Chapter 6

59 6 2
                                    

ALYSTER'S POV

"Anong..." mahina kong tanong dahil na surprised ako sa pagdating nila.

"Kuya!" nakita ko na yumakap sa akin si Rainzel.

"kasama ka pala sa date nila? Hahaha" bahagya akong umupo upang mag bwelo para buhatin si Rainzel. "yaaah! Bumigat ka na ah" sabi ko sa kanya

"opo! You told me to eat more right?" sabi ni Rainzel na tila nag mamalaki.

"oh yeah... Healthy Food?" tanong ko kaya tumango sya pero nakita ko  yung laman ng plastic na dala nila kaya after kong halungkatin gamit ang kaliwa kong kamay ay inangat ko yung malaking chichirya saka ko sya tinignan.

Tinuro nya si Kuya nya na nakaupo at tila pagod. "kay kuya po yan..."

"Promise?" - ako

"Promise" - Rainzel

"yeah that's mine" sabi ni Icarus pero may kinuha syang pringles na malaki "dahil ito ang sa kanya" binato nya sa akin iyon at agad ko na mang nasalo.

Tinignan ko si Rainzel pero agad itong nag takip ng mukha gamit ang dalawang kamay.

Ang Cute... I hope I have my own siblings too. Kaya sa gigil ko ay hinalikan ko na lang sa pisngi ang makulit na bata.

"I'm sorry..." bulong nya

"wag mo na lang ulitin next time... Hati na lang tayo sa mr. Pringles" sabi kaya lumaki ang ngiti nya kaya binaba ko na sya. Binuksan ko iyon at kumuha ng ilang piraso bago umupo. Kinuha ko sa center table ang Nakatuping damit at sinuot. "kumain na ba kayo?" tanong ko.

"Not yet..." pagod na sabi ni Nyx

Kaya tumayo ako ng marinig ko iyon "hmmn... Okay I'll cook para makakain tayo" sabi ko kaya lumakad ako papuntang kusina.

"hindi ka pa din kumakain?" tanong ni Nyx

"Yup..." sabi ko.

"I want to help" sabi ni Rainzel na hinabol ako.

"wow. That would be great" sabi ko habang nakangiti at ginulo ng bahagya ang buhok nya. "sooo... Do you know how to cook rice?" tanong ko. Pero alanganin syang sumagot.

"you know what everytime I look at you with kids..." putol na sabi ni Nyx

"what?" Tanong ko habang inaabot ang kaldero

"you will be a great father... Ngayon pa lang ang swerte na ng future wife mo" rinig kong sabi ni Nyx kahit nasa sala sila at ako naman nasa kusina. Hindi ako nagsalita, sa halip ay kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mga salitang gustong gustong kumawala sa lalamunan ko.

Gusto kong ikaw ang maging maswerteng babaeng yun... Ikaw lang Nyx ikaw lang!

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko bago tumawa "Hahahaha you think so... Baka hindi nya ako makita" sabi ko. Binigay ko kay Rainzel ang kaldero at sumenyas ng tatlo kaya lumapit sya sa lagayan ng bigas at pinindot ang #3.

"what do you mean?" tanong ni Icarus at Nyx

"Hindi naman nya ako mahahanap sa semenaryo eh" sabi ko ng binuksan ko ang fridge at kinuha ang mga sangkap na lulutuin

"wait what?... Magpa-Pari ka?" saad ni Icarus

Narinig ko ang yabag ni Nyx at Icarus na palapit at nagulat na lang ako na may nagsara ng pinto ng ref. "hindi ko pa ba nasasabi?"

"wala kang sinasabi" seryosong tanong ni Icarus

"ah ganun ba?" sabi ko na lang.

"anong reaction yan?... Seryoso ka ba Pre?" tanong ulit ni Icarus

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon