Chapter 4

84 6 5
                                    

ONE DAY... 

Nagising si Alyster ng makaramdam na tila may taong pumasok sa bahay nila ng marinig ang gate. Sya lang ang tao ngayon sa kanilang bahay kaya hindi sya kampanteng matulog ng mahimbing. Tinignan nya ang glow in the dark nyang digital clock na nakasabit sa pader. 2:35 AM. Mabilis na bumangon si Alyster at pinakiramdaman ang paligid. "sa sala..." saad nya. Kaya tumayo sya at marahang kumilos... Madilim ang paligid ngunit may liwanag mula sa mga poste sa labas ang nagbibigay paraan upang makita nya ang bahay. Umupo lang sya sa hagdan upang pag masdan ang lalaking nag lalakad papasok. Nag taka si Alyster sa paraan ng pag lalakad nito. Pagewang gewang... Hanggang sa bumagsak sa sahig at hindi bumangon. Bumaba sya at binuksan ang ilaw saka nakita na si Luke pala iyon. "... Akala ko ba may thesis kayo?" takang tanong ni Alyster sa natutulog na si Luke ngunit nagising ito.

"tch! Hahahaha putx? Thesis? BASIC BOSS BASIC!" saad ni Luke na tumihaya na tila sa kama nya natutulog. "wala na bang mash mahirwap pa dyan?"

Napakamot ng ulo si Alyster ng makita ang itsura ng kaibigan na akala mo na-rape sa bawat kanto na dinaanan. "dito ka talaga dumiretso no?... Para-paraan ka din para di ka masampal ng alpunbra (brand ng tsinelas) ni daddy mo eh!... Tumayo ka dyan. Malamig ang sahig" tinulungan nyang makatayo si Luke na halos di na makalakad sa kalasingan.

"... Wetty to tol... Wetty" saad ni Luke na halong pag mamayabang.

"my goodness! It's witty!" pag tatama sa grammar ng kaibigan

"what?... Nag bago na?... Binago na ni Miriam?" saad ni Luke

"who?... You mean Merriam?" saad ni Alyster, pinatulog nya si Luke sa kanyang kwarto upang makapag pahinga ito ng maayos. "akala ko ba pupunta to ng overnight?" napakamot na lang sya sa ulo at napabuntong hininga.

"kukurook!"

Napakunot ang noo ni Alyster ng makarinig na tila may manok sa paligid. Kinuha nya ang cellphone ni Luke sa bulsa nito dahil baka nag palit ito ng message tone ngunit wala namang notifications.

"kukurrook!"

Napatingin sya sa bag ni Luke at napansin na tila may gumagalaw doon. Kinuha nya ang bag at marahang binuksan.

"Anak ng!" gulat na reaksyon ni Alyster ng may lumipad na inahing manok mula sa loob ng bag. "Cedie?" tawag nya sa pangalan ng manok na pag mamay-ari ni Casper. Napatingin sya kay Luke na mahimbing na natutulog sa kama nya. Hindi nya napigilan ang makutusan si Luke dahil sa inis. "Cedie... Come here"

Mabilis naman na tumayo ang puting manok at sumunod kay Alyster sa pag labas kasama pa ang dalawang pusa. Umakyat sila sa 3rd floor upang doon matulog kasama ang tatlo at tabi tabing matulog. Sa dibdib nya nakapatong ang manok, sa kaliwang bahagi ng katawan nya naman naka higa si King at sa kanang bahagi katapat ng pisngi naman natutulog si Queen.

💀💀💀💀💀💀

Sunod sunod na vibration ang nag pagising kay Alyster kaya tinignan nya ito. 6:45 am ang nakita nya sa orasan. Naiwan nyang bukas ang wifi ng phone nya kaya sunod sunod na notif mula sa messenger ang natanggap nya mula sa group chat nilang team special short term for special children na mismong si Lyle ang nag pangalan.

Binasa nya ang mga message.

"Cedie mukhang nag wawala na ang amo mo kakahanap sayo..." saad ni Alyster na hinimas ang katawan ng manok.

*Sino kumuha kay Cedie?? - Casper
* hoy wala sa akin yung manok mo! - Godfrey
* lah... Anjan pa yun kagabi ah! 😌😌😌 - Hugh
* mga mag nanakaw! 😭😭😭😭 IBALIK NYO SA AKIN SI CEDIE!!! - Casper
* huh? Teka! Di ba manok pulutan natin kagabi? 👺😱😱😱  baka sya yun? - Dart
* TANG-@@I NYO PRE! SUSUNUGIN KO TALAGA MGA BAHAY NYO MALAMAN KO LANG NA INULAM NYO SI CEDIE! - Casper
* Gagi! Baka nakalabas ng bahay?! Inom inom kayo di man lang nag yaya eh noh? Karma 😢😢 - Tori
* kahit nag yaya kami? - Hugh
* oo nga!  Niyaya namin kayo pero sabi nyo busy kayo?! - Dart
* lul! Nag yaya kami!! - Godfrey
* ang aga aga nag iingay kayo? 😴😴😔 - August
* Morning! Anong ingay toh?! - Ethan
* loooool! Yare! Sino nag nakaw kay Cedie!  Umamin na!? 😡😡😡 - Mortimer
* (っ´▽')っ Good Morning... - Yuna
* ano mga pre? Nag kakanakawan ng manok dito ah? Jk! 😅😅 baka nakawala Cas? Hinanap mo na ba? - Malcolm
* 😭😭😭😭😭😭😭😭 hinanap ko na sya sa buong subdivision kanina pa! Wala sya! ILABAS NYO SYA! -  Casper
* Good morning... Akala ko ba overnight para sa thesis? Bat may inuman? 😊? - Alyster
* Morning kuya Aly! - Yuna
*Good morning Yuna. - Alyster
* ang ingay nyooo mga g@go - Luke
* laaaaah!  Si August nagyaya nun!  - Godfrey
* Oy oy? Ano bat ako? - August
* Si August yun kuya Alyster! - Tori
* ┻━┻ ︵ヽ('Д´)ノ︵ ┻━┻ WALA PA DIN SI CEDIE!! - Casper
* my goodness! This early in the morning and youre too noisy! - Cornelius

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon