Chapter 24

41 7 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"NAKARATING DIN TAYO SA WAKAS!" sigaw ni August na tumakbo pag baba ng sasakyan.

"parang tanga to. Ngayon ka lang ba nakakita ng dagat?" tanong ni Sidney na inalalayan si Serendipity bumaba.

"Seren tignan mo yung kulay blueng dagat!"  binuhat ni August ang girlfriend at inikot sa ere.

"whoa!" gulat na reaction ni Serendipity

"Hoy kalma lang!" Saad ni Achilles na natatawang pinag mamasdan ang kaibigan

"first time naming mag beach ng magkasama sino bang hindi mag-e-excite?" Katwiran ni August

"good for you then" saad Ni Enoch

"Tara guys! Sundan nyo lang ako" sigaw ni Malcolm

"dude nakarating na kami dito dati kaya alam na namin kung saan ang bahay ni Alyster" sabi ni Achilles

"huh? Hindi nya ba sinabi? Hindi tayo dun ngayon tutuloy. Masyado tayong marami kaya nag reserve na sya ng room dito sa hotel nila para sa atin" saad ni Malcolm

"baka kase wala lang pumunta kaya pinasara nya ang buong resort! Hahaha" pang aasar ni Achilles

"welcome sir and miss" bati ng isang lalaki sa kanila. Nakahilera ang sampung mga lalaki para hintayin ang pagdating nila. Kinuha ng mga ito ang kanilang mga dala dalang mga bag bago sila dinala sa kanya kanya nilang suite.

"wow" napatulala ang lahat sa ganda ng hotel at ng view ng karagatan.

"kamusta!!" sigaw ng isang lalaki sa likod nila

"tito Hunter" bati ni Hillary sa uncle ni Alyster

"sino sya?" tanong ni Hemera habang nakatingin sa lalaking nakasuot ng magician costume

"tito ni Alyster... May downsyndrome sya hindi lang halata" saad ni Leon

"hindi naman sya nananakit di ba?" tanong ni Hemera

"of course not... Para ka lang may masamang five years old na bata" saad ni Leon

"Hi Hillary! Hi Luke! Hi Malcolm! Hi! Hi! Hi! Hi! Hi! Hi! Hi! Hi!" bati nya sa lahat at isa isang kinamayan ang mga ito.

Maliit lang si Hunter, 4'5 ang taas, slim ang katawan at laging nakangiti, magkahawig din sila ni Emilia na nanay ni Alyster.

"Ang ganda ng suot mong sumbrero tito ah!"  sabi ni Luke

Mabilis na tumakbo palapit si Hunter kay Luke. "di ba maganda!? Bigay ito sa akin ng daddy ni Alyster! Pumunta sya dito nung nakaraang linggo! Tapoa tapos tapos binigyan nya ako ng sumbrero" masaya nyang sabi habang ipinapakita kay Luke ang magician hat nya "nasaan si Alyster? Gusto kong makita si Alyster? Hind nyo sya kasama? Bakit? Nasaan si Alyster?"

"may pinuntahan lang sya pero darating na din sya maya maya." sabi ni Luke 

Nalungkot ang mukha ni Hunter ng malaman na matagal pa dumating ang pamangkin. "uwi na lang ako" mabilis na naglakad su Hunter para umalis

"ah! Bakit hindi tayo mag laro?!" sigaw ni Godfrey nang maawa sa kalagayan ni Hunter

"oy anong pinagsasabi mo?" bulong ni Hugh "kakabyahe lang natin"

"wala ka bang konsensya?" tanong ni Godfrey

"Laro?" huminto si Hunter at tumakbo palapit kay Godfrey, hinawakan nya sa kamay ang binata "Gusto kong maglaro! Mag laro tayo!"

"anong gusto mong laro?" tanong ni Godfrey

"bakit hindi tayo mag agawan base?" suggestion ni Irving

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon