ako.

"Good morning Alyster. Nandito na silang lahat at ikaw na lang ang hinihintay" sabi ni Tito Fabian na nilakihan ang pag bukas ng pinto para makapasok ako.

"opo. May inasikaso pa po kase ako kaya na late ako ng sobra..." pumasok ako at hinubad ang sapatos bago nilagay sa gilid.

"kumain ka na ba? Hon, dumating na si Alyster meron pa bang natirang ulam?" sigaw ni Tito.

"naku tito hindi na po... Nag kape na po ako sa bahay bago pumunta dito" saad ko na nahihiya.

Nakakahiya naman talaga...

"no I insist. You're reviewing for CSE exam right? So paano ka makakapag focus kung walang laman ang tiyan mo? Dumiretso ka ng kusina at kumain. Feel at home." sabi nya with authority. Medyo nakakatakot ang si Tito Fabian pero ewan ko ba kung paano nagagawang mag sutil sutilan ni Irving sa tatay nya.

Dapat talaga sa bahay kami ni Nyx mag re-review pero kagabi tinawagan kami lahat ni Tito at nakiusap kung pwede dito na lang dahil isang linggong grounded si Irving kaya pumayag kami. Tinawagan ko at tinanong si Irving kung anong ginawa nya at na grounded sya. Ang sabi nya di sinasadyang matuluan ng laway nya sa ulo si Tito. Dahil daw sa lakas ng tawa nya habang may pinapanood sa terrace nila di nya namalayan na tumulo ang laway nya at bumagsak yun diretso sa ulo patulo sa mukha ni Papa nya at sa sobrang galit nito ayun grounded ang inabot nya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko nun.

Nagalit sya sa papa nya pero di ko masisisi ang isa sa kanila.

Tinulak ako ni Tito papunta sa kusina at doon nakita ko si Tita Martha na nag huhugas ng tambak tambak na hugasan. Kakatapos lang pala nila kumain at hindi man lang sila tumulong na mag hugas. "wala po ba kayong trabaho ngayon?" tanong ko.

"meron. Pupunta akong site... Dahil matatapos na yung project namin sa Makati" sabi nya na umupo.

Lumapit ako kay Tita Martha para mag bless at humalik sa pisngi nito.

"Good Morning Alyster" sabi nya sa akin. Tinigil nya ang paghuhugas "teka kumain ka na ba? Pag hahanda kita" she says while smiling.

"Good Morning po. No need na po ako na mag hahanda. Thank you" sabi ko naman. Kumuha ako ng plato at kutsara saka nag sandok ng kanin at ulam bago umupo sa tapat ni tito.

"mukhang pa gwapo ka ng pa gwapo Alyster" saad ni Tita "bagay sayo ang suot mo"

Napangiti ako sa sinabi nya. Naka turtle neck ako at sleeveless shirt na brown at maong na short lampas tuhod "thank you po!" sabi ko habang nakangiti.

"kamusta ang mama mo?" tanong ni Tita.

"mmn" nilunok ko muna ang pagkain ko bago sumagot "busy. Sobra po. Nasa convention po sya sa Davao, 3 days po syang andun. Na invite po kase sya maging speaker and after nun pupunta po syang Singapore para ipresent yung research nya sabi nya mag tatagal sya don ng 2 weeks and afternoon pupunta po sya sa Germany for another researches... At yung iba po ay nasa mahabang listahan na ng gagawin nya." saad ko.

"wow... Grabe amg busy ni Mama mo. Kumakain ka ba ng maayos habang wala sya?" pag aalalang tanong ni Tita Martha "para kaseng pumayat ka mula ng huling punta mo dito" dagdag nya pa. "nag kikita pa ba kayo?"

"marunong naman po akong magluto kaso minsan nakakaligtaan po talagang kumain dahil sa school works... Nag kikita po kami ni Mama. Minsan lang pero bawing bawi naman po pag dumating sya" sabi ko "pero nitong mga buwan po talaga sobrang busy nya... Pero after po nitong sa Germany baka po mabawasan na yung work load nya" saad ko.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon