Chapter 20

51 4 0
                                    

LUKE'S POV

Grabe ang siksikan sa MRT ngayon, kelan ba mag babago ang Pilipinas? Papunta ako ngayon sa palengke dahil kakatapos lang ng class namin at ngayon nag mamadali na ako kaya sumakay ako ng MRT.

Ang saya ng ginagawa namin actually... I enjoy being with them kahit ang hirap at nakakapagod. Unexpected yung laging pag dumog sa amin ng mga customers. Parang laging blockbuster ang pila sa eatery at sa tindahan. Tanghali pa lang ubos at simot na ang paninda kaya laging maaga kami umuuwi at nagagawa pa namin ang mga dapat gawin for school. Pero minsan free time kami nag o-order kami ng panibagong set ng ititinda. Para lang kaming nag lalaro actually. Hindi din kami nagugutom kase yung ibang mga customers dinadalahan kami ng mga pagkain. Minsan ang laki din talaga ng perks pag pogi ka eh.

Hmn? Napatingin ako sa katabi kong babae nararamdaman ko kase na nakatitig sya sa akin, mabilis nyang iniba ang direksyon ng tingin nya. Waaah ikaw ate ah!

Feeling ko mag kasing Edad lang kami. Nag vibrate ang phone ko kaya sinagot ko ang tawag. Dahil naka earphone naman ako ay hindi na ako nag abalang kuhain iyon sa bulsa ng bag ko dahil nakatayo ako, tinanggal ko na lang ang itim kong facemask para maka pag salita ng maayos.

"sino toh?" tanong ko

[Pre saan ka na?] boses iyon ni Ethan

"MRT pre. Papunta na ako. Tatlong station na lang anjn na ako. Miss mo ako agad eh" seryoso kong sabi

[oo, namimiss ka na ng mga patatas na babalatan mo] saad nya

"sige paliliparin ko ang train" sabi ko

[kahit kelan talaga di ka makausap ng matino] - Ethan

"andyan ka na ba?" tanong ko

[oo Kami ni Nyx andito na kararating lang, buti sarado na ang palengke dahil tanghali na] - Ethan

Huminto ang train sa station at nag babaan na ang mga tao nabalya nang isang lalaki yung babaeng katabi ko na kanina pa tingin ng tingin. Mabilis ko syang hinawakan sa balikat dahil muntik na sya makabitaw sa hawakan.

"hoy dahan dahan!" saway ko sa lalaki. Automatic gumalaw ang katawan ko at bibig ko. "tsk!"

"sorry po" sabi nya sa akin

Kumunot lang ang noo ko. Epal.

[Luke?] - Ethan

"oh?" saad ko

[gago ka talaga noh?] - Ethan

"Oh bakit? Inaano kita?" - Ako

[ang sungit sungit mo pag ikaw Lang mag isa pero pagmag kakasami tayo sumasabay ka sa ingay] - Ethan

"alangan naman mag tinawa ako mag-isa dito edi mas nagmukha akong gago baka itakwil nyo pa ako bilang kaibigan" seryoso kong tono

"ah kuya" tawag sakin ng babae.

"ano?" tanong ko 

"p-pwede ka nang bumitaw, salamat po" saad nya sa akin

"mn." binitawan ko na ang braso nya "kumapit ka ng mabuti" saad ko sa kanya dahil maraming pumasok sa bagon namin at nagsiksikan na ang mga tao. Tinignan ko sya saka lumipat ang mata ko sa kabila dahil tila may nakita akong kakilala ko. "si Icarus" saad ko ng makita ko sya na malapit sa pinto at nakatagilid. Pero alam ko na sya yun

[huh? Saan?] - Ethan

"dito sa MRT..." natahimik ako ng makita ko na kasama nya si Hyacinth. Amg saya nilang dalawa, nakahawak si Icarus sa Bewang para alalayan si Hyacinth "kasama nya si Hyacinth, nag kukwentuhan sila" saad ko. Bumalik na ako sa dati kong ayus at humarap sa bintana.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon