Chapter 51

78 4 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Tama na! Enoch tama na mapapatay mo na siya!" Awat ni Reginald at Dart sa kaibigan na patuloy lamang ang pag tadyak sa mukha ng taong nanakit sa kapatid nya.

Walang nagawa ang grupo ng lalaki kundi ang manood lamang sa pambubugbog dito.
Kinatatakot nila ang anim na nag lalakihang grupo ng limang paaralan. Alam nila na anumang oras ay maari silang ma kick out sa school na kanilang pinapasukan at lalo na namawalan ng negosyo ang kanilang mga pamilya. 

"Sorry... Sorry... Pinag sisisihan ko na tama na please..." Pag mamakaawa nito habang nakahandusay sa semento at duguan

"Sana inisip mo yan bago mo sinaktan ang kapatid ko hayop! Nang dahil sayo nakaratay sya ngayon sa hospital" galit na galit na sigaw ni Enoch na tumigil na sa pagsipa

"H-hindi ko alam na kapatid mo sya.. Parang awa nyo na... T-Tulong" pag mamakawa nito.

Muling uminit ang ulo ni Enoch kaya aakma sana syang tatadyak ulit ngunit mismong si Alyster na ang humatak sa kanya upang lumayo na sa lalaki.

"Narinig mo ba kung ano yung sinabi nya?!" Galit na galit na sabi ni Enoch ng inawat sya ni Alyster.

"Yes" mahinang sabi ni Alyster habang nakangiti

BAGO nangyare ang lahat ng ito ay masayang nag paparty ang grupo ng mga ito at purong inuman sa bahay ng tropa nila. Nagulat na lamang ang lahat ng biglang namatay ang ilaw at nawalan ng kuryente.

Nag ingay ang marami sa pag ka dismaya kaya inutosan ng leader nila ang isa pang lalaki upang tignan ang fuse kung nag karoon ba ng problema.

Hindi naman ito nag atubiling sumunod. Hawak hawak ang phone na may flashlight at agad syang nag tungo sa kusina kung saan naroon ang fuse ng kuryente.

"Gagi... Binaba yung fuse... Lakas ng trip ang amputs" nanggigigil nyang bulong na kumamot Pa ng ulo. Muli nyang itinaas ang fuse at bumalik sa party ngunit napansin nya tila walang nag ingay dahil sa tuwa tulad ng laging ginagawa ng mga tao pag bumalik na ang kuryente mula sa malawakang brownout.  "Oy okay na" saad nya ng nakabalik na sya ngunit laking gulat nya ng lahat ng kanyang mga kasama ay nakaluhod na at may mga taong di nya kilala na nakatayo at nakapalibot sa mga ito.
Magsasalita sana sya ngunit may tatlong tao sya na biglang na mukhaan na dahilan kaya agad syang napaluhod sa mismong kinatatayuan nya.

"Kilala mo ko?" Tanong ni Achilles.

Mabilis na tumango ang lalaki na hindi magawang magsalita sa takot.

"How nice..." Wala sa mood na sabi ni Achilles. Inilibot nya ang tingin upang isa isahin ang mga tao dun.  Humarang sa paningin nya si Luke na naglakad upang puntahan ang isang lalaki.

Umupo si Luke upang pumantay ang paningin nya sa lalaking nasa harap. Tanda nya ang mukha ng lalaking iyon... Ang kasintahan ng kapatid ni Enoch. At ang lalaking nanakit dito. Binigyan nya ng malaking ngiti ito. "Nag kita tayo ulit" saad nya.

Nag-isip pa muna ang lalaki at isang sandaling pag titig sa mukha ni Luke ay naalala nya na ito na nakasalubong sa train station at inutusan syang bumili ng tubig. "Ikaw yung--AAAAAH!" hindi napinatapos ni Luke ang sasabihin nya.

Hinawakan ni Luke ang buhok ng lalaki sa bunbunan nito upang hilain papunta sa gitna. "AArg you scream like a girl" bwisit na sabi ni Luke.

"Is that him? Yung bumugbog kayo khalil?" Tanong ni Achilles

"Yup, the one and only, Zach right?" sagot ni Luke

"Can we make it shorter? Mukha naman na wala silang maambag pag nagkagulo tayo dito" komento ni Dart habang nakasulyap sa mga mukha ng mga lalaking takot na takot.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon