Chapter 34

81 7 11
                                    

THIRD PERSON'S POV

Malakas na tugtog ang dumadagundong na music sa buong club kasabay ng hiyawan at sigawan ng mga taong lango na sa alak. Sinasabayan ng kanilang katawan ang patay sinding mga ilaw na tila sumasayaw din sa lakas ng musika.

Alas-dose na nang gabi ay tuloy pa din sa pagtungga nang alak si Icarus.

"sir... Tama na po nakakarami na kayo" saad ng bartender.

"gusto ko pa. Kaya ko pa" sabi ni Icarus na hindi na mabuhat ang hawak na baso

"pero sir--" natigil sya ng biglang pinalo ni Icarus ang counter

"pati ba naman ikaw pag babawalan ako? Huh? Sino ka ba? Mag babayad naman ako ah! Bigyan mo ako ng isa pa! Isa pa!...nakikita mo tong kamay ko? Lilipad to sa mukha mo pag di mo ako binigyan ng isa pa! Tulad nito!" inangat nya yung kamay nya. Hindi na pansin na may lalaking nasa likod nya at yun ang nahampas ng kamay nya sa mukha.

"P*TA" sabi ng lalaki. Dahil lasing na din ito ay hinawakan nya sa ulo si Icarus at hinampas ang mukha sa counter saka idiniin.

"huh?" takang tanong ni Icarus nang biglang may naghampas ng ulo dahilan upang tumama yung ilong nya sa matigas na counter. Itinaas nya yung ulo nya tila walang mabigat na kamay ang nasa ulo nya.

Nagtaka yung lalaki kaya mas nilakasan nya pa sa pangalawang pagkakataon yung pagbaon nya sa mukha ni Icarus.

"hahahahaha anong ginagawa mo?" natatawang tanong ni Icarus. Hinawakan nya sa kamay yung lalaki. Inikot nya iyon sabay piniga. Humarap sya sa lalaki. Hindi na sya nagsalita at sinapak na ang lalaki na natumba. Susuntukin sana si Icarus nang kasama nitong isa pa ngunit may sumalo ng suntok nito.

"L-Luke?" tawag nang lalaki sa sumalo ng kamao nya.

"mukhang nasobrahan na tayo ah... Alam mo namang bawal ang gulo dito di ba?" tanong ni Luke

"sya naman ang nag umpisa eh" sagot nito

"oo pero... Tingin ko hindi nyo gugustuhing makaaway ang taong to" paliwanag ni Luke. "so pwede na kayong umalis" pinag masdan nyang umalis yung dalawang lalaki bago itinuon ang atensyon sa natutulog na si Icarus. "pag hindi ma kaya. Umuwi na huh?" sinabi nya dito

"kilala mo?" tanong nang bartender na kaibigan din niya

"yup. Tropa ko. Nakita mo yung cellphone nya?" tanong ni Luke

"oh" binigay ng bartender ang cellphone ni Icarus "tinabi ko muna"

"thank you" saad ni Luke "the best ka talaga" saad nito

"wag mo na akong utuin, di ka makakalibre sa akin" saad nito

"ano ba yan? Ang barat naman ng may-ari" saad ni Luke "maayos naman ang trabaho ko bilang bouncer eh. Tinigil ko nga yung ayaw kanina" sabi ni Luke.

"trabaho mo yun tumigil ka" sabi nito.

Binuksan ni Luke ang phone, may hinanap syang number at tinawagan ito.

💀💀💀💀💀

Hindi nakatulog si Nyx kaya nagbasa sya ng librong binigay sa kanya ni Sir Patrice.
Natigil si Nyx sa pagbabasa ng biglang nag ring ang phone nya.

"Hello?... Luke?... Saang bar? Okay papunta na ako thank you... No I can be by myself... Yes... Thank you so much" mabilis bumangon si Nyx upang magpalit ng damit. Umalis sya nang bahay nang walang pasabi ngunit hindi nya alam na may nagbabantay na guard sa gate nila.

"Miss Nyx" sabi nito

"let me through" saad ni Nyx ngunit hindi sya pinadaan ng mga ito.

"We are sorry Miss but we can't do that... If you're going let us convey where you going..." saad ng lalaki.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon