Chapter 16

57 3 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"sir Teka akala ko ba interview lang?" takang tanong nila Casper ng ikulong sila "atsaka sir di naman kami kasama sa na bangga so bakit pati kami damay?"

"dahil hindi kayo pumasa sa test. Lahat pala kayo ay naka inom eh" saad ng pulis

Naka upo lang sila Hemera, Yuna, Nyx at Ylona sa tabi ng mga babaeng pulis at pinainom ng kape upang mainitan habang balot ng mga kumot dahil sa iksi ng mga suot. Si Alyster naman ay nakahiga sa mahabang upuan at natutulog.

"tinawagan na namin ang mga parents nyo base sa mga binigay nyong numbers at kasalukuyang bumabyahe na" saad ng babaeng pulis.

"ma'am hindi naman po talaga kami lasing eh. Okay naman po talaga kami sadyang may dumaan pong aso kaya nawalan ako ng preno" saad ni Ethan "atsaka ako lang naman po ang may kasalanan so ako na lang ang ikulong nyo"

"Ethan..." tawag ng mga kaibigan nya na na-touch sa kanyang sinabi.

"GROUP HUG!!" sigaw ni Enoch kaya bigla silang nag silapitan at nag yakapan.

After nun ay nanahimik na lang sila.

"pfft!" biglang tawa ni Icarus

"huh? Bakit?" tanong ni Cornelius

"hmmn... This is a nice experience. Sa dami ng kagaguhan natin this past years ngayon pa tayo na kulong hahahaha" natatawang sabi ni Icarus

"hahaha oo nga noh... Masyado na tayong naging focus sa kanya kanya nating mga courses kaya nawalan na tayo ng time sa mga gang natin. Nakakamiss din pala mapasabak sa riot at makipag bugbugan" saad ni Achilles na natatawa na din.

"hindi na din siguro masama ang nangyare" saad ni Luke

Maya maya ay dumating na ang kanilang mga magulang na galing pa sa reception. Agad na nilang Naramdaman ang mga nag babadyang sermon.

"Luke ano nga ulit yung sinabi mo kanina?" tanong ni Reginald

"binabawi ko na ang sinabi ko" saad ni Luke ng makita ang mama nya na kulang na lang ay kuhain ang batuta at ipukpok sa ulo nya.

Binuksan ng isang pulis ang rehas ngunit ng hihilain nya na ito ay agad iyong pinigilan nila Tori habang umiiling na wag silang palabasin. "oh kanina gusto nyong lumabas di ba?"

"nag bago na isip namin sir. Dito na lang kami... We feel safe here. REALLY REALLY SAFE" saad ni Casper na parang baliw

"labas na..." saad ng pulis

"hindi ayaw kong lumabas. Dito lang kami sir. Dito na lang kame!" saad ni Dart

"lalabas ako..." saad ni Mortimer na hindi kakikitaan ng kaba.

"woaaah" tila nag ninging-ning ang kanilang mga mata habang nakatingin kay Mortimer na taas noong lumabas.

Nag lakad ito papunta sa kanyang ina "ma!" tawag nya na aabutin ang kamay nito upang mag mano. Nang tinaas na ng mama ni Mortimer ang kamay nito ay bigla syang lumuhod at kumapit sa mga hita nito "ma! Sorry!! Hindi ko sinadsadya wag kang magalit! Wag mo ako isumbong kay Dad!! Maaaaaa gagawin ko ang lahat wag ka lang magalit"

Hindi nila alam kung tatawa ba sila iiyak para sa mga buhay nila pag lumabas na sila ng rehas na iyon.

"Yuna baby" tawag ng kanyang mama.

"Ma!" mabilis na niyakap nya ng kanyang mama

"are you okay? Are you hurt? Where?" naaalalang tanong nito.

"I'm fine hindi naman kami ang na aksidente.  Sila Ethan po" saad ni Yuna

Lumabas na sila sa mga rehas at dahan dahang lumapit sa mga magulang nila.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon