Chapter 57

73 4 3
                                    

ALYSTER'S POV

Nakatitig si Nyx sa mga mata ko at tinanong nya "Alyster Erikson... Will you marry me?"

Nag banggitin nya iyon ay bumalik sa mga ala-ala ko ang mga nangyare simula umpisa ng makilala sya hanggang ngayon kung saan nakatayo sya sa harap ko, hawak ang singsing at tinatanong ang mga salitang kahit sa panaginip ay hindi ko narinig. Nag flashback lahat. Lahat lahat. Gustong sumabog ng utak ko pati ng puso ko habang inaalala...

Yung sakit.

Yung lungkot.

Yung saya.

Yung mga luha kong bumuhos para sa kanya.

Tama ba yung naririnig ko?

Nananaginip ba ako?

Anong itsura ko sa mga oras na to?

Should I shout? Cry? What should I do? My answer... I have to answer.

"Yes..." Bulong ko ngunit para sa akin ay sumigaw ako ng sobrang lakas. Yung pagkalakas lakas kaya ako kinukulang sa hangin ngayon. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Pabilis ng pabilis.

Sobrang saya.

Walang paglagyan ang kasiyahan ko sa mga oras na ito. Nanghihina ang mga tuhod ko,  nanginginig ang mga kamay ko.

Ang tanging gumigising sa akin sa realidad ay ang pagtapik ng alon sa aking katawan, ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat at sumisigaw

Gising ka!

Hindi ka nananaginip!

Totoo lahat ng ito!

Habang nakatingin lang ako kay Nyx ay kinuha nya ang kanang kamay ko at marahang sinuot ang singsing. Ngumiti sya... Yung ngiting may halong lungkot at saya. Yung ngiting mas maliwanag pa sa araw ngunit hindi masakit sa mata.

Sinambit nya ang mga salitang akala ko ay sa nobela ko lang mababasa.

"This ring is a symbol of my vow... For the love and hope you gave me, one life time to pledge to you is not enough. Alyster... You are the kindest, most, sincere, loveliest men I know and I'm blessed to hold your hand, be in your arms and in your heart...  it may took a very... very long time for me to come back for you and be your wife. But as the day I return, together you and I will make one, one world, world where we both stronger, where we'll build our home and make our garden grow. This ring embodies my promise that wherever I may go, I will always return to you. I promise to work hard to become the truest version of myself, for you, for us... And for our family"

Binalot ng luha ang mga mata ko. Para akong batang umiiyak at wala akong paki-alam kung sino man ang makakita sa akin.

Asarin man nila akong bakla. Wala akong pakialam.

Basta ang mahalaga ay ang nararamdaman ko.

Ang saya ko. Ang saya saya sobra. Humagulgol ako ng iyak dahil yun yung mga salitang nais Kong marinig mula sa kanya.

Yung pangako ng bukas na magkasama kaming dalawa.

Masaya. Masaya at buo ang pamilya na kaming dalawa ang magiging pundasyon. .

Para sa kinabukasan na yun. Kaya ko pang mag hintay kahit gaano pa katagal.

Wala akong pakialam sa sakit ng pangungulila kung ang kahahantungan ng pag iisa Kong iyon ay yung mga pangarap ko na kasama sya.

Kayang kaya ko. Kakayanin ko. Dahil sa araw ng pag balik nya...

Mag bubunga lahat ng sakit, ng pag hihintay, ng sakripisyo.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon